Chapter 431 - Chapter 20

"What a lovely couple. Bagay silang dalawa."

"That bitch! Bakit siya ang piniling ka-date ni Reid?"

Hati ang reaksiyon ng mga tao nang dumating sila ni Reid sa launching ng Stallion Shampoo and Conditioner Raffle. Ang iba ay humahanga sa kanila. She looked dazzling in that embroidered black lacey gown that Reid made for her. Pero iyon din ang dahilan kung bakit matalim ang tingin sa kanya ng ibang babae. Most of the single lady guests were not happy to see her in Reid Alleje's arms.

"Reid, akala ko kondisyon mo lang sa akin na pumunta ako sa launching. Hindi mo sinabi na ako ang ka-date mo," mariin niyang bulong kay Reid habang nagkikislapan ang mga camera habang naglalakad sila papunta sa table.

"Ano namang silbi kung basta ka na lang pupunta sa party? Pupunta ka naman kahit di kita utusan. And I don't have a date."

"I can feel the women's murderous glare at me." If looks could kill, malamang ay kanina pa siya tumumba habang bumubula ang bibig.

"Masanay ka na. You are my wife after all."

"Ano pa kaya ang mangyayari oras na malaman nilang asawa mo ako? I am sure pagtutulung-tulungan nila akong ipakain sa Taal Volcano."

"As long as you are Alleje, I will protect you."

Tiningala niya ito. "Paano kung annulled na ang kasal natin?"

"I will feed you to the volcano myself."

Iingusan sana niya ito subalit nilapitan na sila ni Neiji Villaranza. He was the man behind the success of Stallion Shampoo and Conditioner. Miyembro ito ng Stallion Riding Club at isa sa malalapit na kaibigan ni Reid.

"I never thought that you'd bring the lady vet as your date."

"Ayoko nang maulit ang nangyari nang nakaraang party. Kinailangan kong tumakas sa party para di ako guluhin ng mga babae," may disgustong sabi ni Reid.

 "At kahit sino mai-insecure sa ka-date mo." Nakangiting tumingin sa kanya si Neiji. "You look dazzling, Doctor Trinidad."

She bowed a little. "Thank you."

"You are married. So stop ogling her!" saway ni Reid. Possessive ang naging paghawak ni Reid sa kamay niya. Gusto siyang protektahan.

Humalakhak si Neiji. "I am just admiring her. Kaya naman pala ayaw mong pumayag na maging prize date ng mananalo sa raffle."

"Because the price is not right!" katwiran ni Reid.

Kasama sa premyo ng raffle ang dream date kung saan may pagkakataon ang isang babae na manalo ng date sa isa sa mga riding club members. Mae-experience din nito na mamasyal sa Stallion Riding Club at tratuhing prinsesa.

"Magkano ba ang talent fee niya?" tanong niya.

"Walang bayad. Kaya yumayaman ang lalaking iyan dahil barat."

Natawa na naman si Neiji. "That's what friends are for."

"Ibang kaibigan mo siguro naaabuso mo pero hindi ako," wika ni Reid.

"That's Reid Alleje. Everything has a price."

Oh, yes. She knew that. Lahat ay gagawin nito para sa pera. He married her for money. Pero masaya ba ito ngayong naabot na nito ang mga pangarap nito? Worth it ba ang lahat ng sakripisyo nito para maisakaturapan ang plano nito?

"Reid!" tuwang-tuwang sabi ni April at kumapit sa braso ni Reid.

"This is trouble!" narinig niyang bulong ni Reid.

"Good evening, Doctor Trinidad."

Malamya siyang ngumiti. "Hello!"

Nagulat si April nang makitang nakahawak sa braso niya ang isang kamay ni Reid. Sa halip na lumayo ay lalo itong dumikit kay Reid. "Magsayaw naman tayo. The music is nice. I am in the mood for dancing."

"Iba na lang ang yayain mong sumayaw. Do you want me to call Reichen?"

Lumabi si April. "Hindi siya ang gusto kong kasayaw kundi ikaw."

"I have my date with me," mariing wika ni Reid.

"Si Doctor Trinidad lang naman. I am sure she won't mind."

Tinapik niya ang kamay ni Reid. Mukhang di nito basta-basta maitataboy si April sa kabila ng presensiya niya. "Sige na. Isayaw mo na siya."

"Tamara!" anitong puno ng pagtutol sa boses.

"Sayaw lang naman, hindi ba? There is no harm with just a dance."

Nakita niya ang matinding iritasyon sa mga mata nito. Ayaw nitong gawan ng kahit anong pabor si April. Malaki nga naman ang kasalanan ng babae dito. Subalit gusto lang naman niya na makapag-usap nang maayos ang mga ito. Siguro sa pagkakataong ito ay mas maayos na masasabi ni April ang nararamdaman nito.

She knew that Reid was not a hard man. He would eventually forgive April. Kung si Mang Pilo nga ay ilang beses nitong pinagbigyan, ganoon din siguro si April.

Huminga nang malalim si Reid. "Just one dance."

"Just one dance," paniniyak ni April.

Bumitiw siya sa pagkakahawak ni Reid. "Of you go! Sayang ang music."

Ilang sandali siyang tinitigan ni Reid. "I will charge this to you, Doctor Trinidad. You owe this one to me." Pinagbigyan nito si April dahil sa kanya.

"O! Bakit hinayaan mong isayaw ni Sir Reid si April?" tanong ni Celeste.

"Ako mismo ang nagsabi na isayaw niya," sagot niya.

"You don't mind? Paano kung agawin ni April si Reid sa iyo?"

Nagkibit-balikat siya. "April told me that it's just a dance. Kung may kasunod pa iyon, bahala na sila."

Subalit di siya makadama ng kahit kaunting pagseselos. Natutuwa nga siya dahil mukhang maayos ang pag-uusap ng dalawa habang nagsasayaw. Reid was not treating April coldly. Subalit sa palagay niya ay di rin naman ito nagpapaakit kay April. Kaya nga malaki ang tiwala niya kay Reid.

"Ibang klase ka rin. Nagpapamigay ng date."

"Kung gusto mo isayaw mo rin si Reid. I won't mind," sabi niya.

"Huwag na. Baka sakalin mo pa ako habang natutulog ako."

Maya maya pa ay natapos na ang tugtog. Ibinalik ni Reid si April sa table nito bago siya balikan. "How's the dance?"

"I didn't shove her away, right? I guess it went well. At hindi na ako papayag na makipagsayaw sa iba kahit na makiusap ka pa."

"Anong sinabi sa iyo ni April?" usisa niya.

"That she loves me. And she'll win me back. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ako ang lalaki para sa kanya. Can I tell her about us so she'll stop following me?" iritado nitong wika.

"So impatient. Di naman ako selosa. As a matter of fact, I promised half of the women in the party to dance with you. Lahat yata sila magko-confide ng undying love and affection nila sa iyo."

"Go ahead. At madadagdagan ang utang mo sa akin."

Tumigil ang tugtog at tumayo ang host sa stage. "Now, a time for lovers."

"Ano daw?" tanong niya.

Kasunod niyon ay nagdilim ang paligid. Brown out ba?

Natensiyon siya at hinagilap ang kamay ni Reid. "Reid…"

"I am here," he said in a rasp voice. Parang napakalapit nito sa kanya. Yes, his face was so near; she could almost feel his warm breath.

Bago pa siya magtanong kung ano ang nangyayari ay lumapat ang labi nito sa kanya.

Related Books

Popular novel hashtag