IBINABABAD ni Tamara sa yelo ang paa ng isa sa mga kabayo. It was Emrei Rafiq's horse. Nagkaroon ng bowed tendon sa pang-ibabang binti ng kabayo matapos itong gamitin sa paglalaro ng polo. Kailangan niyang asikasuhin agad bago lumala. Iyon kasi ang tanging kabayong kasundo ng pinsan ni Reid sa paglalaro ng polo.
"Felix, tulungan mo ako sa paglalagay ng padding," utos niya sa assistant niya habang ang isa naman ay pinipigilan ang kabayong si Spitfire. Kung di maagapan ang bowed tendon ay maaring maapektuhan ang performance ng kabayo at maari ring di na makapaglaro pang muli.
"Ma'am, si Sir Reid po," untag sa kanya ng isa pa niyang assistant na si Mon.
Nang lumingon siya ay nakatayo sa di kalayuan si Reid at nanonood sa kanila. Kaya pala kanina pa niya nararamdaman na may nakatingin sa kanila. Di lang niya pinapansin dahil naka-concentrate siya sa trabaho. "May kailangan kayo, Sir?"
"Tinitingnan ko lang kung maayos ang trabaho mo," anito at nakahalukipkip na lumapit sa kanya.
Di niya maiwasang sumimangot. Habang iniiwasan kasi niya si Reid ay lagi naman itong nakasunod sa bawat galaw niya. Parang sinasadya nitong ipaalala sa kanya ang halik na pinagsaluhan nila.
"Wala po kaming problema kay Doc Tamara, Sir," masiglang sagot ni Felix. "Napakasipag po sa trabaho. Kahit na di kumakain minsan magawa lang ang trabaho. Di lang siya masipag, maganda pa. At mabait pa."
"May gusto ka ba kay Doctor Trinidad?" pormal na tanong ni Reid.
Tiningala niya ito. "Reid!"
"Kahit naman po sino magkakagusto kay Doctora," sagot ni Felix.
"Ulitin mo nga ang sinabi mo!" bulyaw ni Reid na ikinagulat niya. Maging ang kabayo ay pumiglas at humalinghing sa sobrang gulat.
"W-Wala po akong sinabi," nahihintatakutang sabi ni Felix.
Tumayo siya at nagpunas ng kamay. "Felix, ikaw na ang mag-take over. Lalagyan mo lang naman ito ng elastic bandage. Kaya mo na ba?"
"Y-Yes, Doc," anito at di man lang nagawang tumingin sa kanya.
Hinatak niya si Reid palayo na hanggang ngayon ay matalim pa rin ang tingin kay Felix. "Bakit mo naman sinigawan iyong tao?"
"Sino ang di magagalit? May gusto siya sa asawa ko. Anong gusto mo? Matuwa na lang ako? Saka ang lagkit-lagkit ng tingin sa iyo."
Humalukipkip siya. "So?"
"You are my wife. Hindi ako papayag na may ibang lalaki na umaaligid sa iyo habang kasal pa tayong dalawa," anito sa mataas na boses.
"Shhh!" saway niya. "Baka may makarinig sa iyo."
"I don't care. Mabuti nga iyon para malaman ng lahat ng lalaki dito na asawa kita. Di na kita kailangang bantayan maya't maya."
"Isa pa iyan. tigil-tigilan mo na ang kasusunod sa akin. And I am doing my job, Mr. Alleje. So get off my back!"
He gave her a haughty smile. "Bakit mo ako itinataboy? Baka nakakalimutan mo na ako ang may-ari nitong riding club. Kaya kahit na sundan pa kita, wala ka namang magagawa. Karapatan ko iyon."
Tinalikuran niya ito. "Oo na. Hari ka na dito."
"You can't leave yet. Di pa ako tapos sa iyo."
"Whatever, Your Highness!" Di niya maintindihan kung sadyang irrational lang ito o nagpo-power tripping. At wala siyang oras dito.
"Reid, nandito ka lang pala! I miss you!" a woman said in a shrill voice.
Tumigil siya sa paglalakad at lumingon. Isang babae ang nakayakap kay Reid. And she recognized the face right away. It was April Princess Uy, his fiancée.
"April, ano bang ginagawa mo?" tanong ni Reid habang pilit na kumakawala.
"I miss you! Hindi mo ba ako nami-miss?" anang babae at lalo pang yumakap. "Hindi ka ba natutuwa na nakabalik na ako galing sa Singapore."
