"WOW! This is marvelous, Gianpaolo. Your house is like a living art gallery. I like the interior. The painting are so impressive," di maitagong paghanga ng mommy ni Dafhny habang nag-iikot sa bahay ni Gianpaolo. Habang siya ay nagkasya na lang sa labas ng bahay dahil mas gusto niya ang view sa labas.
"What do you think, hija?" tanong ni Zenia, ang mama ni Gianpaolo na isang art connoisseur at hangang-hanga rin sa bahay.
Bahagya na siyang nakabawi ng tulog habang bumibiyahe sila ni Gianpaolo kaya naman kitang-kita niya ang detalye ng interior ng bahay nito. "I hope nobody will get offended. Pero hindi ko maintindihan ang interior bahay niya."
"Anong hindi mo maintindihan?" tanong ni Gianpaolo na di inaasahan ang isasagot niya sa kabila ng papuri ng bawat isa. Sa halos lahat ng bagay, tingin ni Gianpaolo ay perpekto ito. At kapag may kumontra ay kontrabida ang tingin nito.
"The architecture and the interior simply don't jive. Your house's design is Moroccan. Walang specific color scheme ang loob ng bahay mo. Parang…" Ngumiwi siya at nagkibit-balikat. "It's like an abstract design. Wala akong maintindihan. Halo-halo ang kulay. Hindi naman art gallery ang bahay mo, eh!"
Bahagyang napipilan si Gianpaolo. "My ex-girlfriend who designed the interior of this house was an abstract artist."
"Bakit naman hindi mo sa isang sikat na interior designer ipinagawa?" tanong ni Zenia na biglang pumanig sa kanya.
"Girlfriend ko lang ang pwedeng gumalaw ng bahay ko," sagot ni Gianpaolo at tinungga ang brandy. Napahiya yata ito sa pag-criticise niya.
"Break na kayo ni Ruby, di ba? Bakit hindi mo na lang ipagawa kay Dafhny ang interior. Anong maisa-suggest mo, hija?" tanong ni Zenia sa kanya.
Naglaro ang ngiti sa labi niya dahil gumagana na sa isip niya ang bagay na design sa bahay ni Gianpaolo. "Mosaics would be nice. Then there's the combination of scarlet Berber rug on the floor. It is perfect against cherry wood and leather furnishings. Actually, I have an Arabian theme in mind."
"That is perfect, hija!" anang si Zenia at pumalakpak.
"I must agree with the idea," anang si Gianpaolo at yumakap ang isang kamay sa baywang niya. "Would you like to renovate the interior of my house?"
Tumaas ang kilay niya nang nagsalubong sila ng nanunukso nitong ngiti. There was a double connotation there. Di lang ang pagdedesign ng bahay nito ang inaalok nito sa kanya. Inaalok din siya nitong maging girlfriend.
Tinanggal niya ang kamay nito sa baywang niya. "I am busy."
"In-invite ko siya na mag-submit ng design niya para sa Casa Rojo," wika naman ni Ariel, ang nakatatandang kapatid ni Gianpaolo.
"Si Dafhny? Dadalhin mo sa Costa Brava?" bulalas ni Gianpaolo.
"Why not? Nakita ko na ang mga pictures. I am interested."
Costa Brava was an island in Bicol, which faced the Pacific Ocean. Ipinamana kina Gianpaolo ang Casa Rojo o Bahay na Pula, ang mansion na pag-aari ng kapatid ng lolo nito. Wala namang naging anak ang namayapa nitong lolo at kaya ang mga ito ang nagmana ng lahat.
Isang eleganteng mansion ang Casa Rojo na itinayo noong panahon ng Amerikano. Subalit dahil sa tagal ng panahon at di na rin masyadong natitirahan dahil sa Manila na nag-stay ang lolo nito, nasira na iyon nang tuluyan. Nagdesisyon ang mga Aragon na I-develop ang lugar sa isang resort. At ang Casa Rojo ang magsisilbing hotel.
Malaki ang bahay at mahigit tatlumpu ang mga kuwarto. Dati kasing shipping magnate ang lolo nito at maraming mayayaman at kilalang tao ang nag-stay sa lugar. Malalaking parties ang ginaganap doon noong araw. Masasabi nga na isa rin iyong historical site. Nais ng lolo ni Gianpaolo na manatili ang bahay sa pamilya.
At bilang isang interior designer, interesado siyang maging bahagi ng restoration nito. Matagal na siyang interesado sa pagbuhay sa mga lumang bahay.
"Sigurado ka na pupunta ka sa Costa Brava?" paniniyak ni Gianpaolo nang sila na lang dalawa sa pavilion room.
His face was grim. Parang may kinatatakutan ito.
"Ano naman ang problema? Ayaw mo akong maging part ng project, no? I am sorry but I won't miss this chance." Sa larawan lang niya nakita ang Casa Rojo pero marami na siyang ideas para doon. At magkakaroon na siya ng pangalan sa mundo ng interior designer. Matutupad na ang pangarap niya.
"Makakatagal ka kaya doon?"
"Bakit naman hindi? Sabihin mo na sa akin ang problema!"
Matagal na sandali siya nitong tinitigan at pagkatapos ay binawi rin ang tingin. "Huwag na! Baka mamaya awayin mo pa ako."
Hinila niya ang manggas ng polo nito. "Mas aawayin kita kapag di mo sinabi."
Iwinaksi nito ang kamay. "Pumasok na lang tayo sa loob."
Hangos silang nilapitan ni Ariel na galing sa garden dahil may importanteng tawag itong natanggap. "Gianpaolo, may problema tayo sa Costa Brava."
"Bakit? Anong nangyari?" tanong nito. Nabahala din siya dahil ilang araw na lang ay tutungo na siya sa Costa Brava para tingnan ang mismong bahay.
"Nag-quit ang maraming trabahador natin sa site." Namumutla na si Ariel at napalunok. "May nakakita ng multo ng babae sa may bintana."