Wala pang alas sais ng gabi ay nasa labas na ng opisina ni Reid si Tamara. She was fuming over what he did to April. Di niya palalagpasin ang treatment nito. Tuturuan niya si Reid Alleje ng tamang pagharap sa isang babae.
Tumayo siya nang bumukas ang pinto. Isang lalaki ang nakita niyang nasa loob ng opisina nito na halos manikluhod na kay Reid. "Sir, maawa na po kayo sa akin. Maawa po kayo sa pamilya ko. Sino na po ang bubuhay sa amin? May sakit pa po ang anak kong bunso sa ospital."
"My decision is final, Mang Poldo. Ipinahanda ko na ang huli ninyong sweldo. Pwede na ninyong daanan sa Accounting department," anang si Reid sa malamig na boses. Hinintay niya na magkaroon man lang ito ng kaunting konsiderasyon sa nagmamakaawang lalaki pero nanatiling malamig ang mga mata nito.
"Parang awa na ninyo, Sir," hirit pa muli ni Mang Poldo.
"Huwag na po kayong magpilit," anang sekretarya ni Reid. "Baka lalo pang magalit si Sir sa inyo." At inilabas ang lalaki.
"Doctor Trinidad, you're next," wika ni Reid at umupo sa desk nito.
Di maipinta ang mukha niya nang pumasok sa opisina nito at mariing isinara ang pinto. "Anong nangyari doon?"
"It is none of your affair," he said in a cold voice. "Tapos mo na ba ang initial impression mo tungkol sa cloning project?"
"Matapos mong tanggalin ang isang tauhan mo, naiisip mo pa ang report mo?" di makapaniwala niyang usal.
"I can't dwell on a person alone. I am very busy. I have this huge establishment to run and maintain. Limitado ang oras ko," anito at panaka-nakang sumusulyap sa LCD screen ng computer nito habang nakikipag-usap sa kanya.
"Reid, that person is practically begging. Nasa ospital ang anak niya habang siya langang nagtatrabaho sa pamilya niya. Sana nagkaroon ka man lang ng kaunting konsiderasyon."
"It is a decision that I have to make." There was finality in his tone. At mukhang wala nang sinuman ang makakabago pa.
Huminga siya nang malalim at nagbilang ng sampu para kalmahin ang sarili. "Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa iyon."
"Doctor Trinidad, it is not in your hands. Lahat naman ng empleyado dito iniisip ko ang pamilya. Lahat sila may binubuhay. Pero may limitasyon ang lahat."
Namaywang siya. Kahit ano pang sabihin nito, di pa rin niya matanggap na hinalis nito sa trabaho ang isang taong nangangailangan sa buhay. "Wala ka ba talagang puso? How could you be so heartless over this?"
Di ito kumibo subalit nanatili lang sa pagkakatitig sa kanya. Parang nang-iinis pa ito. Ni wala man lang ekspresyon sa mukha nito. Sinasabi ng mga mata nito na wala itong pakialam sa opinion niya at wala itong dapat na ipaliwanag.
She gnashed her teeth. "Ganyan ka ba talaga, Reid Alleje? Wala ka ba talagang pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid mo? Look what you've done to April. Matapos mo siyang paasahin, itatapon mo na lang na parang basahin. Is that the right way to treat a person who gives importance to you?"
She saw a flicker of fire in his eyes. Subalit saglit lang iyon. Agad iyong napawi dahil nagmistula na namang yelo ang mga mata nito.
"Kung hindi mo ipapasa ang report mo ngayon, make sure to submit it tomorrow morning. Dagdagan mo na rin dahil mas marami ka nang oras para magbasa," pormal nitong sabi at itinutok ang mga mata sa computer nito. "I will see tomorrow, Doctor Trinidad."
She wanted to roar and scratch his face. He was unfeeling! The most unfeeling man on earth. Padabog niyang inilapag sa harapan nito ang report niya. "That's your precious report. Maging masaya ka sana habang nasasaktan ang mga ibang tao dahil sa iyo."
Pabalabag niyang isinara ang pinto ng opisina nito paglabas niya. She was mad. Raving mad. Marami pa siyang gustong sabihin dito pero parang wala namang epekto. O sadyang wala lang itong pakialam sa ibang tao.
Iyon ba ang tunay na mukha ni Reid Alleje? Hindi lang ito malamig sa ibang tao. Wala rin itong pakialam sa pangangailangan at nararamdaman ng iba.
