Chapter 474 - Chapter 19

Mainit na sikat ng araw na dumadampi sa mukha niya ang gumising kay Fridah Mae. Bumalikwas siya ng bangon at natuliro nang makitang seven-thirty na ng umaga. "Oh, no! Late na ako!"

Dapat ay alas kuwatro pa siya gumising para sa date nila ni Johann. Alas onse na siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil humiram siya ng isang pocketbook sa library ni Johann. Di yata niya narinig ang tunog ng alarm clock sa sobrang antok.

Naghilamos lang siya saglit at nag-toothbrush saka nagmamadaling hinagilap si Johann sa kabahayan. Nasa garden ito at tinatadyakan at sinisipa ang punching bag. He was wearing a white pajama. Wala itong suot na pang-itaas.

Nakatulala na lang siya habang pinagmamasdan ito. Every muscles in his body were define. Parang nararamdaman niya ang init ng mga yakap nito. Tiyak na susunod na yakapin siya nito ay matutunaw na siya.

Napansin nito na nanood siya. He gave a final roundhouse kick. "Good morning!" bati nito nang lumingon sa kanya. Kinuha nito ang towel at pinunasan ang pawisang katawan.  Nainggit siya sa tuwalya, Sana naging tuwalya na lang siya. Uminom ito ng tubig. "You are late! Anong oras na?"

"Sorry. Kagigising ko lang. Hindi na ba tayo magho-horseback riding?"

"Seven-thirty na. Wala nang sunrise. Sikat na ang araw."

Nanghinayang siya. "Kasalanan mo 'to, eh! Di mo ako ginising."

"Sino ang hindi natulog nang maaga?" tanong nito at ginawa ang cool down routine nito. Parang lalo pa siyang tinatakam ng hudyo sa katawan nito.

"Eleven ako natulog. Maaga pa nga iyon."

"Bumabawi siguro ng tulog ang katawan mo. Bumawi ka na lang sa akin."

"O sige. Bukas na lang tayo mag-horseback riding. I will make sure that I won't be late. Hindi na ako magpupuyat. Promise!"

Tumigil ito sa cool down exercise nito. Lumapit ito sa kanya at hinapit siya sa baywang. "Bakit bukas  ka pa babawi? Pwede namang ngayon na."

He kissed her gently. It was like just a touch of the wind but it seemed to last forever. And she wanted it to last forever.  She looped her hand at the back of his powerful neck and opened her lips to give him more access. Babawiin talaga niya dito ang lahat ng na-miss niya sa umagang iyon.

Their first real kiss was just yesterday morning but they were kissing as if they were kissing for eons of years now. Parang pamilyar na pamilyar na siya sa dampi ng labi nito. Her hand caressed his broad shoulder then his chest. It felt so great. Parang kasing tagal na rin paghalik nito sa kanya ang pamilyar na paghaplos niya sa balat nito.

Dumilat siya nang marinig ang maingay na ugong ng doorbell. "Johann…"

"Hmmm…" ungol nito at dinampian ng halik ang mga mata niya.

"Iyong doorbell."

"Doorbell! What the…" Di na nito naituloy ang sasabihin at nagpunta sa gate. "Lagi na lang killjoy ang doorbell na iyan," narinig niyang usal nito.

Wala sa sariling hinawakan niya ang labi. Di niya mapigilang ngumiti. She liked Johann's kisses. Pwede na iyong almusal sa umaga. Maya maya pa ay pumasok na ito kasunod si Jonalyn. Sinubukan niyang pigilan ang pagngiti. Kung di lang dumating si  Jonalyn ay baka… sinapo niiya ang pisngi at mahinang humagikgik.

"Sir Johann, pinapasabi po ni Jennifer na dumaan daw kayo sa clinic mamaya bago kayo tumuloy sa stable," sabi ni Jonalyn.

"Okay. Thank you."

Nawala ang ngiti sa labi niya nang marinig ang pangalan ni Jennifer. Parang may bumagsak na bato sa ulo niya at nagising siya sa isang  magandang panaginip.

Si Jennifer ang girlfriend ni Johann. Si Jennifer ang mahal nito sa simula pa lang. Pero bakit siya hinalikan ni Johann? Paano na si Jennifer? Ano ang gagawin nito sa kanilang dalawa? O naawa lang ito sa kanya dahil muntik na siyang mamatay kaya pinagbibigyan nito ang pagkahumaling niya dito?

"Fridah Mae, sabay sabay na tayong mag-breakfast," yaya ni Johann.

"Mamaya na. Inaantok pa ako. Matutulog ulit ako," matabang niyang sabi at bumalik sa kuwarto niya.

Mahal niya si Johann pero kailangang ilagay niya sa tama ang lahat. Di niya kailangan ng awa nito. Kailangan niya ang pagmamahal nito.

Kung di siya nito mahal, dapat ay mapunta ito sa babaeng mahal nito. Sa tunay na mahal nito.

"FIVE minutes lang ako. Promise!" paniniyak ni Fridah Mae sa nurse niyang si Jonalyn. Nagpaalam kasi siya dito na lalabas lang sandali.

"Ma'am, tiyakin po ninyo na five minutes lang, ha? Kung hindi tatawagan ko na si Doc CJ na nawawala kayo," pahabol nito nang makalabas na siya ng gate.

