Chapter 544 - Chapter 9

Halos mabingi si Rei sa lakas ng rock music na lumalabas sa speaker. Nagwawala na ang lahat ng estudyante sa sunud-sunod na music ng The Switch. Subalit parang wala siyang naririnig. Nakatitig lang siya subalit parang walang nakikita. Hungkag ang pakiramdam niya.

"The Switch! I love you!" makabasag eardrum na sigaw ni Edmarie habang nagtatatalon. Kinalabit siya nito. "Ang galing nila, no?"

Matabang siyang ngumiti. "Oo nga. Magaling sila."

Natigil ito sa pagwawala. "O! Bakit parang hindi ka nag-e-enjoy? Hindi ba paborito mo naman sila?"

"Wala lang ako sa mood."

"Huwag mo nang isipin si Hayden. Malamang nag-e-enjoy na iyon sa piling ng fafa niya. Kaya pabayaan mo na lang siya."

Naghintay siya nang naghintay sa pagdating ni Hayden. Inabot na siya ng alas siyete sa may gate subalit di pa rin ito dumating. Gusto na sana niyang umuwi subalit pinilit siya ni Hayden na tumuloy pa rin sa concert kahit wala si Hayden.

Nanginig ang luha niya. "Hindi! Sa akin lang si Hayden. First date namin ito."

"Tanggapin mo na, Rei. Hindi kayo talo ni Hayden. Umaasa ka lang sa wala. Alam mo naman iyon sa simula pa lang. In denial ka lang."

"Hindi. Dadating pa rin si Hayden. Alam ko iyon."

"Bahala ka na nga. Basta mag-e-enjoy ako dito!"

"Pupuntahan ko muna si  Hayden. Baka hinihintay niya ako sa may gate."

Pinigilan nito ang braso niya. "Huwag ka ngang ewan diyan. Babalik ka pa sa gate at para saan? Saka uulan na. Dito ka na lang. Wala kang dalang payong."

Tumingala siya. Nagsisimula nang umambon. "HIndi ako dapat umalis. Baka nga nasa gate lang si Hayden. Pupuntahan ko lang siya.'

"Rei! Ano ba?"

DI niya pinansin ang pagtawag nito at sumingit sa mga  nagtatalunan at nagsasayawang mga estudyante. Kailangan niyang makita si Hayden. Gusto niyang malaman kung ano ba siya sa buhay nito. Nangako siya na di siya aalis sa tabi nito. Dapat sana ay naghintay pa siya dito.

HIndi rin niya mae-enjoy ang event na iyon kung wala si Hayden. Parang wala na siyang karapatan na maging masaya dahil wala si Hayden sa tabi niya.

"Excuse me!" Pilit siyang gumitgit. Palaki na nang palaki ang patak ng ulan.

Kailangan niyang makita si Hayden. Iyon lang ang nasa isip niya. Nairita siya nang may katawang humarang sa dadaanan niya. "Excuse me." Subalit di pa rin ito gumalaw man lang. "Sabi ko excuse me!"

Nang tumingala siya ay ang malungkot na mata ni Hayden ang sumalubong sa kanya. "Rei, sorry kung na-late ako."

Nangilid ang luha sa mata niya. "K-Kanina pa ako naghihintay sa iyo. Pinaghandaan ko pa mandin ang date natin tapos wala ka."

"Huwag ka nang umiyak." Pinahid nito ang luha sa pisngi niya. Kasama na rin doon ang patak ng ulan na bumabasa sa kanila. "Kasalanan ko na. HIndi ko naman gusto na ma-late ka at paghintayin ka."

"Nakita ko sumakay ka ng kotse ni Franzine. Tinatawag kita pero di mo na ako narinig. Akala ko nag-back out ka sa date natin."

Niyakap siya nito, "No. Nangako ako na pupunta ako, di ba?"

"Bakit hindi ka tumuloy? Kay Franzine ka sumama. Baka mamaya kung sinong lalaki ang ipinakilala niya sa iyo."

Akala naman nito ay makukuha lang siya sa pagyakap-yakap nito? Kailangan din niya ng paliwanag dahil pinasama nito ang loob niya.