Isang halimaw ba ang pinakasalan niya?
TAMARA was picking on her dinner. Hanggang ngayon ay di pa rin mawala sa isip niya ang huli nilang pagtatalo ni Reid. Paano nakakatagal ang mga tao sa paligid nito sa pagiging insensitive nito? Noon lang siya nakakita ng lalaki na talagang walang pakialam sa ibang tao. Wala itong awa. Palibhasa ay parang hari ito kung tratuhin ng mga tao sa paligid nito kaya wala itong compassion sa nakakababa dito.
"Bakit wala kang ganang kumain? Hindi mo ba nagustuhan ang in-order mo? Bago iyan sa menu ni Chef Gino," untag sa kanya ni Celeste. Dapat ay sa Rider's Verandah sila kakain ng hapunan. Subalit dahil wala siyang gana na lumabas.
"Masarap naman siya. Kaso may iniisip lang ako."
"Sa akin na lang kung ayaw mo," anito at kinuha ang plato niya. "Sa dami ng nagugutom at naghihirap na tao sa mundo, mahirap magsayang ng pagkain."
"Oo nga. Naisip ko tuloy si Mang Pilo."
"Sino? Iyong tauhan sa stable na tinanggal ni Reid kanina?"
Tumango siya. "Siya lang pala ang naghahanap-buhay sa pamilya niya. May sakit pa ang bunso niyang anak. Tapos wala pa siyang trabaho. Kawawa naman ang pamilya niya. Ano na ang mangyayari sa kanila?"
"Kawawa talaga ang pamilya niya. Ikaw ba naman ang magkaroon ng iresponsableng padre de pamilya tulad ni Mang Pilo. Lasenggo na, sugarol pa. Mamalasin ka talaga sa buhay."
"Ano? Sugarol at lasenggo si Mang Pilo?"
"Matagal na!" anito at sumubo ng lettuce rice. "Inuubos niya ang sweldo niya sa pagsusugal at paglalasing. Wala siyang pakialam kung wala mang matira sa pamilya niya. Ang mahalaga sa kanya may pantustos siya sa bisyo niya."
"Pero nakita ko siyang nagmamakaawa kanina kay Reid. Baka naman nagbago na siya. Sabi niya kailangan daw niya ng trabaho para sa anak niya."
Tumawa ito ng pagak. "Drama lang niya iyon. Ilang beses na siyang nahuli ni Reid na naglalasing sa oras ng trabaho. Ayaw ni Reid sa lahat iyong pabaya sa trabaho. Ilang beses na siyang nakiusap at pinagbigyan. Sabi niya magbabago na siya para sa pamilya niya. Ganoon pa rin. Naglalasing pa rin. Ni di nga niya mabilhan ng gamot at pambayad sa ospital ang asawa niya."
Kung ganoon ay sobra-sobra na pala ang konsiderasyon ni Reid dito. "Bakit ngayon tuluyan na siyang natanggal sa trabaho?"
"Napuno na si Sir Reid. Di nilinis ni Mang Pilo ang stable na dapat ay lilinisin niya. Nag-inom lang pala siya doon. Buti na-check ng stable manager ang mga basag na bote sa stable. Kundi baka napahamak ang kabayo na nandoon. Pati si Sir Reid, mapapahamak," kwento nito.
"Oo nga naman. Ingat na ingat pa mandin si Reid sa pangalan niya." Kaya naman pala wala na itong kahit anong konsiderasyon na ibinigay kay Mang Pilo. Si Mang Pilo mismo ang umubos sa pagkakataong ibinigay dito.
"Pero mabait pa rin si Sir Reid. Siya ang gumastos sa pampa-ospital at gamot ni Mang Pilo. Kaya nga sobra ang pasasalamat ng asawa ni Mang Pilo sa kanya. Ngayong wala na si Mang Pilo sa trabaho, ang alam ko kukuha ng private nurse si Sir Reid para sa bata. Ang asawa naman ni Mang Pilo ang bibigyan niya ng trabaho dito sa riding club."
Siya naman ang nakonsensiya. Sa dami ng masasamang akusasyon na sinabi niya kay Reid, hindi nito deserve ang karamihan doon. Ito pa pala ang nagbibigay at sobra-sobra ang konsiderasyon. Ginagawa lang nito ang makabubuti sa lahat.