"Stunning in fuchsia pink. Nobody does it better than Fridah Mae."
Puring-puri si Tamara nang makita ang eleganteng halter fuchsia pink gown na suot niya. Birthday party iyon ng sikat na polo player at resident polo trainer ng riding club na si Thyago Palacios. Kaya dumalo ang karamihan sa mga member at bumaba din ng pagkain at alak. He was one of the most celebrated personalities after all.
"Bakit hindi mo ako iginagawa ng fuchsia pink na gown, Jenna Rose?" reklamo ni Saskia, ang nobya ni Reichen Alleje at may-ari ng Artemis Equestrian Center na kapitbahay lang ng Stallion Riding Club.
"Sorry, Saskia!" sabi ni Jenna Rose at inabot ang kopita ng red wine sa kanya. "Exclusive ang fuchsia pink kay Fridah Mae. Pagbigyan mo na dahil may pinagpapagandahan iyan."
"Si Doctor Cedric Johannson Cristobal yata iyon," nakangising sabi ni Jenevie, ang kapatid ni Jenna Rose at isang human rights lawyer.
Nasapo niya ang pisngi. "Huwag naman ninyo akong masyadong tuksuhin sa harap ng maraming tao. Nakakahiya naman!" Kalat na kalat na yata sa buong riding club ang kanyang pagsinta kay Johann. Wala na siyang ililihim.
"It feels good to be young and in love," sabi naman ng birthday celebrant na si Thyago. "Nasaan na nga pala si Doc CJ?"
"Hahabol daw siya sa party mo," sabi ni Tamara.
"He can't miss it. Marami ang nag-aabang na isayaw si Fridah Mae. Baka maagawan pa siya ng iba," babala ni Thyago at kinindatan siya.
Tumikhim si Richard Don. "Sana dumating na siya para di ka na namin kailangan pang bantayan."
Ito at si Mark Ashley ang tagabugaw sa mga lalaking gustong makipagsayaw sa kanya. Habang naroon ang mga ito sa tabi niya ay walang lalaking makakalapit. May makukulit daw kasi na baka di niya mahindian. Naninindigan siya na para kay Johann lang siya sa gabing iyon. Di rin siya titingin sa ibang lalaki.
"Parating na daw siya sabi ni Mark Ashley."
"Maiwan ko muna kayo. Magre-retouch muna ako," sabi niya at dali-daling nagpunta sa powder room. Lahat ng expertise niya sa pagpapaganda ay ginamit niya. She wanted to look beautiful for Johann.
Parang isa siyang teenager na a-attend sa prom night. Di siya masyadong nakapag-enjoy noong prom niya dahil nakabantay ang kapatid niya. Pero sa gabing iyon ay walang makakapigil sa kanya na mag-enjoy kasama si Johann. Sa gabing iyon, siya na lang ang magiging babae sa buhay nito. She would secure that place.
Pagbalik niya ng powder room ay lumapit agad siya kay Jenna Rose. "Do I look okay? Bagay na ba kami ni Johann?" tanong niya.
"Fridah Mae…" Malungkot ang mga mata nito nang lumingon sa dance floor.
"Bakit?" tanong niya at sinundan ang tingin nito.
Nahagip ng paningin niya si Johann. Dumating na pala ito. Subalit nasa dance floor na ito at kasayaw si Jennifer. Nakayakap si Jennifer sa leeg ni Johann at magkasalubong ang mata ng mga ito habang nag-uusap. And Johann was smiling.
Nanlulumo siyang napaupo. Kanina pa niya hinihintay ang pagdating nito. Nagpaganda siya para dito. Pagkatapos ay si Jennifer lang pala ang isasayaw nito. Ni hindi muna siya nito hinanap nang dumating ito. Di naman siya magseselos kung makikipagsayaw ito sa ibang babae. Pero sana…
"Sorry, Fridah Mae. Basta na lang kasi siyang nilapitan ni Jennifer at niyaya sa dance floor," hinging paumanhin ni Jenna Rose at pinisil ang kamay niya. "Pero mamaya isasayaw ka rin ni Johann."
"Wala sa akin iyon!" aniya at pilit na ngumiti kahit na wasak na wasak ang puso niya. "Uminom na lang tayo."
In-straight niya ang red wine. Mabuti nang may magawa siya kaysa naman lunurin lang niya ang sarili sa selos. Iisipin na lang niya na wala pa si Johann. Wala pa ito sa dance floor at di pa ito dumadating.
"Frids, palapit dito si Johann," untag sa kanya ni Jenna Rose.
