Pasimpleng inikot ni Tamara ang mata sa polo arena ng Stallion Riding Club kung saan kasalukuyang ginaganap ang monthly polo tournament. Umaasa siyang makikita doon si Reid. Subalit gaya ng inaasahan niya ay wala ni anino nito. O kung nasa paligid man ito, tiyak na di ito magpapakita sa kanya.
Nasa medics area sila ni Celeste. She would take care of the players. Siya naman ang bahala sa mga polo horses.
"Sinong hinahanap mo? Si Sir Reid, no?" tanong ni Celeste.
"Bakit ko naman siya hahanapin? Alam ko na wala siya dito."
"So what's the real score between you two?" usisa nito.
"We are not into a game or something. Di kailangan ng score," sabi niya habang chine-check ang gamit sa medicine kit niya.
"You are into a game of love. Napapansin ko nitong nakakaraang araw nag-iiwasan na kayo matapos ang controversial na kiss in the dark. Bakit?"
"Walang bakit doon. That kiss is just a kiss. It doesn't mean a thing."
Dahil sa halik na iyon, di siya makatulog sa gabi. Di na rin niya kayang tingnan nang diretso sa mata si Reid. A kiss was enough. Twice was too much.
Subalit may advantage sa kanya ang halik na iyon. Bumait sa kanya ang mga members ng riding club. Some of them even call her queen. Ang alam ng mga ito ay nobya siya ni Reid. She was not sure if the kiss was a curse or a blessing.
"Sayang. Akala ko ikaw ang susunod na ikakasal sa akin." Sa isang linggo ay lilipad na ito papuntang London para pakasalan ang kasintahang businessman doon.
Tumawa siya. "No way!" Kaya nga siya naroon para ipawalang-bisa ang kasal niya. A loveless marriage with Reid Alleje was enough.
"I know your type. You hate to give up your independence for a man. Pero dadating din ang panahon na malulungkot kang mag-isa."
"Sanay na ako," makahulugan niyang sabi. Bata pa lang siya ay di niya naramdaman ang pagmamahal mula sa taong minahal niya. And Reid Alleje was the last person on earth who could give her the love she yearned for.
Naputol ang kwentuhan nila nang naggitgitan ang players na sina Eiji at Reichen. Nasa kay Reichen ang possession ng bola. Eiji was trying to ride him off. Bumagsak si Reid mula sa kabayo. Hangos itong dinaluhan ng medical team para I-check may masakit dito o may na-damage. After he was declared clear of danger, ipinagpatuloy na ang laro.
Habang pivot stomping o half time ay chine-check up niya ang mga kabayo na ginamit sa laro. Lumapit sa kanya si Reichen. "How's Sprite?"
"He is a strong and sturdy horse. Wala namang na-damage sa kanya. But you can't ride him for the rest of the game anymore. Napagod na siya." Sa paglalaro ng polo, inaasahan nang di lang isa o dalawa ang kabayong gagamitin.
"You did a great job man," bulong ni Reichen kay Sprite. Napansin niya na may pulang guhit sa pisngi nito. Lumapit siya at hinaplos ang pisngi nito. Napapitlag si Reichen sa sakit. "Ouch!"
"May sugat ka sa pisngi."
Hinaplos nito ang pisngi. "Nakuha ko siguro nang bumagsak ako kanina. Hindi ko naman masyadong naramdaman."
"Halika! Gamutin natin."
Ngumisi lang ito. "Huwag na. Galos lang iyan."
"Mapipingasan ang kaguwapuhan ko kapag na-infect iyan."
Natigilan ito. "Talaga? Sige, pakigamot nga."
Natatawa niyang tinanggal ang gloves at naghugas ng kamay. Saka niya hinarap ang paggamot dito. "Takot ka talagang mabawasan ng fans, no?"
"Napapansin mo rin pala na guwapo ako, Doctora?"
"Oo naman. Ano bang palagay mo sa akin?" tanong niya.
"Bulag. Kasi wala kang pinapansin sa mga members na nagpapalipad-hangin sa iyo. O baka naman wala sa amin ang type mo. Si Kuya Reid ba?"
Nilagyan niya ng antiseptic ang sugat nito at napaigik ito sa sakit. Ayaw na nga niyang maririnig ang pangalan ni Reid. "Ano? May sinasabi ka ba?"
"O, sige! Kung di mo type si Kuya, mag-date na lang tayo."
"Ha?" bulalas niya at napatitig dito.
Hinawakan nito ang kamay niya. "Please. Di mo naman siya boyfriend, di ba? Wala ka rin namang boyfriend. So why not go out with me?"
Di siya makasagot habang nakatitig sa mga mata nito. He had eyes like Reid's. Both of them had those coal dark eyes. Nakakalunod kapag tumingin. Ang kaibahan lang ay laging nakangiti si Reichen. Habang si Reid naman ay di pa niya nakikitang ngumiti ang mga mata.
"Nakakaabala ba ako sa inyong dalawa?" tanong ni Reid sa kanila.
Biglang binitiwan ni Reichen ang kamay niya. Siya naman ay nagmamadaling ibinalik ang mga gamit sa medicine kit. Matindi ang kabang nararamdaman niya. Drat! Bakit ba di niya naramdaman na darating si Reid?
"Hindi, Kuya. Ginamot lang ni Doc Tamara ang sugat ko," sagot ni Reichen.
"Hindi ba mga kabayo lang ang dapat mong gamutin, Doctor Trinidad?" tanong ni Reid habang matim ang tingin sa kanya. "Reichen is not a horse. Unless you changed your job description recently."
"Nagmagandang-loob lang siya nang makita niyang may sugat ako, Kuya," pagtatanggol sa kanya ni Reichen.
Tinanguan ni Reid ang kapatid. "Dapat ka nang bumalik sa field. Malapit nang matapos ang pivot stomping."
"Thanks, Tamara!" anang si Reichen at parang nananadya pang ginagap ang kamay niya. "Iyong date natin, ha?"
"Babalik na ako sa medics area, Sir," pormal niyang paalam dito.
Pinigilan nito ang braso niya. His hold was firm. "I just want to remind you that you are still married to me, Tamara Alleje. Minsan mo nang sinira ang pangalan ko. Reichen is your brother-in-law."
Parang tinadyakan siya sa dibdib sa gusto nitong palabasin. Iniisip nito na nakikipag-flirt siya kay Reichen. "Hindi ko nakakalimutan na kasal tayo," sabi niya habang tuwid ang tingin. She didn't dare to look into his eyes.
Inilapit nito ang labi sa tainga niya. "Then stop messing up with him."
Nang bitiwan siya nito ay nanlambot siya sa sobrang sama ng loob. He was worse than she thought. Basura ang tingin nito sa kanya. Paano nitong naisip na nakikipag-flirt siya sa sarili nitong kapatid?
"Why are you doing this to me, Reid?" naluluha niyang tanong nang makalayo na ito sa kanya. He had no right to make her feel that way.