"Silly. Papunta na talaga ako sa usapan natin. Pero sinabi ni Franzine na isa sa kasama namin sa drama club ang isinugod sa ospital ang tatay, Kailangan naming tulungan. DI naman namin maiwan dahil mag-isa lang siya. Sinubukan kitang tawagan pero naiwan mo pala ang cellphone mo sabi ng mommy mo."

Humupa ang pag-iyak niya. "Iyon bang kasama mo sa drama club lalaki o babae? Baka naman may gusto iyon sa iyo."

"Babae siya at hindi mo kailangang pagselosan. Saka  nandito ako, di ba?"

 "Bumalik ka ba para sa akin?"

"Oo. Kanina pa nga kita hinahanap. Huwag ka nang umiyak." Tinanggal nito ang suot na jacket at ipinatong sa ulo niya. "Tapos nagpaulan ka pa."

"Basta kasalanan mo kapag  nagkasakit ako," paninisi niya.

bumuntong-hininga ito. "Kapag nagkasakit ka, aalagaan kita."

"Paano mo ako aalagaan? Ako ang hindi nababasa dahil ibinigay mo sa akin ang jacket mo. Baka ikaw ang magkasakit."

Idinikit nito ang noo sa noo niya. "O mas maganda siguro kung ako na lang ang magkasakit kaysa naman ikaw."

He looked so gorgeous in her eyes. He was all male. Kahit si Franzine ay hindi sasabihin na kalahi nito si Hayden nang mga oras na iyon. Nakapanlalaki itong damit para sa date nila. And she was grateful for that.

Nakatitig lang ito sa kanya na parang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo. Na parang siya lang ang  maganda sa paningin nito. Ni hindi na nito pinansin ang naiipong tubig sa dulo ng pilik mata nito.

Matagal na niyang pinangarap na may tumingin sa kanya tulad ng pagtingin ni Hayden sa kanya. Iyong hindi siya pagsasawaan na titigan kahit na ilang oras pa ang lumipas. Na habang magkasama sila ay di nawawala ang ngiti sa labi nito. At si Hayden lang ang nakagawa niyon para sa kanya.

Humawak siya sa balikat nito. "Dance with me, Hayden."

Hinapit nito ang baywang niya. And their body swayed slowly. Di iyon sumasabay sa mainay rock music na tinutugtog. She and Hayden were sharing the same music. Iyong sila lang ang nakakarinig. Maybe it was the sound of the rain. Or maybe they were dancing with the beat of their hearts.

All she knew was she wanted to freeze that moment with him. Dahan-dahang hinuhugasan ng ulan ang lungkot na naramdaman niya nang di niya ito kasama.

"You must really hate me now, Rei."

Tumingala siya at umiling. "No. I don't hate you. Kahit nga magtampo hindi ko magawa. Gusto ko lang naman nandito ako sa tabi mo."

"Why do you stay by my side, Rei? Parang imposible kasi ang lahat para sa atin. Nasasaktan ka lang. Pinagtatawanan ka ng mga tao."

Ikinulong niya ang pisngi nito sa palad niya. "Hayden, wala akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao. Wala akong pakialam sa opinion nila o sa nakikita nila sa iyo. Ang importante ang nakikita ng puso ko. At ikaw lang ang nakikita ng puso ko."

Kahit nga ang isip niya ay di makontra ang sinasabi ng puso niya. Hayden totally took control of her senses. Para sa kanya, ang nararamdaman lang niya para kay Hayden ang tama. At kung di niya susundin ang tinitibok ng puso niya, magiging mali na ang lahat.

"Pero ayaw kong nakikitang nasasaktan ka at napapahiya dahil sa akin. Paano kung  may magsabi sa parents mo ng tungkol sa atin? Ilalayo ka nila sa akin."

Yumakap siya sa leeg nito. "Hayden, huwag na natin silang pag-usapan. I just want to enjoy this night with you."

"Just a little more time, Rei. Hintayin mo lang ako kahit sandali pa," bulong nito sa kanya at kinabig palapit ang katawan sa kanya.

Di niya alam kung para saan ang paghihintay na sinasabi nito. HIndi na kasi siya naghihintay sa kahit ano. Masaya na siya basta nananatili siya sa tabi nito.

Related Books

Popular novel hashtag