Pilit siyang ngumiti at lumingon kay Johann. Tapos na itong makipagsayaw kay Jennifer. "Hello, Johann!" malambing niyang bati at kinawayan ito.
"Pang-ilang wine mo na iyan?" tanong nito at kinuha ang kopita sa kanya.
"Nakakadalawang baso pa lang ako. Their wine is great! Try it!" Kumuha siya ng isa pang kopita at tinungga iyon. "Bakit hindi ka na nagsasayaw?"
Inabot nito ang kamay sa kanya. "Ikaw naman ang isasayaw ko."
Iyon ang kanina pa niya pinakahihintay. Ang isayaw siya nito. Umiling siya at ibinaling ang tingin sa alak. "I am not in the mood for dancing."
The image of him and Jennifer dancing kept on flashing in her mind. Maraming emosyon sa mga mata ng isa't isa habang nag-uusap at nagsasayaw. Kung magsasayaw sila ni Johann, di na niya mararamdaman na espesyal siya.
"Mas gusto mong magpakalasing kaysa makipagsayaw sa akin?" tanong nito na may halong iritasyon.
Nagkibit-balikat siya. "Red wine lang ito. And I am not a kid anymore, okay? I am just appreciating good wine."
Pero sana nga ay di lang red wine ang iniinom niya. Mas gusto niya iyong malalasing siya nang tuluyan. Parang tuluyan na niyang makalimutan ang mga di kanais-nais na imahe sa utak niya.
"Jenna Rose, what's wrong with her?" tanong ni Johann dito.
Nagkibit-balikat si Jenna Rose. "I don't know." Ayaw siguro nitong makialam sa problema nila ni Johann.
"Nagtatanong ka pa! Akala ko pa mandin matalino ka," pabulong niyang asik.
"Johann, let's dance!" malambing na yaya ni Jennifer dito at humawak sa balikat nito. "Di mo pa naman nakakalimutan ang samba, di ba?"
Jennifer's smile was so inviting. Nang-aakit. Nanghahalina. Walang alaking tatanggi sa paanyaya nito.
"Sandali. Nag-uusap pa kami ni Fridah Mae," wika ni Johann.
Pilit siyang ngumiti. "No. Wala kaming pinag-uusapan ni Johann. Please take him away from me. Inaabala niya ang pag-e-enjoy ko."
Kunyari pa ito na iniisip ang kapakanan niya. Kung considerate nga ito sa kanya, sana ay di na siya nito pinaasa habang may Jennifer na ito.
"Mag-uusap tayo mamaya," mariing wika ni Johann nang tumayo ito para sumama na kay Jennifer. Tinitimpi lang nito ang galit sa boses. Wala siyang pakialam sa galit nito. Mas matindi ang hinanakit niya.
Malungkot ang mga mata niya habang pinapanood itong nagsasayaw at si Jennifer. Naalala niya noong unang beses niya itong nakita kasama si Jennifer. Parang pinipira-piraso ang puso niya.
"Fridah Mae, bakit hindi ka nakipagsayaw?" tanong ni Jenna Rose.
"Mas gusto naman niyang kasayaw si Jennifer kaysa sa akin. Look at them. Parang in love sila sa isa't isa."
"Huwag mo na lang tingnan kung nasasaktan ka."
Pero di pa rin niya maialis ang tingin sa dalawa. Masokista nga yata siya. She had been through that hell before. Ang panoorin ang dalawa habang nagsasaya habang nawawasak ang puso niya. Pero bakit paulit-ulit pa rin niyang pinarurusahan ang sarili? Bakit pa siya nagmamahal kung nasasaktan lang din naman siya?
"Jen, let's dance," yaya kay Jenna Rose ng nobyong si Jed.
"Hindi ko maiwan si Fridah Mae, eh!" anito at bahagya siyang nilingon.
Umiling siya at itinaas ang kamay. "Don't mind me. Malaki na ako."
Atubili man ay nakipagsayaw si Jenna Rose sa nobyo. Saka niya natuklasan na mag-isa na lang siya sa mesa. Ang mga pinsan niya ay may mga babae na ring kasayaw.
She felt so alone. Habang nagsasaya ang lahat, siya'y nag-iisa.
She watched Johann dance with a heavy heart. There goes her Johann. Para saan pa ang pagmamahal kung nasasaktan lang siya? Tumayo siya at binitbit ang clutch bag. Enough is enough! Nobody would care if she would leave.
Most of all, Johann didn't care at all.