"CONGRATULATIONS, Liyah! You did a great job!" bati ni Elvin sa kanya sa dinner na ihinanda nito nang makabalik na siya sa Bangkok. Ito kasama sina Eyna at "Napanood namin ang video ng game ninyo. That was a nice finish."
"Yes. My horse did a great job!" she said with a laugh. Hanggang ngayon kasi ay pinag-uusapan pa rin ang swerte niya. If she missed the chance, they would lose.
Pinisil nito ang kamay niya. "But I am proud of you, Liyah. Now the town is talking about how good my sister is. Not just good but the best."
"Sana pala nandoon tayo, sweetheart," malambing na wika ni Eyna.
Pilit siyang ngumiti. "Di bale, nag-enjoy naman kayo sa Phuket."
It was her idea to go to Phuket. Parang sinadya nga nito na hindi makapanood ng laro niya ang kapatid niya. Tapos ay manghihinayang ito. Come on!
"I am really sorry. Di man lang kami nakasama sa laro mo," nanghihinayang na sabi ni Elvin. "Next time, we will be there."
Ginagap ni Thyago ang kamay niya. "It's okay. Nandoon naman ako para manood ng laro niya. And I had a great time."
Nilingon niya ito at ngumiti. Di na siya nalulungkot kahit na wala si Elvin para sa kanya. It was Thyago who cheered her up. Di niya naramdaman na may kulang sa kanya nang mga oras na iyon. At masasabi niyang mas malapit sila sa isa't isa.
"How I wish you were in Phuket with us as well. Hindi lang ninyo alam kung gaano kalaking moment ang na-miss ninyo," sabi naman ni Eyna.
"Bakit? Ano ba ang na-miss namin?" curious niyang tanong. Masisira lang marahil ang araw niya kapag nakasama niya si Eyna.
Itinaas ni Eyna ang kaliwang kamay. Hinawakan din nito ang kamay ng kapatid niya ang itinaas. "Look!"
Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang plain white gold ring na nakasuot sa kaliwang palasinsingan ng dalawa. "Oh, God!" bulalas niya. Nanlaki ang ulo niya habang nakatitig sa mga singsing. A pair of wedding band!
"Nagpakasal na kayo?" tanong naman ni Thyago.
"Yes! An underwater wedding. Isn't it romantic?" anang si Eyna at humilig sa baliakt ng kapatid niya. "It was a once in a lifetime thing and I love it."
Namanhid ang pakiramdam niya. Her brother got married and she was not informed. Ni hindi man lang ito tumawag para sabihing kasal na ito. Ano bang ginawa ni Eyna sa kuya niya para makalimutan na siya nang tuluyan sa bawat desisyon nito? Parang hindi siya nito kapatid. Nasasaktan siya.
"Liyah, aren't you happy for us? Hindi ka na nakakibo diyan," untag ni Elvin.
"B-Bakit basta na lang kayong nagpakasal nang di nagsasabi sa akin?" tanong niya at di maitago ang hinanakit.
Pinisil ni Thyago ang kamay niya. Parang wina-warning-an siya nito na kontrolin ang emosyon niya. Subalit labis siyang nasasaktan. Ang gusto lang niya ay maibulalas ang sama ng loob niya. The pain in her heart was killing her.
Nagsisikip na halos ang dibdib niya dahil pinipigil lang niyang mapaiyak. She felt left out. May halaga pa ba siya sa kapatid niya? Ni hindi man lang nito ipinaalam sa kanya ang espesyal na araw sa buhay nito.
"It came all of a sudden, Liyah. I am so sorry. Bigla na lang kaming nag-decide ng kapatid mo. It was so romantic and perfect. An underwater wedding in paradise. So we didn't let the chance go," paliwanag ni Eyna.
Yes. It was perfect without her. Wala nga namang tututol sa kasalan. Walang panggulo. Di tulad sa karaniwang kasalan, may tsansa siya para kumontra. She was halfway around the world and she couldn't do anything about it. Kung siya ang tatanungin, hula niya ay matagal nang nagplano ang dalawa.
"And we are really happy for you," maagap na wika ni Thyago. "Hindi ba, Liyah? Sayang lang talaga wala tayo doon."
"I just wish I was invited," matabang niyang wika. "Saka hindi ba masyado namang maaga para sa kasalan. Ilang buwan pa lang kayong magkakilala."
"Akala ko ba masaya ka na para sa amin?" mataray na tanong ni Eyna. "You still don't like me, right? Masama ang loob mong pinakasalan ako ni Elvin?"
Naglaban ang mga tingin nila ni Eyna. Ginawa nito sa kanya ang pinakamasakit na magagawa ng isang tao sa kanya. She took her brother away from her. Wala siya sa araw na iyon. At wala man lang siyang nagawa.
Inakbayan siya ni Thyago. "Give Liyah a break! Masaya siya para sa inyo. She just wished she was there."
And she wished they cared about her feelings. Kung ikakasal lang din naman ang kapatid niya, gusto niyang masaksihan lahat. Sila na lang dalawa ang magkamag-anak sa mundo. Kung siya din ang basta basta na lang ikinasal nang walang pasabi, siguro naman ay masasaktan din ito.
"Don't worry. We will have another underwater wedding next year," anang si Elvin at tinapik ang kamay niya. "You will be our witness then, Liyah. And you too, Thyago. Hindi na kayo mawawala sa susunod."
Pilit siyang ngumiti at tumango. Salamat sa pampalubag-loob.
Humilig si Eyna kay Elvin. "Sweetheart, let's dance."