Chapter 520 - Chapter 11

Mahigpit niyang piniga ng kamay ang table napkin. Nanlalabo ang mata niya habang pinagmamasdan sa pagsasayaw ang dalawa. Sa isang saglit ay nagbago ang buhay nilang magkapatid dahil sa pagdating ni Eyna. Di na siya ang pinaka-importanteng tao sa buhay nito. At di niya alam kung importante pa nga siya dito.

"Do you want to dance as well, Liyah?" paanyaya ni Thyago.

Umiling siya at tumayo. "Excuse me. Sa verandah lang ako. Hindi ako makahinga dito dahil puro usok ng sigarilyo," sabi niya at nagmamadaling lumabas.

Walang tao sa verandah ng restaurant at malayang dumaloy ang luha sa mga mata niya. Pakiramdam niya ay nag-iisa na lang siya. Iniwan ng pinaka-mahalagang tao sa buhay niya. Niyakap niya ang sarili nang umihip ang malamig na hangin. She never felt so alone in her life and it was scaring her to death.

"Umiiyak ka na naman?" tanong ni Thyago na sinundan pala siya.

Umiling siya at mabilis na pinahid ang luha. "Hindi lang maganda ang nararamdaman ko tungkol dito. Nagpakasal sila nang di sinasabi sa akin. Ano ba ako kay Kuya Elvin? Hindi ba kapatid niya ako?"

Huminga ito nang malalim at hinawi ang buhok niya na tumatabing sa mukha niya. "I understand how you feel. Natural lang na masaktan ka. Pero masyado nang masaya ang kapatid mo para ma-guilty pa ngayon. Nakita mo naman kung gaano siya kasaya habang kasama si Eyna. Huwag mo na lang sigurong isipin na nasasaktan ka. Just think about your brother's happiness."

"Ibig sabihin kung siya ang nasa lugar ko, dapat maging masaya na lang siya?" tanong niya. Ganoon lang ba kadali na ipamigay ang isang taong mahal mo?

"Kung ako ang pakakasalan mo, I am sure he will be happy for us. Pero kung iba naman, bakit ko siya bibigyan ng magandang advice."

Matiim niya itong tinitigan. "This is no time for joke, Thyago."

"I am serious." Nang nanatiling matiim ang titig niya ay hinawakan nito ang balikat niya. "Liyah, hindi natin dapat hawakan nang mahigpit ang mga taong mahal natin. Di pwedeng tayo lang ang tao sa buhay nila. Di pwedeng tayo lang ang mahalin niya. Minsan nasasaktan tayo dahil nababalewala tayo. Lawakan mo na lang ang isip mo. Life won't conform with your wiles at all times."

Napaisip siya. Buong buhay kasi niya ay umikot na lang sa kapatid niya. Nasanay na siya na maibibigay nito ang lahat ng atensiyon na kailangan niya. At hindi siya handa sa mga pagbabago sa buhay niya.

"I guess I have to grow up and mature a bit. I won't be too clingy to my brother. Hindi na pwedeng sa akin umikot ang buhay niya. May asawa na siya. And who knows? Baka magkaroon na rin ako ng pamangkin. Hindi na ako ang baby niya," pangungumbinsi niya sa sarili.

"Ibig sabihin hindi ka na magseselos mula ngayon?"

"I'll try not to." Para naman iyon sa kaligayahan ng kapatid niya.

"Good." Ginagap nito ang kamay niya. "Sayaw na tayo."

Umiling siya. "Ayoko! Tingnan mo. Pangit na ako." Hindi siya babalik sa loob hangga't hindi man lang siya nakakapag-retouch.

"You are beautiful. Kailangan mo lang sigurong isipin na marami pang taong makaka-appreciate ng kagandahan mo kung papayagan mo sila."

Tumaas ang kilay niya. "Thyago, I don't like the tone of your voice. Parang gusto mo na namang ipasok ang sarili mo sa usapan."

Hinaplos nito ang dulo ng ilong niya. "How perceptive! So would you like to go out with me? I will make sure that you won't regret it."

Matamis siyang ngumiti at hinaplos ang pisngi nito. "Oh, Thyago!"

"Does it mean that you will go out with me?"

Mabilis na naglaho ang ngiti niya. "Hindi. Gusto ko lang sabihin na ten years from now saka ako makikipag-date."

"What?" bulalas nito. "Kailan pa iyon? Kapag matanda na ako? You are so cruel, Liyah!"

