Chapter 467 - Chapter 12

"SO KAYO na ni Doc CJ?" tanong ni Jenna Rose habang namamasyal sila sa central part ng riding club. Ito ang makakasama niya buong maghapon dahil busy si Jed sa paghahanda sa concert nito at ganoon din si Johann na naka-focus sa trabaho nito. Nangako si Johann na kapag may oras ay makikipagkita ito sa kanya.

"Hindi pa. Hypothetical lang naman ang usapan namin tungkol sa pagpapatigil niya sa akin sa trabaho ko. Pero nararamdaman ko na nagke-care siya sa akin."

Hindi lang expressive si Johann pero sincere ito nang sabihin na nag-aalala ito. Underneath that cold exterior was a caring man. Kahit pa siguro sungitan siya nito palagi, lalo pa niya itong mamahalin.

"You obviously like him. Kailan ba nagsimula ang love story ninyo?"

"Ayoko sa kanya dati. Magkaibigan kasi sila ni Kuya Jeffrey na parehong Mr. Sungit. Naalala mo noong makulong tayo dahil kay Jed?"

"Oo. Tumawag ka pa sa akin sa phone dahil inulan ka ng sermon ng pamilya mo,"nangingiti nitong sabi.Tulad niya ay nasermunan din ito mula ulo hanggang paa.

"Well, while the whole world thought that I was good for nothing, Johann comforted me. Inaasahan ko na sesermunan din niya ako pero niyakap niya ako. Tinanong niya kung natatakot ako. He told me that everything would be okay. And I felt safe in his arms."

"Wow! Kinikilig naman ako sa love story ninyo."

Humagikgik siya. "Kaso sinermunan din niya ako pagkatapos."

"Kaya mo namang pagtiisan ang kasungitan niya."

"Part kaya iyon ng charm niya." Mas na-attract pa siya kasungitan ni Johann. Mabuti ngang magsungit ito para siya lang ang magtiis dito. "Basta ipagdasal mo na maging boyfriend ko si Johann."

"Iluluhod ko pa iyan sa mga simbahan."

"Magpapapako pa ako sa krus sagutin lang niya ako."

Dumaan sila sa Rider's Verandah nang hilahin nito ang renda ng kabayol. "Frids, hindi ba si Johann iyon?" anito at itinuro ang sulok ng restaurant.

Kumunot ang noo niya nang makitan may kausap itong babae. "Kilala mo ba ang babaeng kasama niya?"

"Ah! Si Nurse Jennifer iyan. Bago lang din siyang nurse. Isang buwan na siya dito pero under probation pa rin siya."

Hinila niya ang renda ng kabayo at tumigil iyon sa paglalakad. "What? Jennifer? Jennifer Soledad?" Pinakatitigan niya ang babae at namukhaan nga niya ang ex-girlfriend ni Johann.

"Yeah. Kilala mo rin siya?"

"Schoolmate namin siya ni Johann. Ex-girlfriend pa nga siya ni Johann." Ito ang babaeng nagdala ng sanlibong hinanakit sa kanya at bakit binasted siya ni Johann. "Bakit sila magkausap?"

"Baka pinag-uusapan lang nila ang tungkol sa research ni Johann. Masyado siyang on guard sa pwedeng maging epekto ng equine flu sa mga tao. Siyempre ang unang maapektuhan ang mga tao dito sa riding club," paliwanag ni Jenna Rose.

"Bakit di si Doc Kester ang kinausap niya tungkol doon?" Si Kester Mondragon ang resident physician ng riding club.

"You worry so much, Fridah Mae. Makakasira sa kagandahan mo kung iisipin mo na baka may relasyon si Johann at ang ex niya. Mas maganda ka naman kay Nurse Jennifer. Promise!"

Paano siyang di mag-aalala kung minsan nang pinili ni Johann si Jennifer kaysa sa kanya? Paano kung ito pa rin ang gusto ni Johann? Ibig bang sabihin ay wala na siyang pag-asa na mahalin nito?

NAKATUNGANGA lang si Fridah Mae sa kadiliman ng gabi. Blangko pa rin ang draft para sa gagawin niyang article sa newsletter ng Amnesty International. Kasama iyon sa trabaho niya kahit pa nakabakasyon na siya. Pero wala pa rin siyang naisusulat kahit isang letra man lang. Bumabagabag sa kanya sina Johann at Jennifer. Kung tanungin kaya niya si Johann tungkol doon, may makukuha kaya siyang sagot? At ikatutuwa ba niya ang magiging sagot nito o ikadudurog ng puso niya?

Sa huli ay di siya nakatiis. Isinuot niya ang jacket at pumunta sa pool area ng guesthouse. Malamig dahil nakalambong ang ulap sa riding club. Wala siyang pakialam sa lamig. Gusto lang niya ng garantiya na di siya masasaktan kay Johann.

"Mahamog dito. Gusto mo bang magkasakit?"

Bigla siyang lumingon nang marinig ang boses ni Johann. "Late na. Hindi ba dapat nagpapahinga ka na? Anong ginagawa mo dito?"

"Kagagaling ko lang sa laboratory." Inilagay nito ang hood ng jacket sa ulo niya. "Mabuti na lang dinalaw kita. Nag-aalala ako dahil di ka daw lumabas ng kuwarto mo sabi ni Mark Ashley."

"Nagsulat ako para sa article ng newsletter namin."

Hinawi nito ang buhok sa noo niya. "You don't look good. Kumain ka na ba?"

Tumango siya. "Um-order ako ng salad kanina." Salad na di rin niya nagalaw. Tuwing pinoproblema niya si Johann ay di talaga siya makakain.

Nahigit niya ang hininga nang yakapin siya ni Johann. "After this, I want you to go back to your room. Gusto mo I-order kita ng hot chocolate?"

"Hindi na ako nilalamig." His body was enough to keep her warm.

Naramdaman niya ang pagluluha ng mata niya. Ayaw ba sa kanya ni Johann? Bakit pa siya nito niyayakap? Di ba dapat ay di na rin siya nito pinupuntahan kung di siya importante dito? Gusto lang ba siya nitong I-torture.

"Johann, sabihin mo sa akin kung may iba ka nang babaeng gusto, ha? I can live with that. Basta huwag mo akong hayaang umasa sa wala."

"Silly. Why would I do that? Gusto mong sabihin ko sa iyo ang nararamdaman ko, Fridah Mae?"

"Not now, Johann. Just hold me close for now."

Ayaw niyang masira ang sandaling iyon para sa kanila. Kahit sa pagkakataong iyon man lang ay maramdaman niyang importante siya dito.