Chapter 486 - Chapter 9

Sumandig ito sa kotse nito at pinagmasdan siya. "Kita mo 'to. Ikaw na nga ang ginawan  ng pabor, ikaw pa ang galit. Hindi ka naman talaga papayagan ni Tita Patricia kung wala ang kaguwapuhan ko. Ano ba ang problema?"

Iniwas niya ang tingin dito. "Malay ko ba kung ano ang gagawin mo sa akin kapag tayong dalawa lang."

"Hindi dapat ako nga ang mag-alala dahil matagal mo na akong pinapantasya? Malay ko ba kung bigla mo akong pasukin sa kuwarto ko?"

Siya pa ngayon ang mananamantala dito? Hinampas niya ito sa braso. "Umuwi ka na nga! Magpasalamat ka dahil ginawan mo ako ng pabor kundi lagot ka talaga sa akin."

"Hindi pa ako pwedeng umalis dahil may utang ka pa sa akin."

Kumunot ang noo niya. "Anong utang ko sa iyo?"

Nanghaba ang nguso nito. "Kiss ko!"

Sabi na nga ba niya't di nito nakakalimutan ang kondisyon nito noong nakaraan. Paano kaya niya ito malulusutan? "Nahihiya ako, eh!"

"Bakit ka naman mahihiya? Guwapo naman ang hahalikan mo. Di bale sana kung pangit ako, doon ka mahiya."

Hinaplos niya ang mata nito. "Pikit ka muna."

"Sige na nga!" anito at ipinikit ang mata.

Hinaplikan niya ang palad niya at hinipan iyon. "Ayan! Tapos na ang kiss."

"Ha?" Bigla itong nagmulat ng mata. "Wala man lang akong naramdaman. Parang hangin lang."

"Ganoon naman talaga ang flying kiss, di ba? Di mo mararamdaman."

Nanlaki ang mata nito. "Flying kiss? What the…"

Nagmamadali siyang pumasok sa loob ng gate at kinawayan ito. "Good night, Gianpaolo! Sweet dreams!"

Mariing nagdikit ang labi nito. "Remember this day! Wala pang nangutang sa akin ang di ko nasisingil nang maayos. At kapag naningil ako, titiyakin kong may interes. You made a grave mistake, Dafhny."

"KASAMA mo si Gianpaolo sa Costa Brava?" namimilog ang mata na usal ni Cherie. Nasa opisina sila ng CDM Designs at nagbibilin sa mga trabahong possible niyang maiwan sa ilang araw na pagkawala.

"Well, nagprisinta siyang maging bodyguard ko mula sa mga multo," kaswal niyang sabi at nagkibit-balikat. "Di daw ako papagayan ni Mommy na pumunta sa Costa Brava nang hindi siya kasama."

Nangalumbaba si Cherie. "Come to think of it, Dafhny. You and Gianpaolo in an island paradise. Hindi ka ba mai-in love?"

Maasim siyang ngumiti. "Yeah! Me and Gianpaolo in an island paradise with all the ghost stories around. How romantic!"

At iyon mismo ang pananggalang niya mula kay Gianpaolo. Hamak na mas nakakatakot ang kamandag nito kumpara sa mga multo.

"Speaking of romance, nasabi ba sa iyo ni Gianpaolo na kasama sa architect ng Casa Rojo project si Architect Roland Villarin?"

Umiling siya. "Nobody mentioned about Roland to me. Well, it doesn't matter anyway. Matagal na kaming tapos at may girlfriend na siya."

Tumingin si Cherie sa malayo na pang nag-I-imagine. "Ah! Tiyak na magsisisi tuwing nakikita ka niya. Wala sa kalingkingan mo ang girlfriend niya. Sorry na lang siya dahil nagpaakit siya sa iba. Kaya kung ako sa iyo, lagi akong didikit kay Gianpaolo para magsisi siyang lalo."

"Eh, di iisipin naman ni Gianpaolo na may gusto si Dafhny sa kanya. Huwag na lang, no? Napaka-feeling pa mandin no'n," wika ni May.

"Huwag na nga ninyong pag-awayan ang mga lalaking iyan!" saway niya. "Pareho akong hindi interesado sa kanila. Wala naman silang magagawang maganda sa buhay ko. Basta magtatrabaho ako."

"Kung interesado sa iyo si Gianpaolo, pakinabangan mo," anang si Dafhny. "Sayang naman ang lahi. Magpaanak ka kahit di ka pakasalan."

"At gusto mo na bigtiin ako ni Mommy? Pwede ba? Huwag na nating pag-usapan sila Gianpaolo at Roland. Sumasakit lang ang ulo ko."

Ang importante sa kanya ay ang makuha ang project. Gagalingan talaga niya ang pagtatrabaho niya!