Chapter 473 - Chapter 18

INIHATID ng tingin ni Fridah Mae ang private nurse niyang si Jonalyn. Pabalik na ito sa lodge na tinutuluyan ng mga empleyado ng riding club. Pansamantala lang ang pananatili niya sa riding club kaya kumuha na lang ng isa sa mga nurse sa clinic si Johann. Kung siya ang tatanungin ay di na niya kailangan pa ng private nurse. Parang imbalido kasi siya habang may nurse. Samantalang normal naman siya.

"Bakit ka pa kumuha ng nurse kung di rin naman siya stay in?" tanong niya habang kumakain sila ng dessert.

"Nandito naman ako kapag gabi. Ako na ang mag-aalaga sa iyo. I was not given the chance then. Lagi mo kasi akong sinusungitan sa ospital," sabi nito.

"Mabuti naman at alam mong di lang ikaw ang may karapatang magsungit."

"At alam ko rin na ikaw lang ang di natatakot kapag sinusungitan ko, At kapag sinesermunan ka, ikaw pa ang galit," anitoat inilapit sa bibig niya ang kutsaritang may fruit salad.

"Pati ba naman ikaw ginagawa akong bata?" Subalit napilitan pa rin siyang sumubo dahil di nito inaalis ang kutsarita sa bibig niya.

"O, aangal pa. Kailan ka ba makikinig at susunod sa mga taong concern sa iyo, Fridah Mae? Di ka naman namin gustong tratuhing bata pero gusto ka naming alagaan. Oras na gumaling ka, makakaalis ka na dito sa riding club."

"Wala ka nang pakialam sa akin?" tanong niya.

"Ganoon ba ako ka-insensitive na di ka pakialaman? If you will do something that might jeopardize your life again, I will surely lock you here."

"You don't have to do this, Johann. Nakakaabala lang ako."

"You will never be a bother. Kaya sana ma-appreciate mo na lang ang pagmamalasakit ng ibang tao sa iyo." Ibinigay nito ang gamot sa kanya para inumin niya. "Magpahinga ka na. Kung maganda ang panahon bukas, manonood tayo ng sunrise sa may Mountain Trail overlooking."

Nagningning ang mga mata niya. "Talaga? Pupunta ulit tayo doon?"

Miss na miss na niya ang manood ng pagsikat at paglubog ng araw. Parang wala na kasi iyong halaga sa kanya mula nang di na sila magkita ni Johann.

"Isipin mo na lang magde-date ulit tayo."

PABILING-BILING sa higaan niya si Fridah Mae. HIndi siya mapakali. Nang sulyapan niya ang digital clock sa bedside table ay alas otso y medya pa lang ng gabi. Di siya nasisiyahan sa mga palabas kaya pinatay na lang niya ang TV.

Bumangon siya at lumabas ng silid. Lalo siyang maiinip at di makakatulog kung doon lang siya sa kuwarto. Nagpalakad-lakad siya sa may garden.

"Matigas talaga ang ulo mo. Nagpapahamog ka na naman sa labas," anang si Johann na may hawak pang libro.

"Hindi ako makatulog, eh! Kaya dito muna ako. Nanonood ng fog."

Hinila siya nito papasok at isinara ang French door. "Gusto mo ng gatas para antukin ka? Ipagtitimpla kita."

"Hindi. Nabo-bore lang ako."

"Gusto mo bang magbasa ng libro?"

Kinuha niya ang librong binabasa nito. "Tungkol sa bagong discoveries sa mga ancient civilization? Mahilig ka rin pala dito."

"Halos lahat ng libro binabasa ko."

Binuklat-buklat niya ang pahina ng libro at umupo sa rocking sofa. "Wala akong hilig na magbasa. Napipilitan lang ako noon dahil tinatambakan mo ako ng libro. Pero nang ma-encounter ko ang mga tao na di marunong magbasa at magsulat at ni hindi alam ang mga karapatan nila bilang tao, mas pinahalagahan ko ang mga simpleng bagay na binabalewala ko."

"Naalala ko pa noon. Inis na inis sa iyo ang kuya mo. Bata ka pa lang daw, sakit ka na ng ulo. Parang doon ka pa daw sumasaya sa mga bagay na nagdadala ng problema. Kaya tuwing nakikita kita, parang laging disaster ang dala mo."

"I must admit that I am a simpleton most of the time. Di ko sinasabing sinasadya ko na madisgrasya o makaperhuwisyo. Pero proud akong sabihin na natututo ako ng leksiyon sa mga pagkakamaling ginawa ko."

Pinag-aralan nitong mabuti ang mukha niya. "In a way, nag-mature ka na."

"In a way?"

"Di ko alam kung matatawag na immaturity ang pagiging impulsive mo minsan. Di ka rin natatakot magsabi ng nararamdaman mo. Kung nasasaktan ka, nagmamahal, masaya o nalulungkot. You didn't know that you are susceptible to being vulnerable. You ended up getting hurt in the end. Most of the time, I will call you stupid. But I admire you as well for being true."

"Bakit? Hindi ba normal iyon?"

"Bata pa lang ako, tinuruan na ako ng daddy ko na huwag magpakita ng emosyon. I have to be tough. I couldn't let my guard down. Di ako pwedeng maging masyadong masaya o malungkot. Parang normal lang. And during tough times, I have to be on top of things. Di ako dapat basta-basta masasaktan. Kung nasasaktan man ako, kailangan di malaman ng iba. Sarilinin ko na lang."

It was not an easy feat. Mahigpit ang pagpapalaki dito. At kahit ang simpleng pagngiti ay parang ipinagkait dito. She saw him in a new light.

"Don't worry. Kung may unang makaka-appreciate ng kasungitan mo, ako iyon. Kasi guwapo ka pa rin." Bumungisngis siya nang biglang matigilan. Bakit niya sinabi na guwapo ito? Di nga pala siya pwedeng lumambot dito.

"Sinabi mo ba na guwapo ako?" tanong nito.

Bigla siyang tumayo. "Hindi. Sabi ko goodnight."

Istupida siya kung magpapadala ulit siya sa nararamdaman niya. Bakit di niya makontrol ang sinasabi niya? Masasaktan lang siya.

Related Books

Popular novel hashtag