Chapter 489 - Chapter 12

Nagkunwari siyang tinitingnan ang lumang painting na nakasabit sa hallway nang lumabas sina Don Teodicio at Gianpaolo.

Good afternoon," bati niya sa matanda.

"Dafhny, this is Don Teodicio," pagpapakilala ni Gianpaolo. "Don Teodicio, this is Dafhny Gamboa. She's one of the designers that we invited to look at Casa Rojo."

"How do you find the place, hija?" tanong ni Don Teodicio.

"Very promising," nakangiti niyang sagot.

"Nasabi na ba sa iyo ang tungkol sa mga multo dito sa isla?"

Natawa lang siya. "Duwag lang ang natatakot sa multo."

Napansin niya ang pagkunot ng noo ni Gianpaolo. Pero gusto lang niyang ipakita dito na desidido siyang matuloy ang project. At nais din niyang ipakita kay Don Teodicio na di siya bata na madaling takutin. Importante ang project sa kanya.

"I must be going. It is a pleasure to meet you, hija," anang si Don Teodicio.

Kinamayan niya ito. "The pleasure is mine."

Sinulyapan nito si Gianpaolo. "Huwag mo sanang pagsisihan ang naging desisyon mo, hijo," makahulugan nitong sabi at umalis.

"Mukhang hindi natutuwa ang bisita mo," wika niya nang ipinagpatuloy ni Gianpaolo ang pagtu-tour sa kanya.

"He wants to buy the estate but we won't give in. You see, Casa Rojo's restoration is not about profit. Gusto rin naming buhayin ang alaala ni Lolo at ipamana rin ito sa magiging anak namin."

She had never seen Gianpaolo so serious. Lagi na lang kasi itong nagbibiro na parang wala nang bukas. Ngayon ay nakita niya ang kinabukasan sa mga mata nito. The place meant so much to him.

"Everything will be fine," aniya at ipinakita ang listahan dito. "See? Marami na akong ideas para sa Casa Rojo."

Ngumiti ito at ginagap ang kamay niya. "Thank you."

"Thank you for what?"

"Hindi ka natakot sa sinabi ni Don Teodicio."

"Alin? Iyong multo? Sana kung gabi na lang  niya sinabi, baka may epekto sa akin. Kaso ang aga-aga. Mamaya pa naman ang labas ng mga multo kapag lumubog na ang araw, di ba?"

Humalakhak ito. "Bilisan na natin ang tour para hindi na tayo abutin ng gabi dito. Baka yumakap ka nang yumakap sa akin sa sobrang takot mo."

Siniko niya ito. "Hindi ako matatakot! At  kung  matakot man ako, hinding-hindi ako yayakap sa iyo."

"SOBRANG laki pala talaga nitong bahay. Nalulula ako," sabi ni Dafhny nang bumalik sila sa loob ng mansion nang palubog na ang araw.

"Dating politician si Lolo Isabelito, iyong nagpatayo nitong bahay. Kadalasan dito siya nagpapa-party. Marami rin sa mga kakilala niya ang ginagawa itong bakasyunan kaya maraming kuwarto. Napabayaan ito nang magkasakit ang asawa ni Lolo Teodicio at sa Amerika na sila tumira. Sa amin na ito ipinamana dahil wala naman silang anak." Itinuro niya ang painting ng Casa Rosa na gawa ng isang batikang artist. "That's Casa Rosa in its grandeur."  

"Maganda nga siya noon. Maganda ang architecture. Natagalan din niya ang panahon nang di siya basta basta nasisira."

"Tatagal ka kaya dito kapag dito ka na nagtrabaho?" tanong nito.

 "Oo naman. Pangarap ko ngang maging sikat na restorer ng mga lumang building at bahay. Mas maselan at challenging. I love the scent of the old wood, you know? Pati na rin ang mga lumang bagay. Kapag nakikita ko sila na magkakasama, parang makakagawa ka ng isang istorya. Sa mga nakatira dito. Mga taong naging bahagi na ng lugar na ito sa mahabang panahon."

"Hindi ka natatakot?" paniniyak nito. "Tingnan mo ang mga paintings. Parang nabubuhay sila pagsapit ng gabi."

"Hindi. Baka ikaw ang natatakot."

 Inikot nito ang paningin nang makarating sila sa entrance hall kung saan may dalawang grand staircase na naghihiwalay sa dalawang hall ng mansion. "Parang maya maya lang may susulpot na isang white lady o kaya multo ng isang prayle. Ayan na!" panggugulat nito.

Biglang tumunog ang grandfather clock at napayakap siya dito. "Gianpaolo!"

Humalakhak ito at inakbayan siya. "See? Akala ko ba hindi ka takot?"

"Hindi nga ako takot. Nagulat lang ako," usal niya at nasapo ang dibdib.

Hinaplos nito ang buhok niya. "Now you look genuinely scared."

Ramdam niya ang malakas na tibok ng puso niya sa ilalim ng palad niya at inangat ang mukha. His eyes were sparkling mischievously. Gusto niyang magalit dito pero parang natutunaw ang puso niya habang nakatitig sa mga mata nito.

"Anong ginagawa ninyong dalawa?" sigaw ni Aling Suling nang biglang lumabas sa harapan nila.

Lalo tuloy siyang napayakap kay Gianpaolo. "A-Aling Suling."

Kahit si Gianpaolo ay mukhang nagulat din dito. "W-Wala po."

"Ihahain ko ang hapunan ng eksaktong alas sais y medya. Ayokong may mahuhuli dahil ayoko na maghintay ang pagkain," wika ni Aling Suling at umalis.

Napakamot sa ulo si Gianpaolo nang kumalas siya sa pagkakayakap nito. "Nakakainis naman si Manang. Napaka-killjoy."

Iniwas niya ang tingin dito. "Huwag mo na akong yayakapin sa susunod."

"Ikaw kaya ang yumakap sa akin."

"Basta huwag mo nang uulitin," aniya at nagmamadaling umakyak ng hagdan. Isinara niya ang pinto at habol ang hiningang umupo sa kama.

She just stared at the setting orange sun. Pinakikiramdaman ang malakas na tibok ng puso niya. Ano na ang nangyari kung hindi dumating si Aling Suling?

No! Hindi siya maarin magpadaya sa nararamdaman niya. Gianpaolo would never take her seriously. Wala sa bokabularyo nito ang pag-ibig.

Pinaglalaruan lang siya nito.  

Related Books

Popular novel hashtag