Chapter 446 - Chapter 34

Tamara  was awed by magic of that mountainous place. Nadadaanan nila ang pine trails, rice paddies at terraces pati na rin iba't ibang klase ng wild animals. Malayo iyon sa sibilisasyon at mangilan-ngilan lamang ang bahayang nakikita niya. Pero di sila nainip. Maganda kasi ang lugar at presko ang hangin. Malamig din dahil bukod sa mataas ang lugar ay natatabingan iyon ng nagtatayugang mga puno.

"Sir Reid, okay lang ba sa iyo na mapalayo sa riding club?" tanong ni Shiela.

"Hindi naman ako habambuhay nasa riding club. Kailangan ko rin mag-explore ng ibang lugar, di ba?" sagot ni Reid. Napapansin din niya na di na ito masyadong suplado. Kahit sa kanya ay di na ito basta basta nagagalit.

Baka pakitang-tao lang. Siyempre di nito teritoryo ang lugar na iyon. Kahit na sponsor pa niya ito, di naman sila nito pag-aari o empleyado.

"Siguro naisip ninyo iyan dahil kay Doktora Tamara," sabi ni Shiela. "Kasi pangarap talaga niya na mag-explore ng maraming lugar."

"Ganoon ba?" anang si Reid at bahagya siyang sinulyapan. "Sa palagay mo naman nami-miss niya ang Stallion Riding Club?"

"May nami-miss siya doon," sa halip ay sabi ni Shiela. "Ikwento mo naman sa akin kung sino ang love interest ni Doktora doon."

Nakapamaywang niyang hinarap ang dalawa. "Excuse me! Hindi ninyo ako kailangang pag-usapan na parang wala ako."

"Ayaw mo naman kasing kausapin si Sir Reid. Nakakahiya naman," sabi ni Shiela. "Saka baka siya sakaling sagutin ang mga itinatanong ko sa iyo."

"Bahala na nga kayong dalawa!" usal niya at inirapan ang mga ito.

Maya maya pa ay unti-unti nang lumatag ang dilim. "Dito na lang tayo sa area na ito mag-camp!" deklara ng guide nila.

Nagkanya-kanya nang tayo ng tent ang lahat. Silang dalawa ni Shiela ang magkakasama sa tent. Si Reid ang tumulong sa kanila na magtayo niyon.

"Di ko alam marunong ka palang magtayo ng tent."

"Boy Scout kami ni Reichen. Diyan kami expert," pagmamalaki nito.

"Sandali na lang! Maluluto na rin ang hapunan!" anunsiyo ni Shiela.

Nang I-check niya ang niluluto nito ay puro de latang meat processed food. "Ano… wala ba tayong gulay diyan?" tanong niya.

"Puro ganitong de lata lang ang nasa kay Sir Kadji," sagot nito.

"Magtitinapay na lang ako sa hapunan?" nanlulumo niyang tanong. Gusto pa mandin niyang kumain ng kanin para makabawi ng lakas.

"I have dehydrated vegetables here. Ibabad mo lang sa tubig para bumalik siya sa dati. Gusto mo ba I-steam ko para sa iyo?" alok ni Reid.

"Sige nga, Sir Reid. Kasi di kumakain ng gulay si Doktora Tamara," sabi ni Shiela. "Pahingi rin, ha?"

She was somehow thankful because she could have a decent meal. "Thank you," pasasalamat niya kay Reid habang ipine-prepare nito pagkain para sa kanya. "Di ko alam ang gagawin ko kung walang gulay. Di na nagdala sila Kadji dahil baka masira. Saka bukas ng umaga, may makukunan na ng gulay."

"Inaasahan ko nang puro processed meat in can ang dala niya. Naisip tuloy kita .Buti na lang may ginawa si Aling Simang na dehydrated vegetable chips. Kaya kakain ka na, ha?"

Kahit na ano pang gawin niyang pagsusungit dito, inaalagaan pa rin siya nito. Paano pa siya magagalit dito kung bawat galaw niya ay pasimple siya nitong pinagsisilbihan? Pero di siya dapat magpadala. Galit siya dito. Hindi siya dapat maging malambot dahil lang ginagawan siya nito ng pabor.

Tahimik sila ni Reid habang naghahapunan. "Kami na lang ni Jin ang maghuhugas ng pinagkainan," prisinta naman ni Shiela na halatang gustong masolo ang lalaki. May malinis na ilog sa di kalayuan.

"Hindi ba ako magkakasakit kapag naligo ako sa ilog?" tanong niya.

"Hindi masyadong malamig ang tubig dahil di naman malamig ang panahon ngayon. Pero huwag na lang kayong magbababad kung maliligo kayo, Doktora. Maliligo po ba kayo?" tanong ni Jin.

"Hindi. Naitanong ko lang."

Ayaw naman talaga niyang maligo muna. Subalit di siya  makatiis. Pakiramdam niya ay sinagap niya ang lahat ng alikabok. Gusto niyang magbanlaw man lang. Nanghahalina pa ang lagaslas ng tubig.

Dala ang ilang gamit niya ay pumunta siya ng ilog. Di naman iyon kalayuan sa camping site nila. Kanina ngang nagtatawanan sina Jin at Shiela. Ibig sabihin ay madali siyang masasaklolohan kung kailangan niya ng tulong.

Malamig nga ang tubig subalit nasanay na siya. Habang nakababad ay ginamit din niya ang Stallion Shampoo and Conditioner sa buhok. "Ah! Parang nasa salon din ako sa riding club. Nakaka-miss." Puro Stallion Shampoo and Conditioner kasi ang gamit doon.

Habang nakangila siya ay hinahayaan niyang dahan-dahang tangayin ng agos ang shampoo sa buhok niya. Pinagmasdan niya ang mga bituin sa langit.

"Maganda ang mga stars, hindi ba? Good thing the sky is clear."

Napasinghap siya nang marinig ang boses ni Reid. Mabilis siyang lumublob sa tubig na ulo lang ang nakalabas habang ang mga braso ay nakakrus sa dibdib niya.

Nang humarap siya ay nakatayo ito sa bato na parang hari at pinagmamasdan siya. "A-Anong ginagawa mo dito?"

"Binabantayan ka. You are like a nymph while you bathe."

There was a mix of dark passion and admiration in his voice. Animo'y tinatangay iyon ng hangin at humahaplos sa katawan niya. Boses pa lang iyon. Paano kung si Reid mismo ang…

Ipinilig niya ang ulo. Di ito ang oras para magpaakit dito. "Ang alam ko tulog na kayong lahat. O baka naman gusto mo lang talaga akong masilipan."

"Ano naman ang sisilipin ko sa iyo? Nakita ko na lahat," pasuplado nitong sabi. But his eyes betrayed him. He was enjoying the sight.

"Pero di ka rin bantay. Bantay-salakay ka!" akusasyon niya.

Humalukipkip ito. "Why don't you just thank me? As your husband, I am responsible for your welfare. Paano kung may ibang lalaki na makakita sa iyo? Mabuti nga pinoprotektahan pa kita."

Related Books

Popular novel hashtag