Bantay-sarado kasi siya kay Johann at sa private nurse niya. ultimo nga pantal na dala ng kagat ng lamok ay tinitingnan ni Johann tuwing magkikita sila. Di daw ito papayag na padapuan siya sa lamok at magkasakit ulit. Daig pa nito ang pagbabantay sa kanya ng pamilya niya. Sa pagdalaw niya sa boutique ni Jenna Rose o sa mga pinsan niya ay kasama niyang lagi si Jonalyn.

Sa pagkakataong ito ay di maaring may iba siyang kasama. She had to take a risk now. Kailangan na niyang harapin ang bumabagabag sa kanya. Her times with Johann was like a dream come true. Pero oras na para gumising sa panaginip.

Pumunta siya sa clinic ng Stallion Riding Club. Pagdating sa lobby ay nakita niya ang kanyang pakay. Nasa counter si Jennifer at tinitingnan ang charts.

"Good morning," bati niya. Di niya alam kung anong klaseng reception ang matatanggap niya mula dito. Ihahanda na lang niya ang sarili niyang mapahiya kung sakali. After all, she decided to leave the comfort of Johann's zone. Wala na itong magagawa para protektahan siya sa pagkakataong iyon.

"Welcome back to Stallion Riding Club, Fridah Mae!" nakangiting bati nito sa kanya na ikinagulat niya. "Magaling ka na ba? Naospital ka daw sabi ni Johann."

Tumango siya. "Tinatapos ko na lang ang medication na kailangan at regular lang dapat ang pag-check sa dugo ko. Jennifer, pwede ka bang makausap."

Napansin marahil nito na personal ang pakay niya at di kailangang I-discuss sa lugar na iyon. "Sure. Break time ko naman na."

Tumuloy sila sa Rider's Verandah na di kalayuan sa clinic. Nagtataka siya sa magandang pakikitungo ni Jennifer sa kanya. Sanay kasi siya na sinisimangutan siya noon o sinusungitan. Baka  mabait lang ito dahil ang alam nito ay may sakit siya. Baka mamaya ay di rin nito alam ang sitwasyon nila ni Johann kaya mabait sa kanya.

"Jennifer, ikaw lang ang makakatulong sa akin."

"Bakit? May masakit ba sa iyo?" tanong nito.

Umiling siya. "Alam mo ba na nakatuloy ako kay Johann ngayon?"

"Oo. Sabi nga daw niya siya muna ang bahala sa iyo. Alam mo naman si Johann, masyadong maalalahanin."

"Ayaw nga niya akong paalisin hangga't di daw ako magaling."

"Anong problema doon?" tanong nito.

Nagulat siya dahil di pa rin ito nagagalit. Ni wala nga siyang  mabakas na himig ng selos sa boses nito. O baka di lang nito naiintindihan ang sitawasyon. "Pwede bang pakiusapan mo siya na paalisin na ako dito? Magalit ka naman sa kanya, o!"

Natawa ito. "Bakit ko gagawin iyon? Nasabi niya sa akin na gusto mo nang bumalik sa trabaho. Ayaw niya dahil baka magkasakit ka na naman. Huwag ka nang magpilit na umalis. Mas mabuti nang nandito ka sa riding club. Di pa mag-aalala si Johann sa iyo."

Wala pa ring epekto. Bakit mabait pa rin ito sa kanya?

"Jennifer, sa bahay niya ako nakatira," mariin niyang wika. "Kaming dalawa lang. Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon?" Huminga siya nang malalim nang wala pa rin siyang nakukuhang violent reaction mula dito. "Look! I am in love with Johann. And I will fall in love with him more if we stay in one house."

"Masama ba iyon?" inosenteng tanong nito.

"Oo! Kasi maraming pwedeng mangyari. Lalaki siya at babae ako sa isang bahay. Ano ka ba naman, Jennifer?" Nafu-frustrate na siya dito.

Bahagya nitong tinakpan ng palad ang labi. "Alam ko na ang inaalala mo. Gusto mo ba na bigyan kita ng pregnancy kit test? Don't worry. Magiging responsible naman si Johann sa iyo. Saka di ko rin ito ipapaalam sa iba."

It was getting worse each time. Isang alien na nga ang tingin niya kay Jennifer. "Anong klaseng girlfriend ka ba? Magalit ka naman dahil magkasama kami ni Johann. For all you know, baka pinagsasamantalahan ko na siya. Baka inaagaw ko na ang boyfriend mo."

Pero sa pananalita nito ay parang ipinagpapamigayan na nito si Johann sa kanya. Kung siya ang girlfriend ni Johann, poprotektahan niya ito mula sa unwanted female attention kasehoda pang magdala siya ng gulok araw-araw.

"Sino ang may sabi na girlfriend ako ni Johann?"

"HIndi mo ba boyfriend si Johann?"

Nagbilang ito sa daliri. "Alam ko six years na kaming break."

"Pero hindi! Girlfriend ka pa niya!" giit niya. "Sweet na sweet pa nga kayo noong nasa birthday ni Thyago, di ba?"

Natapik nito ang lamesa. "Lagot! Mukhang hindi pa yata kayo nag-uusap ni Johann tungkol sa akin. Wala ba siyang sinabi sa iyo?"

"Malay ko. Basta ang alam ko in love pa rin kayo sa isa't isa. Ni hindi nga kayo mapaghiwalay noong party." At di niya makakalimutan iyon.

"Tingnan mo iyon. Di pala sinabi sa iyo ni CJ na pinilit ko lang siya."

"Pinilit?"

Related Books

Popular novel hashtag