"Ano ka ba? Nakakahiya!" angal ni Reid at nagsalubong ang tingin nila.
Tinaasan niya ito ng kilay at humalukipkip. Naghahamon. Kanina lang ay galit na galit ito sa kanya pagkatapos heto at nagpapayakap ito sa ibang babae.
"Tamara! Doc Tamara!" tawag ni Reid sa kanya at itinaas ang kamay. Parang humihingi ito ng saklolo.
Inirapan niya ito at naglakad palayo. "Babalik na ako sa trabaho, Sir."
"Sa wakas masosolo na rin kita!" anang si April.
Mariin siyang pumikit. Nanunuot kasi sa pandinig sa kanya ang masayang tawa ni April. Wala daw relasyon ang mga ito. Bakit parang pag-aari ni April si Reid kung makayakap ito? Siya lang ang may karapatan dito kung tutuusin. Siya lang.
BITBIT ang bagong research sa horse cloning mula sa Al Ishaq Biotechnology Research Center ay nagtungo si Tamara sa Lakeside Café para pag-aralan. Gusto ni Reid na pag-aralan ang horse cloning para sa Stallion Riding Club. Sa kanya nito ibinigay ang responsibilidad. Dagdag trabaho na naman sa kanya.
Hapon noon at mangilan-ngilan lang ang tao sa café. Napansin niya na nasa isang sulok si April at mukhang malungkot. Iiwas sana siya subalit nakita na siya nito. "Hi!" anito at kinawayan siya. "Maki-share ka naman sa akin."
Nag-aalangan man ay lumapit siya dito. "Thank you."
"Don't worry. This is my treat." Bata pa si Princess. Sa palagay niya ay nasa early twenties pa lang ito. Bumalik ang pagiging energetic nito.
"You don't have to."
"Close ako kay Doctor Arsenio. Pero nag-resign na pala siya. So as the riding club's new vet, I also want to have you as my friend."
Alanganin siyang ngumiti. Ngayon niya naramdaman ang pagkailang bilang asawa na nakaharap ang girlfriend ng asawa niya. Di siya mapakali.
"Hinihintay mo ba si Sir Reid?" tanong niya.
Lumungkot ang anyo nito. "Hindi. Ayaw niya akong makita.Galit siya sa akin."
"Parang di ka na nasanay sa kasungitan niya." She looked so fragile. Kaya siguro kahit na konting galit lang ni Reid ay apektado na io. Di pa rin ito sanay sa kasungitan ng asawa niya.
"Ikaw, hindi ka ba natatakot sa kanya?"
"Bakit naman ako matatakot sa kanya? Si Reid Alleje lang siya," matapang niyang sabi. Si Reid nga ang dapat na matakot sa kanya.
"Really? You are not afraid of me, Doctor Trinidad."
Nakagat niya ang labi at dahan-dahang lumingon kay Reid. He was standing at her back while glowering at her. "Hi, Sir!" malambing niyang bati.
Kay April lumipat ang tingin nito. "Why do you keep on following her around?"
Yumuko si April. "I-I am sorry, Reid."
"Hindi ka niya sinusundan. Nauna siyang dumating dito," depensa niya.
"She knows that I will be here."
Maluha-luhang inangat ni April ang mga mata. "I just want to see you, Reid. Wala naman akong ibang gagawin. Hayaan mo lang akong makita ka."
"I said stop following me around. Or iba-ban kita sa riding club,"banta ni Reid.
"Sobra ka naman yata!" Di naman siguro sapat na dahilan ang lover's pat ng mga ito para I-ban si April.
"Nabasa mo na ba ang research mula sa Al Ishaq?" sa halip ay tanong nito.
Umiling siya. "Babasahin ko pa lang."
"Magbasa ka na. I need your initial report tonight."
"Tonight?" bulalas niya. "Pero…"
Sinulyapan nito ang relo. "Make that six o'clock. You'll face the consequences once you are late." Tapos ay naglakad na ito palayo.
"That tyrant!" ngitngit niya. "Pagpasensiyahan mo na siya."
"Kasalanan ko naman kung bakit ganoon siya."
"Huwag mo nang depensahan ang lalaking iyon. Mali naman na tratuhin ka niya nang ganito. Kung ipagtabuyan ka niya, parang wala kayong pinagsamahan."
"I love Reid. Kahit na magalit pa siya, susuyuin ko siya. Hihintayin ko ang panahon na sabihin niyang mahal din niya ako."