Chapter 482 - Chapter 5

"WE'LL meet you at Stallion Riding Club, Dafhny. Hindi ka pwedeng mawala sa dinner sa bahay ni Gianpaolo. Gusto kang makita ni Ninia. And I want to see Gianpaolo's new house. Di pa rin ako nakakapasok sa riding club," excited na sabi ng mommy niya habang kausap sa cellphone. Alas tres na ng hapon noon.

Sinapo niya ang ulo dahil hilong-hilo na siya. Ni hindi siya makatulog nang maayos at natambakan pa siya ng trabaho. Naramdaman niya na malapit nang bumigay ang katawan niya. Ni di siya makatayo nang maayos.

"Pwede ko po bang di ako sumama? I didn't get enough sleep the other night. Baka mamaya madisgrasya pa ako sa daan," sabi niya at sumandal sa swivel chair at isinandig ang ulo.

"Hija, pinlano na natin ito. Matagal na. Ngayon na lang ulit na tayo makakapag-get together dahil dumating na si Nina." Si Ninia ang nakatatandang kapatid ni Gianpaolo na dumating galing sa London. Parang kapatid na rin ang trato nito sa kanya. Malapit ito sa kanya dahil nag-iisa itong babae.

"Mom, I am really sleepy. Susubukan ko pong humabol," aniya at nagpaalam na dito. Kinausap naman niya sa intercom ang assistant. "Rei, may appointment pa ba ako hanggang mamaya?"

"Wala na po, Ma'am. Open na siya para sa dinner ninyo sa Stallion Riding Club." Humagikgik ito. "Aalis na po ba kayo, Ma'am?"

"Hindi na ako matutuloy. Antok na antok ako kaya hayaan mo na lang akong  matulog, ha? At ayokong magpapa-istorbo."

"Pwede bang ako na lang ang mag-represent sa inyo, Ma'am? Gusto ko talagang makapasok ulit sa riding club. Ang daming guwapo," kinikilig nitong sabi.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. "Magpa-plastic surgery ka muna para maging  magkamukha tayo at makapasok ka."

"Ay, Ma'am! Mahal po iyon!" angal nito.

"Then let me go to sleep for now, okay? Wag mo nang isiping mag-sub sa akin." Matapos itong kausapin ay halos hilahin niya ang sarili patungo sa couch na naroon. Tinanggal niya ang pumps at humiga. Inilagay din niya sa tainga ang I-pod at nagpatugtog ng soothing music. Sa sobrang tensiyon ay di niya naisip na gawin iyon nang nakaraang gabi. Pagpikit niya ay bumigay na siya sa antok.

Sa pagtulog niya, di na niya kailangan pang harapin ang tunay na multo sa buhay niya – Gianpaolo. Sa ngayon ay matatahimik siya.

Naalimpungatan siya at nakita niyang papadilim na sa labas. Sarado ang ilaw ng office niya. dahan-dahan siyang bumangon. Isinusuot niya ang pumps niya tumayo ang mumunting balahibo niya sa batok. Parang may nakatingin sa kanya. Hindi siya ang nag-iisang nilalang sa kuwartong iyon. May iba pa. Maaring hindi tao.

Pasado alas sais na ng gabi. Ibig sabihin ay oras na para lumabas ang mga maligno at laman-lupa.Ibig sabihin ay may ganoong klaseng nilalang sa opisina niya.

Dahan-dahan siyang lumingon. Anino ng tao ang nasa tabi ng bintana. iNaaninag niya ang matangkad nitong pigura na nakasandig ang balikat sa pinto. Nakatingin ito sa kanya. Kapre ba ito? May kapre sa opisina niya. Baka I-abduct siya at dalhin siya sa kaharian ng mga engkanto. No way! Paano ang beauty niya?

Isang malakas na sigaw ang pumunit sa katahimikan ng opisina niya. Kasunod niyon ay bumaha ang ilaw. Patuloy lang siya sa pagsigaw habang nakapikit.  Ayaw niyang makita ang itsura ng kapre. Babangungutin ulit siya. Baka di na siya makatulog o sa pagtulog niya ay tuluyan na siyang hindi magising.

Naramdaman niyang may yumugyog sa balikat niya. "Dafhny, it's me. Gianpaolo. Are you okay?"

Natigilan siya at napatitig dito. "G-Gianpaolo?" Hinaplos niya ang pisngi nito. "Totoo ka? Hindi ka  nagpapanggap na Gianpaolo."

"Are you okay? Nananaginip ka pa yata."

"Tingnan ko nga kung nananaginip lang ako."

Kinurot niya ang pisngi nito at napaigik ito sa sakit. "Ouch! That hurts, Dafh!"

Tinapik-tapik niya ang pisng nito. "Si Gianpaolo ka nga."

"Ano bang  nangyari sa iyo at nagtititili ka kanina?"

"Nakita ko kasi may nakatayo sa pinto. Akala ko kapre."

"Ako lang iyong  nakita mo. Mas guwapo naman ako sa kapre."

Unti-unti na siyang nahimasmasan. Walang maligno o multo. Ito lang ang nakita niya. "Ano nga palang ginagawa mo dito? nananakot na naman?" mataray  niyang tanong. Sabi na nga ba't puro horror ang dala nito sa buhay niya.

"Hindi. Susunduin kita. Sabi ni Tita di ka daw makakapunta dahil di ka nakatulog. Mukhang puyat na puyat ka, ah!"

Inirapan niya ito. "Your fault! Kung di mo ipinadala ang video na iyon, di sana ako mapupuyat nang ganito." Mangiyak-ngiyak siyang sumandal sa sofa. "Kapag nagkasakit ako, kasalanan mo!"

"Oo na. Sorry na," malambing nitong sabi at hinaplos ang noo niya. "Hindi na talaga mauulit iyon."

"Sorry! Ano pang magagawa ng sorry mo? Tapos ngayon gusto mo pa akong pumunta sa bahay mo?"

Pumalatak ito. "Kaya nga bumabawi ako, eh! Magagalit si Ate Ninia sa akin kapag hindi ka nakapunta. Ako na naman ang sisisihin niya."

"Ikaw naman talaga ang dapat na sisihin."

"Babawi na nga. Kung gusto mo tanungin mo pa ang menu ngayon sa chef na kinuha ko para sa dinner. Sinadya kong ipaluto ang mga paborito mo. Saka ako na rin ang maghahatid sa iyo. Ano pa ba ang gusto mo?"

"Matulog. Mainit lang naman ang ulo ko dahil kulang ako sa tulog. Kaya ayokong pumunta sa party dahil baka matulog ako habang nasa manibela."

"Kaya ako na ang magiging driver mo." He patted her head. "Matulog ka na lang sa biyahe. Gigisingin kita kapag nasa riding club na tayo. Friends na ulit tayo?" tanong nito at inilahad ang palad sa kanya.

Iningusan niya ito at naglakad papunta sa restroom. "Pag-iisipan ko. Lagi ka na lang kasing nangangako na di mo na ako tatakutin."

"Kung ayaw mong friends, lovers na lang," pahabol pa nito pagpasok niya sa restroom. "Mas pabor sa akin iyon."

Sumungaw siya at inambaan ito ng suntok. "Ito gusto mo?"

"Siyempre hindi. Kiss na lang!" hirit pa rin nito.

"No way! At wag mo akong subukan na nakawan ako ng halik habang natutulog ako mamaya kung ayaw mong ikaw naman ang bangungutin," banta niya at binagsakan ito ng pinto.

He was incorrigible. She didn't know how to deal with him!

Related Books

Popular novel hashtag