Chapter 449 - Chapter 37

ISA NA namang pagdiriwang ang ihinanda ng tribong Aringan sa grupo nila. Huling gabi na nila iyon sa tribo. Bukas ay babalik na sila sa sibilisasyon.

Kumpleto na ang documentation nila. Nalaman nila na kaya madalang nang bumalik ang mga kabayo sa lugar na iyon dahil sa mabilis na pagkawala ng mga puno sa lupang di na hawak ng tribo. Maraming illegal loggers at pati na rin mga poachers na nagsisilbing banta sa tirahan at buhay ng mga kabayo.

Reforestation at katiyakang magiging protected area ang lugar para di na pasukin ng mga hunters ang naiisip na solusyon ng grupo nila. Kung mapapangalagaan ang lugar, di lang mga kabayo ang babalik kundi pati iba pang mga hayop. Makikita nang malayang umiinom sa lawa ang mga kabayo.

Hinila siya ni Reid palayo sa tribo. "Saan tayo pupunta?"

"Sa lake. Maliwanag naman ang buwan ngayon."

Nagpatianod na siya. Huling gabi na nila doon. Pinagbigyan na lang niya ito. Mula nang makita nila ang wild horse, gumaan na ang loob niya kay Reid. Pansamantala niyang naisantabi ang galit niya dito. Di niya alam kung natural iyon o naambunan si Reid ng swerte mula sa kabayo.

"Ano ito? Magtititigan lang tayo?" tanong niya nang makarating sila sa lake. "O maghihintay tayong may mamasyal na wild horse?"

Ginagap nito ang kamay niya. "Come back to me, Tamara."

"Sinabi ko na ang sagot ko, di ba? No!"

Yumuko ito. "I was wrong. Unfair para sa iyo kung mananatili ka bilang asawa ko dahil lang sa tradisyon na ayaw kong baliin o dahil gusto kong ikaw ang maging ina ng mga anak ko."

"May nagbago ba?"

"Sinundan kita dito para makiusap." He pressed his forehead against hers. "Please come back to me. Hindi ko na alam ang gagawin ko mula nang mawala ka. Hindi na nga ako sumisigaw sa kanila pero wala na rin akong ganang magtrabaho. At kung di ko pa ipapasa kay Reichen ang trabaho ko, baka bumagsak na ang riding club. Mababaliw ako kapag hindi kita nakita."

"Ako ba talaga ang dahilan kaya ka nagkakaganoon?"

Tumango ito. "You are very important to me, Tamara. As important as the air that I breathe. I can't live without you. Please bring my sanity back. Please come back to me," he said in a plea.

She couldn't believe her eyes. Reid was practically begging. Di na ito ang matigas at aroganteng si Reid Alleje. Parang isa na lang itong mortal habang nakikiusap sa kanya. Bumaba ito sa pedestal nito para habulin siya at pakiusapan.

"Ganito ba talaga ako kaimportante sa iyo? Kapag may nakarinig sa iyo, baka pagtawanan ka nila. This is not you, Reid."

"I know. Pero wala na akong pride nang habulin kita. Kapag tinanggihan mo ako ngayon, makikiusap lang ulit ako kahit ipagtabuyan mo ako." Pumikit ito at kinintalan ng halik ang labi niya. "Ano pa ba ang kailangan kong isuko para lang bumalik ka sa akin?"

She wanted to cry for him. Parang sinasaksak kasi ang dibdib niya sa bawat salita nito. He was in sheer agony.

Oo nga at sinaktan siya ni Reid. Pero ayaw naman niyang nasasaktan ito.

"You don't have to do anything else. Tama nang maramdaman ko kung gaano ako kaimportante sa iyo."

Hinaplos nito ang gilid ng mata niya para pawiin ang luha. "Ibig bang sabihin babalik ka na sa akin?"

Tumango siya. "I give up. Hindi kita kayang tiisin."

Reid gave her a slow, tender kiss. It was a kiss that was claiming and consuming. Halik iyon na may pag-aalaga at paggalang.

"You won't regret this, Tamara. I promise."

Hindi na iyon tungkol sa pagsisisi kung tama man o mali ang desisyon niyang bumalik dito. There was no turning back now. Dahil sa pagbalik niya sa buhay ni Reid, wala na siyang balak na umurong.

