Alanganin itong ngumiti. "Sorry, Fridah Mae. Pinilit ko lang si Johann na maging sweet sa akin. I hate to admit this. I had an affair with a married guy before. Matapos naming mag-break ni Johann, naging boyfriend ko siya. Di pa siya kasal noon pero nagpatuloy pa rin ang affair namin matapos siyang magpakasal. Nang gusto kong kumalas sa relasyon namin, ayaw naman niya. Kaya dito na lang ako nagtrabaho sa riding club para di niya ako masundan. Pero nakita ko siya doon sa party. Gusto pa rin niya akong balikan kaya humingi ako ng tulong kay Johann. We had to pretend that we were a couple."
"Akala ko kayo talaga." Naalala pa niya kung paano siyang maging histerikal sa kaiiyak dahil sa sobrang selos. Ibig bang sabihin ay nagselos lang siya sa wala? "A-Ang galing kasi ninyong umarte."
"Gusto rin kasi akong matulungan ni Johann. Sabi niya, ako lang din ang masasaktan sa huli kapag binalikan ko ang lalaking mahal ko. Kasi hindi tama. Pero akala ko ipapaliwanag niya sa iyo."
Umiling siya. "Hindi ako nakinig sa kanya."
Ilang beses na nakiusap sa kanya si Johann na mag-usap sila. Wala siyang ginawa kundi ang tumakas. Nag-conclude agad siya dahil naduwag siya. Naduwag siyang manggaling mismo sa bibig nito na ayaw nito sa kanya.
"Fridah Mae, kung boyfriend ko si CJ aawayin agad kita oras na lumapit ka sa kanya within ten meters. I am still the same. Pero hindi ko ipaglalaban ang isang lalaki na di ko naman mahal. Magkaibigan na lang kami ni CJ ngayon."
"Ibig sabihin hindi ka talaga interesado sa kanya? Wala kang nararamdaman ni katiting sa kanya?"
Huminga ito nang malalim. "Sana. Kaso noong mag-break kami, sinabi niya na in love siya sa iba. Hinihintay lang niyang mag-mature ang babaeng iyon. At sa palagay ko hanggang ngayon iyon pa rin ang mahal niya."
"Sino?" tanong niya.
"Nagtatanong ka pa. Ikaw iyon."
"Wala naman siyang sinasabi, eh!"
Marami namang pagkakataon na sabihin ni Johann na mahal siya nito. Bakit hindi pa nito sinabi sa kanya agad? Matagal na niyang hinihintay iyon."
"Ikaw na rin mismo ang nagsabi na hindi ka nakikinig sa kanya. Baka di mo siya binigyan ng chance na magpaliwanag. Maybe it is high time that you listen."
Di nagtagal ay nagpaalam sa kanya si Jennifer at naiwan siyang mag-isa. Okay. So she was so simple-minded to let Johann explain. Masasabi pa kaya nito sa kanya na mahal siya nito? Baka nga isipin nito na sinasayang lang nito ang panahon sa isang katulad niya. Baka iniisip din nito na di pa nga siya matured.
"Fridah Mae!" tawag ni Johann sa kanya.
"Hi!" Kinawayan niya ito. "Gusto mo ng cake? Masarap ang cake nila…"
Di pa siya tapos magsalita ay niyakap na siya nito. "Sabi mo five minutes ka lang na mawawala. It has been half an hour. Nag-aalala na ako sa iyo."
Ngayon niya mas pinahalagahan ang mga yakap nito. He genuinely cared for her but it ran much deeper than that. Naroon din ang pagmamahal. Bakit ba di niya iyon napansin noon. Maybe she was so focused on her own emotions.
Nakita niya ang private nurse niyang si Jonalyn na maluha-luha habang pinagmamasdan sila. "Johann, mukhang may biktima na naman ang kasungitan mo."
Nagkibit-balikati ito. "I can't help it. Hinayaan ka niyang umalis nang di niya sinasabi sa akin kung saan ka nagpunta."
Hinaplos niya ang nakakunot nitong noo. "Hay! Mabuti na lang at guwapo ka kahit na nagsusungit. Kundi…"
"Kundi ano?" tanong nito at lalong kumunot ang noo.
"Kundi hindi na kita papansinin." Pinisil niya ang pisngi nito. "Huwag mo na siyang awayin, okay? Kasalanan ko naman."
"Sa susunod huwag kang aalis nang walang paalam. Hindi ka na mawawala sa paningin ko kapag naulit ito. Di ka na makakalabas ng riding club."
Yumakap siya sa baywang nito. Iyon naman ang gusto niyang mangyari. Ang di na mawala sa piling nito. Isa na lang ang kulang. Ang sabihin nito sa kanya na mahal siya nito. Maririnig pa kaya niya iyon?
"BILISAN mo, Johann! Ang bagal-bagal mo naman!" kantiyaw ni Fridah Mae dito habang nagmamadaling umakyat sa hagdan. =
"Hey! Dahan-dahan ka lang at baka mapagod ka agad!" anitong nakasunod sa kanya.
"Baka ikaw ang napapagod kaya babagal-bagal ka. Baka hindi na natin maabutan ang sunrise. Bilisan mo na diyan!"
"Masyado ka namang excited," sabi nito.
"Sayang naman ang pagpunta natin dito sa taas kung di natin mapapanood," aniyang habol na rin ang hininga. Malamig pa rin ang panahon nang umagang iyon.
