Dafhny had been kissed before. Chaste kisses from Roland when they were still together. Nirerespeto daw siya nito. Ibang-iba iyon sa halik ni Gianpaolo sa kanya pero di naman siya nakaramdam ng kawalan ng respeto mula dito. Inaalagaan pa rin siya ni Gianpaolo. Binibigyan siya ng pagkakataon na tanggapin ang halik nito.
She shivered from head to toe. Yumakap siya sa leeg nito at ibinuka ang labi. Isinusuko na niya ang sarili dito para sa pagkakataong iyon.
Sa likod ng utak niya, sinasabi na isang pagkakamali ang ginagawa niya. She was stupid to give Gianpaolo the power over her. Isang halik lang ay kayang-kaya na siya nitong gawing mahina. Sisirain lang niya ang sarili niya.
But the prize was too sweet. He was kissing her as if he really liked her. As if she was beautiful. And it made her feel so good. Iyon ba ang talento ni Gianpaolo kaya nagawa nitong akitin ang mga kababaihan?
Jeez! She was no different from them. Heto at nanlalambot na ang tuhod niya, handang gawin ang anumang gusto nito. She must be nuts but she didn't know how to stop him. She didn't want him to stop.
"Hindi ba ninyo pwedeng gawin iyan sa lugar na walang nakakita sa inyo?"
Bigla silang naghiwalay sa sobrang gulat nang marinig ang boses ni Manang Suling. "Manang, nandiyan po pala kayo," usal niya.
"Oo. Hindi ba ninyo ako napansin o sadyang pinagpapasikatan lang ninyo ako? Ang taas-taas pa ng sikat ng araw, may ginagawa na kayong kababalaghan," sermon nito. Di tuloy siya makatingin nang diretso kay Manang Suling.
"Wala po kaming ginagawang kababalaghan," tutol ni Gianpaolo.
"Anong ibig sabihin ng nakita ko?" asik nito.
"Wala naman po talagang ibig sabihin iyon," mahina niyang usal. Wala namang ibang kahulugan ang halik ni Gianpaolo sa kanya. They just kissed.
"Huwag na lang po ninyong sabihin sa iba," dagdag ni Gianpaolo.
"Sige, hindi ko sasabihin sa iba! Pero mahiya naman kayo. Mataas pa ang sikat ng araw… naku! Ganito na ba talaga ang mga taga-Maynila? Wala nang pakialam sa sasabihin ng matatanda?" litanya ni Aling Suling habang papalayo.
Maswerte sila kung walang makakarinig ng sinasabi nito. Wala mang nagsasalita tungkol sa tunay nilang relasyon ni Gianpaolo bilang respeto, nahihiya pa rin siya. Bakit kasi di siya natauhan agad nang halikan nito?
Naniningkit ang mata niyang sinulyapan si Gianpaolo. "Don't do that again! Or else your bachelor days are over."
"Pipikutin mo ako kapag hinalikan kita ulit?" Lumapit ito sa kanya at umurong siya hanggang maramdaman niya ang likod niya sa dingding. "But I like to kiss you again, Dafhny. You taste like wine. Nakakalasing. Kung kailangan mo akong pikutin, walang problema sa akin. Wanna try it once more."
Yumuko siya at nagtatakbo palayo. "Magtatrabaho pa ako."
She won't give in for another kiss. Yes, he promised that he won't hurt her ever. Pero ayaw niyang magbaka-sakali. Hindi niya maaring tawirin ang linya sa pagitan nila ni Gianpaolo. She would be doomed once she fell for him.
KUNG ayaw mo pang matapos ang maliligayang araw mo, umalis ka na.
Iyon ang pangalawang sulat na natanggap ni Dafhny sa loob ng dalawang linggo. Marami nang pagbabagong nagawa sa Casa Rojo. Naging abala siya sa trabaho kaya nakalimutan na niya ang unang sulat. Pero sa pangalawang pagkakataon, parang ayaw na niyang balewalain ang sulat.
Papunta siya sa kabilang hall nang lumabas si Amor mula sa kuwarto sa tapat niya upang maglinis. "Amor, may nakita pumasok sa kuwarto ko kanina?"
"W-Wala po, Ate. Ngayon pa lang po ako maglilinis sa kuwarto ninyo. May nawawala po ba?" tanong nito.
Umiling siya. "W-Wala. Parang may nabago lang kasi."
"Baka naman po multo iyon."
"Walang multo, Amor!" saway niya dito.
Napayuko ito. "Pasensiya na po, Ma'am." Mahigpit kasi niyang bilin dito na huwag nang babanggitin pa ang tungkol sa multo ng Casa Rojo.
"Sige na. Linisin mo na ang kuwarto ko."
Magulo ang isip niya kaya naisip niyang maglakad-lakad. May mabatong cliff sa isang bahagi ng Costa Brava na sakop pa ng lupain nila. May magandang damuhan na namumulaklak ng mga wild flowers sa panahong iyon. Doon muna siya mamamasyal. Subalit bago makarating doon ay kailangan muna niyang dumaan sa isang lumang hanging bridge.
Di niya alintana ang makulimlim na panahon. Di nila maide-develop ang buong lupain. Gusto nilang pabayaan na ang ibang bahagi sa natural na anyo. Kailangan nilang pangalagaan ang likas na yaman ng Costa Brava.
Excited niyang tinawid ang tulay. Gusto niyang makarating doon at makabalik ulit sa Casa Rojo bago bumuhos ang ulan. Sinubukan niyang bilisan ang pagtawid sa tulay pero luma na iyon at lumalangitngit. Parang anumang oras ay bibigay. Subalit sinabi ni Rudolph na matibay pa ang tulay. Di iyon basta basta masisira.
Malapit na siyang makatawid sa kabilang dulo nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Gianpaolo. "Dafhny, nasaan ka?"