Hindi nito sinabi na mahal siya nito. Sapat na sa kanya na malamang importante siya sa buhay nito. It was better than waiting for 'I love you'. Ang importante ay masaya siya sa piling nito.

"YOU'RE LATE!" Walang kangiti-ngiting Reid Alleje ang sumalubong kay Tamara sa lake cabin. "Hindi ka galing sa salon. Saan ka galing?"

Nasanay na si Reid na kapag may date sila ay dumadaan siya sa salon. At inaasahan na rin nito na late siya kaya di na ito nagagalit.

"Napa-kwento ako sa Lakeside Café. Nandoon si Saskia," tukoy niya nobya ni Reichen. "Ikinu-kwento niya ang tungkol sa accomplishments ng mga estudyante niya sa Asian Grand Prix."

"Nawiwili na ang mga babaeng iyan na agawin ang oras mo sa akin."

Mula kasi nang bumalik siya ay mas marami pa siyang oras sa mga kaibigan niyang babae sa riding club ayon kay Reid. She decided to have a compromise with Reid. Babalik siya sa riding club pero papayagan pa rin siya nito na tumanggap ng assignment mula sa wildlife center ng minsan o dalawang beses sa isang taon. Ang kondisyon naman na hiningi nito ay kailangang kasama rin ito. He would even sponsor the assignment. Na-enjoy daw kasi nito ang huli niyang assignment.

Hinawakan niya ang kamay nito. "Huwag mong sabihing nagseselos ka?"

"Nagtatampo lang ako dahil mas inuuna mo sila kaysa sa akin."

"Ngayon lang iyan dahil kababalik ko lang. Magsasawa rin sila sa akin." And besides, she found a family with those girls. Parang mga kapatid niya ang mga ito. Pagpasok ng lake cabin ay nagtaka siya nang di niya makita ang painting ng mommy niya na makikita pagbungad pa lang. "Nasaan na ang sketch ni Mommy?"

"Inilipat ko dito." Itinuro nito ang painting na nasa tabi na ng pinto. "I found a very interesting painting to replace it."

Saka niya napansin ang bagong painting na nakasabit. It was neither the works of her mother nor her father. Iba ang hagod niyon. Painting iyon ng isang babae na nakasakay sa kabayo habang hinahangin ang buhok. Mukha niya ang naroon. "A-Ako ito?"

"Yes. Rodjan sold it to me. Hindi namin alam na ipinipinta niya ang mga babae dito sa riding club saka niya ibebenta sa mga boyfriend o asawa."

Si Rodjan ay isang member ng riding club na isang sikat na artist. Pinagkakaguluhan ang mga exhibits nito. "But this one is expensive."

"Mas mautak pa yata siya sa amin ni Neiji sa negosyo."

Yumakap siya sa baywang nito. "But you bought it anyway."

"Hindi naman ako magaling na painter tulad ng daddy mo. Hindi kita kayang ipinta. I am just glad that there is someone as good as Rodjan out there. I can still see your beauty in a canvass."

Hinaplos niya ang kilay nito. "Thank you. Pakitanong ni Rodjan kung pwede ko siyang kontratahin. Gusto kong magpagawa ng portrait mo. Pero kailangan nakangiti ka. At mapangiti ka niya habang nagpe-paint o libre na iyon."

"Oh, man!" Tumingala ito. "You are worse than Rodjan."

"Que pa na power of the king ako kung di ko maiisip iyon."

"Listen! Next week dadating sina Mama at Papa galing Spain. Ipapakilala kita sa kanila. Then we'll discuss our grand wedding plans."

Ngumiti siya subalit di iyon umabot sa mata niya. "I don't have a family."

"Kung gusto mo personal pa nating imbitahan ang tita at pinsan mo. Sila na lang ang natitira mong pamilya. Di pa ba sila pupunta?"

Gusto niyang makita ang tiya niya at pinsan. Pero di niya alam kung matutuwa ang mga ito na makita siya. They weren't really close.

Pabalik na siya sa worker's lodge nang makatanggap siya ng tawag. "Tamara, ang Tita Camilla mo ito."

"Tita!" excited niyang usal. Napakabilis naman ni Reid. Na-contact agad niya ang tita niya samantalang pinag-uusapan pa lang nila iyon kanina.

"Please help us. We need you."