Humihingal siya nang makarating sa taas. Bahagya nang sumisilip ang araw at nagsasabog ng liwanag. Di talaga siya magsasawa na panoorin ang tanawing iyon. Parang nagsasabog ang araw ng bagong buhay sa lahat.
Niyakap siya ni Johann mula sa likuran. "Fridah Mae, gusto kong makinig ka muna sa sasabihin ko, ha?"
"Ano iyon?" tanong niya at tiningala ito.
"I used to dislike you a lot because you were one annoying little thing."
Dinuro niya ito. "Hey, Cedric Johannson…"
Pumalatak ito. "Sabi ko nga sa iyo huwag ka munang maingay. Makinig ka muna bago ka magsalit ng kung anu-ano."
Lumabi siya. "Tinawag mo kasi akong annoying little thing."
"Totoo naman na nakakainis ka! Dati di kita pinapansin. Nakakairita ka kasi. Mas gusto kong manahimik sa sarili kong mundo. Tuwing dadating ka binubulabog mo ako. Nagsusungit nga ako sa ibang tao para di nila ako abalahin. Pero ikaw, sa halip na matakot sa akin lalo ka pang nag-iingay. Parang nananadya ka."
"HIndi ko sinasadya iyon. Maingay lang talaga ako."
"Hanggang makita kitang umiiyak. Iyong pakiramdam mo na mag-isa ka lang at inaapi ka ng lahat. Di ko alam kung bakit naawa ako sa iyo at naging mabait ako. Kung tutuusin kasalanan mo naman talaga kung bakit ka napahamak noon."
"I remember when you gave me comfort. Sabi mo pa safe na ako kaya huwag na akong umiyak. That everything will be okay. Parang may sapi nga ang tingin ko sa iyo noon. Iniisip ko tuloy kung ikaw talaga si Johann."
"At simula noon kinulit mo na ako nang kinulit."
Malungkot niyang tiningnan ang mga ibong lumilipad. "Pero ayaw mo sa akin noon. Kaya naging girlfriend mo si Jennifer."
"I told you I hate things that I can't control. I hate my growing fondness for you. Kung papatulan ko ang kakulitan mo, baka sa huli ikaw na ang kumontrol sa akin. And I don't want to feel helpless. Di tulad ni Jennifer. Yes, she was a perfect girl. Pwede kong ipagmalaki sa mga kaibigan ko dahil maganda. Wala rin akong emotional attachment sa kanya. Di rin ako natatakot na mawala siya."
"Kaya mas gusto mong ako na lang ang mawala sa buhay mo?"
"I had to. Bata ka pa noon. Baka naaaliw ka lang sa akin. Di ko alam kung gusto mo nga talaga ako. Marami akong kinatatakutan. At ayokong kainin ako ng takot ko. I was in full control of my life until you came back again. At nanligaw ka na naman. More matured but nevertheless the same free-spirited girl."
"Naging threat pa rin ako sa iyo?"
"No. Willing na akong tanggapin ang nararamdaman ko. I am falling helplessly in love with you. I let you invade my private world. Hinayaan kitang manggulo pero naging masaya naman ako dahil sa iyo. Ayokong manligaw ka dahil gusto ko naman na iparamdam ko sa iyo na importante ka sa akin. I want to do the courting myself. Pero noong party ni Thyago, di ko nasabi sa iyo dahil kay Jennifer."
Hinarap niya ito. "Hindi mo na kailangang ipaliwanag. Nag-usap na kami ni Jennifer. At naiintindihan kita. Ako ang may kasalanan dahil di ako nakinig sa iyo."
Itinulak ng daliri nito ang noo niya. "Parang bata ka. Kung di ka lang umiiyak noon, I wanted to shake you to make you listen."
Tinakpan niya ang tainga. "Oo na. Kasalanan ko na. Ayoko nang maalala ang kahihiyang iyon. Nakakahiya talaga iyon! Di na ako dapat uminom ng wine. Di kita dapat iko-confront tungkol kay Jennifer kundi lang dahil sa wine. Nawalan ako ng kontrol sa emosyon ko. But it won't happen again."
"No. Mas gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman mo. Because the real Fridah Mae is transparent. And that's what I like about you." Kinintalan nito ng halik ang labi niya. "At kahit ikaw pa ang babaeng pinakamaraming kapalpakan, I will still take you. Because you are one of the few things which makes me happy."
Niyakap niya ang baywang nito. "That's so sweet, Johann."
"Kaya huwag kang magiging normal para palaging masaya ang buhay ko."
"Parang sinabi mo na dapat magbaliw-baliwan ako para kaligayahan mo."
"Bakit? Iyon ka naman talaga. You are crazy over me."
"Hindi ka rin mayabang, Cedric Johannson Cristobal."
Hinaplos nito ang buhok niya habang puno ng pagmamahal nitong tinitigan ang mga mata niya. "Nang muntik na nang mamatay sa malaria, sinabi ko sa sarili ko na titiyakin ko di mauulit iyon. Isa pa iyan na hindi na mauulit."
"Yes, Doc!" Then she pressed her body against him.
She didn't want to lose him either. Not now, not ever.
As a kid, simple lang ang pangarap niyang. Gusto lang niyang mapanood ang pagsikat ng araw. Pero ngayon ay iba na ang pangarap niya. Gusto na niyang manood ng pagsikat ng araw kasama ito. Gusto niyang matiyak na makakasama niya ito sa tuwing may bagong umagang ibinibigay ang buhay sa kanya. At habang yakap siya nito, alam niyang may pagkakataon na maging masaya siya kasama ang lalaking mahal niya.