"Kuya, ikaw lang ang love ko." At hindi pumasok sa isip ni Liah kahit minsan na magkakasira sila o magkakahiwalay dahil mai-in love siya. Malabo iyon. Kung mai-in love siya, gusto niya ay katulad nito ang qualities. Malayo sa personality ni Thyago.
"Paano kung ako naman ang mag-asawa?"
Nanghaba ang nguso niya. "Ayoko! Kung mag-aasawa ka, siyempre kailangan may approval ko rin ang babaeng magugustuhan mo. Ayoko ng katulad ng ka-date ni Thyago." Lalo siyang napasimangot nang maisip si Eyna Abanica.
"Why? What's wrong with Eyna? She's beautiful."
"And so is a peacock. Kuya, she's a major flirt. A polo groupie. Ilan na bang polo player ang naging boyfriend niya? Kung sino ang star player sa sikat na team, doon siya tumatakbo. Kung wala lang ako kanina, tiyak na ikaw ang yayayain niya. Mabuti na lang at si Thyago ang niyaya niya."
Yumuko ito at nilaro-laro ng tinidor ang noodles. "You shouldn't judge Eyna. I guess she's not that bad," mahina nitong usal.
"Kuya, dinadasalan mo ba ang pagkain mo?" pabiro niyang tanong. Ayaw niya ang tono ng pagtatanggol nito kay Eyna.
Inangat nito ang tingin at ngumiti sa kanya. "Nope. Silly!"
She would be really firm. Di siya papayag na makalapit ang Eyna Abanica na iyon sa kapatid niya. Mas bagay si Eyna at si Thyago!
"I WILL see you tomorrow, Wind Guard! Behave, Ambitious!" paalam ni Eyna sa mga polo ponies na alaga niya. Ang mga ito ang gagamitin niya sa polo competition. Siya din ang nag-train sa mga ito.
She learned to ride a horse as early as three. Nagsimula siyang maglaro ng polo sa edad na walo. Then she entered the professional women's competition at the age of seventeen. Gusto niyang sundan ang yapak ng namayapang ama at Kuya Elvin niya. She thought that polo was one thing she and her brother could share together. Ito rin ang inspirasyon niya sa bawat laro niya. Gusto niyang maging proud sa kanya ang Kuya Elvin niya tulad ng pagiging proud niya dito.
Sa batang edad niya ay nakakagawa na siya ng pangalan sa mundo ng women's polo. Ito na ang buhay niya.
Mabilis siyang nag-shower pagdating sa villa na binili nilang magkapatid. Anumang oras ay dadating ang Kuya Elvin niya para idala siya sa concert ng The Switch. Filipino band ang naturang grupo na nakagawa na ng pangalan sa Asia, maging sa America at sa Europe.
Gustong-gusto niya ang banda. Hindi kasi maingay ang musika ng mga ito. She even bought and used the Stallion Shampoo and Conditioner. Ginamit kasing theme song ang kanta ng banda para sa naturang shampoo.
Nang malaman niyang magko-concert ang mga ito sa Bangkok, bumili agad siya ng ticket para sa kanilang magkapatid. Tinanggihan niya ang ibang offer sa kanya na manood ng concert dahil kuya niya ang gusto niyang makasama.
Bihis na siya pero di pa rin dumadating ang Kuya Elvin niya. She was trying to call his cellphone when the doorbell rang.
Dali-dali niyang binuksan ang pinto. "It's about time, Kuya!" Nawala ang ngiti niya nang mapagbuksan si Thyago. "Anong ginagawa mo dito?"
"Good evening to you as well, Sweet Liyah," anito at pumasok sa loob. He gave her an appreciative look. "Wow! You are all dressed up. Sana naman hindi ka nainip sa paghihintay sa akin."
Humalukipkip siya at nanatiling nakatayo sa pinto. "Wala si Kuya dito, Thyago. We will go to a concert. Kaya mabuti pang huwag mo na lang siyang abalahin. Bukas na lang kayo mag-usap."
Umupo ito sa bar stool sa may mini bar na paborito nitong upuan kapag naroon. "That's why I am here. Hindi makakasama si Elvin."
Naipadyak niya ang paa. "No way! Hindi pwede iyon. Matagal na naming pinlano ito tapos hindi siya makakarating?"
"He has an important meeting with the sponsor. Siya ang team captain namin. Alam daw niya na maiintindihan mo."
Bumagsak ang balikat niya. "Hindi na kami matutuloy."
"Siyempre matutuloy pa rin. Ako ang papalit sa kanya."
"Hindi na lang ako manonood kung ikaw ang kasama ko," aniya at umirap.
"I cancelled my date for you."
"Sino ba ang may sabi na I-cancel mo ang date mo para sa akin? Baka mamaya awayin pa ako ng girlfriend mo."
"Break na rin kami ng girlfriend ko kaya wala na siyang magagawa."
Umiling siya. "Si Kuya talaga ang gusto kong kasama." Iba pa rin kapag kuya niya ang nakakasama niya sa mga importanteng event sa buhay niya.
"Look! I know that you don't like me. Pero ako lang ang mapagkakatiwalaan ng kuya mo para samahan ka. At magi-guilty siya kapag hindi ito natuloy. Do you want him to feel so bad?" pangongonsensiya nito.
Umiling siya. "Siyempre, hindi!" Huminga siya nang malalim. "Papayag na akong manood ng concert kasama ka." Dinuro niya ang dulo ng ilong nito. "Basta huwag mong iisipin na nagde-date tayo. Huwag kang magte-take advantage."
Inakbayan siya nito. "Ikaw na lang ang mag-take advantage."
Siniko niya ito sa tagiliran. "Hands off, Thyago!"
Ni di nito pinansin ang paniniko niya humalakhak. It was a rich masculine laugh that tickled her senses. And it was a bad sign for that night. Really bad.