Di siya makapagsalita sa bilis ng pangyayari. Niyakap siya ni Roland at sinabing mahal pa siya nito. Tapos ay bigla na lang sumulpot si Gianpaolo.
"Ano ang nakita ko kanina?" tanong ni Gianpaolo habang naniningkit ang mata niyang pinagmasdan. "Gumagawa ka ng paraan para bumalik si Roland sa iyo. Ginagamit mo ang project para makuha ulit ang atensiyon niya."
"Pao, stop sounding like Melissa."
"Kaya nag-insist ka na manatili dito para makasama si Roland. Wala kang pakialam kung girlfriend man niya si Melissa. You want to get even. You still love Roland, don't you? Ano ba ang nakita mo sa two-timer na iyon?"
"Hindi ko na siya mahal," mariin niyang wika. At di rin niya tiyak kung minahal nga niya si Roland. Ni hindi nga siya umiyak nang maghiwalay sila. Mabilis niyang natanggap na di na siya ang mahal nito.
"Wake up, Dafhny. Ipinagpalit ka niya noon, kaya ka ulit niyang ipagpalit sa iba. Sasaktan ka lang ulit niya."
Nairita siya dahil di naman nakikinig si Gianpaolo sa kanya. Sarili lang nito ang iniisip nito. "Ano ba ang ipinagkaiba mo kay Roland? Pareho lang naman kayo!"
"Paano kaming nagkapareho? Siya lang naman ang nanakit sa iyo."
"But you are a notorious playboy, Gianpaolo. Parang nagpapalit ka lang ng babae kapag nagkaka-girlfriend."
"Huwag mo akong itulad sa kanya. Yes, playboy ako. Pero kahit kailan hindi ako naging two-timer. Nirerespeto ko ang relasyon ko habang kami pa ng girlfriend ko. And one more thing, I will never be like that asshole ex of yours. Dahil kahit kailan, hindi ko naisip na saktan ka," galit na wika nito at lumabas ng kuwarto.
Natigagal siya. Gianpaolo was right. Wala siyang karapatan na husgahan ito o ihalintulad ito kay Roland. Magkaiba nga naman ang mga ito. But did he really mean it? Totoo ba na di siya nito sasaktan kahit kailan?
SA WAKAS ay tapos nang mag-sort out ng gamit sa bodega. Ipinagpag ni Dafhny ang kamay niya. "Mag-break na muna tayo. Bukas ipi-pick up na ng ferry ang mga iyan para dalhin sa upholster at refinisher. Pati na rin iyong kailangang itapon. Pwede na sigurong gawing sauna itong bodega."
"Sa drawing room lang ako, Ma'am Dafhny. Magtse-check lang ako ng email. Baka nami-miss na ako ng mga fafables ko," anang assistant niya.
"O, siya, siya. Baka mabawasan ka pa ng boyfriend," sabi niya at tumuloy sa kuwarto niya para mag-shower at magpalit ng damit. Nanlilimahid na siya dahil madumi at mainit sa bodega. Mainit pa mandin ang araw nang mga oras na iyon.
Paglabas niya mula sa paliligo ay napansin niya ang brown na papel sa ibabaw ng unan niya. Mukha na iyong sinaunang papel. Sino naman kaya ang naglagay doon ng papel? Binasa niya ang sulat.
Umalis ka na. Manganganib ang buhay mo dito.
Kumunot ang noo niya at inilagay sa drawer ang papel. Kalokohan! Kung sinuman ang nagbiro ay hindi siya natutuwa.
Sa hallway ay nakasalubong niya ang lulugo-lugong si Gianpaolo. Ito kaya ang naglagay ng sulat? Ano naman ang mapapala nito kung tatakutin siya? O gusto ba nitong mawala na siya sa site para di na siya makagulo?
"Gianpaolo," aniya nang magkatapat sila.
"Yes?" anitong di alam kung ngingitian siya o hindi. Naiilang na rin ito sa kanya. Pati ang professional relationship nila ay apektado na dahil sa pagtatalo nila.
Huminga siya nang malalim. "Tapos na ang inventory namin. Sabihin mo lang sa akin kung gusto mong umalis na ako dito sa isla at iwan ang project. I will understand. It is nice working with you."
Masakit man sa kanya na iwan ang project ay wala siyang magagawa kung siya mismo ang makakasira sa project. At igagalang niya ang desisyon nito.
Ihinarang nito ang kamay nang akmang lalagpasan niya ito. "Dafhny, are you still mad at me? Sorry kung naging pakialamero ako sa relasyon ninyo ni Roland."
"HIndi ka naman pakialamero. Karapatan mong pakialaman ang mga nangyayari dito sa site lalo na't makakaapekto sa project."
"I am sorry." Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. "I didn't mean to hurt you. Hindi ko gusto lang naman na matauhan ka sa kanya. Natatakot kasi ako na balikan mo pa siya."
"Hindi ako desperada para agawan ng boyfriend ang iba. Kahit pa siguro mahal ko si Roland, irerespeto ko ang relasyon nila. Inaasahan ko rin kasi na irerespeto ng iba ang relasyon ko kung sakali."
"Gusto ko lang na protektahan kita kaya ko nasabi iyon. But I am glad that you are not in love with him. He is not good for you. Minsan ka na niyang ipinagpalit sa iba, magagawa ulit niya iyon. Di rin niya nirespeto ang relasyon ninyo."
He was protecting her. Ayaw nitong saktan siya ng iba. And it felt so good. Kung nagkataong nagtagal pa marahil si Roland at nakipagtalo pa kay Gianpaolo, tiyak na magkakalaban ang dalawa.
"Hindi na ako babalik sa kanya."
"He asked you to take him back."
"Nakikinig ka sa amin?" naniningkit ang mata niyang tanong.
"Di ko naman sinasadyang makinig. Bubuksan ko na ang pinto noon." Hinigpitan nito ang yakap sa kanya. "If you are hurting, I am here to listen."
"Hindi naman ako nasasaktan. Wala akong sasabihin. Gianpaolo, nahihirapan akong huminga. Huwag mo na akong yakapin."
"Sorry but I don't intend to let you go."
Kung si Roland lang ito, napakadali para sa kanya na itulak ito palayo. But he was not Roland. He was Gianpaolo. Di niya ito basta basta maitulak palayo. Parang gusto lang niyang nakapaloob sa bisig nito. She felt protected.
"I don't like you, Gianpaolo Aragon," she forced her self to say.
Bahagya nitong niluwagan ang pagkakayakap sa kanya. "Then maybe I should give you a reason to like me."
His lips claimed hers in a hot, steamy fashion.