Humagikgik siya at naunang bumalik sa restaurant. Siguro kung yayayain pa siya nito ulit, baka pumayag na siya.

He was really charming. Siguro nga ay pwede naman niyang buksan ang puso niya para sa ibang tao nang di lang sa kapatid niya umikot ang buhay niya.

HAPONG-HAPO ang pakiramdam ni Liyah nang I-park ang sasakyan sa harap ng bahay. Puspusan ang practice nila para sa nalalapit na local tournament. Matindi na ang pressure sa team nila. Mataas kasi ang expectations sa kanila mula nang manalo sila sa Ambassador's Cup.

Paglabas ng kotse ay narinig niya ang malakas na boses ni Eyna habang nakikipagtalo sa kapatid niya. "You know that I love that beach house in Phuket. Hindi mo agad binili. May iba daw na interesadi pa doon. Bilhin na natin."

Pinili niyang umupo na lang sa bench kaysa pumasok sa warzone. Hangga't maari ay ayaw niyang ma-involve sa way ng mag-asawa.

"Eyna, it is too expensive. Hindi practical na bilhin natin samantalang may iba namang bahay na mas mura doon."

"But I want that house! Ayoko ng murang bahay, Elvin."

"At hindi natin pwedeng bilhin iyon sa ngayon."

"What? Why not now? May pera ka naman. Tinitipid mo ba ako? Pinagdadamutan mo ang sarili mong asawa?"

"Hindi kita tinitipid at lalong hindi kita pinagdadamutan. And you know that!" mariing wika ni Elvin.

Tatlong buwan pa lang ang nakakaraan mula nang magpakasal ang dalawa pero napapadalas na ang pag-aaway ng mga ito. Sa bahay pa rin na iyon siya tumutuloy dahil gusto ng kuya niya na magkalapit sila ni Eyna.

Bilang asawa ng kapatid niya, nakita niya kung gaano ka-spoiled si Eyna. Hinayaan ito ng kapatid niya na gawin ang lahat ng gusto nito. Lagi itong laman ng mga shopping center. Kung anu-anong binibili. Maging ang simpleng bahay nilang magkapatid ay crowded na sa dami ng mamahaling kasangkapan at art pieces. At hindi niya ma-imagine kung gaano karami ang perang nagagastos nito.

Walang trabaho si Eyna. Ni hindi rin ito mapirmi sa bahay at laging nasa labas kasama ang mga sosyal nitong kaibigan. Wala na itong nakukuhang allowance mula sa mayamang ama mula nang mag-asawa. Hindi lingid sa kaalaman niya na unti-unti nang nauubos ang perang ipon ng kapatid niya.

"Then why don't you give me what I want?" parang batang maktol ni Eyna.

"Give me more than a year. And I will buy you a much nicer house than that one. I promise you," pagmamakaawa ng kapatid niya.

"No! I want that house now! Kung hindi mo lang din naman maibibigay ang lahat ng gusto ko gaya ng pangako mo, hindi na lang sana kita pinakasalan."

Nagdadabog na lumabas ng bahay si Eyna at sumakay sa mamahalin nitong Porsche na regalo rin ng kapatid niya noong kasal nito. Pinaharurot nito ang sasakyan palayo. Saka lang siya pumasok ng bahay.

Naabutan niya ang kapatid na sapo ang noo habang nakayuko. Apektado pa rin ito sa pakikipagtalo sa asawa kanina.

Umupo siya sa tabi nito. "Kuya, are you okay?"

Pilit itong ngumiti. "Yes. Kanina ka pa ba?"

Tumango siya. "Narinig ko ang pagtatalo ninyo ni Ate Eyna."

"Huwag mong pansinin. Natural lang iyon sa mag-asawa."

"Maybe I can help. Pwede ko nang kunin ang perang pamana ni Papa. Twenty-one na ako, di ba?" DI lang niya ginagalaw dahil kumikita naman na siya.

"No! It is yours, Liyah. Nahihiya ako dahil nadadala ka pa sa gulo namin."

Ginagap niya ang kamay nito. "It's okay, Kuya. Magkapatid tayo, di ba? Sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo lang."

"Sabi ko nga problema namin itong mag-asawa. But I hope you won't hate Eyna. I really love her, Liyah."

Pilit siyang ngumiti. She was trying her best not to hate the woman her brother loved. Sana lang ay mahalin din ni Eyna ang kapatid niya.