Chapter 423 - Chapter 12

"Ang swerte mo naman, Doc Tamara. Isa ka na sa magiging resident veterinarian ng Stallion Riding Club. Hay! Mapapaligiran ka ng mga pogi," kinikilig na sabi ni Shiela habang inilalagay niya ang maleta sa kotse niya.

Iyon ang araw ng pagpunta niya sa Stallion Riding Club. Matapos ang dalawang linggong notice sa animal welfare group na pinapasukan ay haharap na siya sa bago niyang buhay.

"Maswerte ba iyon? Puro chauvinist at pervert ang mga lalaking makakasama niya. Sobrang higpit pa ng rules," kontra naman ni Sharon Joy na hanggang sa huli ay gustong baguhin ang isip niya sa pagtatrabaho sa riding club. "Ano ba ang naipakain sa iyo ni Reid Alleje at pumayag kang doon pumasok sa riding club niya? I thought you want to travel. Tapos magpapakulong ka sa riding club."

"Gusto ko lang subukan ang ibang trabaho. Kahit naman noong college ako, gusto ko na ring mag-alaga ng mga kabayo. Saka sayang din ang sweldo. Malaki ang offer sa akin ni Reid Alleje. Sayang naman," katwiran niya.

Hindi niya aaminin sa mga ito na pride lang niya ang dahilan kung bakit magtatrabaho siya. She wanted to regain her freedom. Real freedom. It was her pride that made her accept his challenge. Napaka-chauvinist naman talaga ng asawa niya. Wala itong pinakikinggan kundi ang sarili nito. Ito lang ang magaling. Ito lang ang tama. At first, it was fascinating. Pero nitong huli ay nakakairita na.

Inirapan siya ni Sharon Joy. "Basta nagtatampo ako sa iyo."

"Hey! Tatawagan naman kita kapag nandoon na ako."

"Hindi iyon! Mas pinili mo pa ang riding club kaysa sa friendship natin."

"Balat-sibuyas naman nito," anang si Shiela. "I am happy for you, Doc. Sana lang swertehin din akong makapasok sa riding club tulad mo. Sana matupad din ang pangarap mo na maikasal kay Reid Alleje."

"Shhh!" saway niya nang makitang matalim ang tingin ni Sharon Joy.

"Basta huwag na huwag kang mai-in love sa mga lalaki sa riding club lalo na sa Reid Alleje na iyon, ha?" nanlalaki ang matang bilin ni Sharon Joy.

Huminga siya nang malalim habang nagmamaneho patungo sa Stallion Riding Club. Her life would be different from now on. Di siya papasok sa riding club bilang asawa ni Reid Alleje kundi bilang resident veterinarian nito. Isang tauhan.

As his wife, she had all the freedom in the world. Makakapunta siya kahit saan niya gusto. Subalit malayo naman siya kay Reid Alleje.

Pero ngayong malapit na siya sa asawa, magiging empleyado na lang siya nito. And she would be giving up some of the privileges in life. Pansamantalang mawawala sa kanya ang kalayaan niya. She had to comply with his rules.

Subalit oras na matapos na niya ang pagbabayad-utang niya, tuluyan na siyang magiging malaya. Makikita ng Reid Alleje na iyan! Di na niya ito titingnan kahit kailan oras na maghiwalay sila.

Tumuloy siya sa private office ni Reid nang dumating siya sa riding club. Nagulat pa ito nang makita siya. "Nandito ka na agad?"

"Hindi ba maganda na maaga ako?" She had to be there for the meeting. Ipapakilala siya nito sa elite members ng riding club.

"Pero nang tawagan ko si Pablo kanina, palabas pa lang siya ng expressway para sunduin ka."

"Bakit mo pa ako ipapasundo? May kotse naman ako."

"Why not? Ipakuha na lang natin ang kotse mo sa tao ko. Hindi mo ako dapat na pinangungunahan."

Iniikot niya ang mga mata. "Abala lang ang iniisip mo."

"Gusto ko lang tiyakin na hindi ka tatakas."

"Bakit ako tatakas? I am the one who wants an annulment, remember?"

"Paano kung madisgrasya ka ulit?"

Ibinuka niya ang mga kamay. "I am perfectly safe." Di lang nito maamin na nag-aalala talaga ito sa kanya. "Thanks for caring."

Inalalayan siya nito sa braso. "Pwede na siguro nating simulan ang meeting. Parating na ang mga members sa conference room," pormal na wika nito. Ni di man lang ngumiti sa kanya o nag-you're welcome sa thank you niya.

Pagdating sa conference room ay natahimik ang mga miyembro ng riding club na nandoon. Kasama din doon ang sina Rolf at Reichen. Lahat ng mga lalaking naroon ay gulat na gulat nang makita siya. Karamihan sa mga ito ay kilala niya sa mukha at pangalan dahil kasama ang mga ito sa commercial.

"Ah, anong ginagawa ng feminist na iyan dito?" bulalas ni Crawford Oreña na isang TV host at itinuro siya. Magkahalo ang takot at disgusto sa mukha ng mga ito.

"Feminist siya?" tanong ni Rolf na di makapaniwala.

"Iyong tinamaan ng bato diyan sa labas ng riding club habang may rally?" sunod na tanong naman ni Reichen. "Anong ginagawa niya dito?"

"Everyone, this is Doctor Tamara Trinidad, our new resident veterinarian," pagpapakilala sa kanya ni Reid.

Umulan ng protesta sa loob ng conference room. Kung dati ay kuntodo sa pagpapa-cute ang mga ito para I-date siya, ngayon ay parang gusto ng mga ito na ihagis siya sa labas ng riding club. She was not welcome at the riding club. Mukhang allergic nga ang mga ito sa mga babaeng feminist.

"Baka dito siya mag-rally at kuhanin pa niyang miyembro ang mga ka-date natin," anang si Eiji.

"Oh, man! Baka makumbinsi niya ang mga babae na gawin tayong under," sabi naman ni Rolf. "That's big trouble."

Tumayo si Reichen. Dati ay palangiti ito pero ngayon ay di maipinta ang  mukha nito. "Hindi ko matatanggap na makakapasok dito ang babae na tumawag sa akin ng demonyo."

"Devilishly handsome naman ang sinabi ko," nakangiti niyang wika. Subalit nawala ang ngiti niya nang nanatili itong nakasimangot. Kapatid nga ito ni Reid.

"She's a woman. How can she handle the horses?" tanong ni Beiron. He was a son of an oil sheikh. Main business din nito ang horse breeding. And as expected, he was also chauvinistic like the rest.

"She has nice credentials," Reid said coolly. "She graduated in a reputable veterinarian school in States. Nakapagtrabaho na rin siya sa rancho bago siya magtrabaho bilang wildlife conservationist. I think she will be an asset to the company. Magre-resign na si Doctor Arsenio next month. Siya ang papalit. Mas mahihirap pang project ang kinaharap niya sa trabaho niya. Madali lang daw para sa kanya ang trabaho dito sa riding club."

Gusto niyang sikuhin si Reid. He was showering her with high praises. Parang isinusubo siya nito sa gulo. Tiyak na tataas ang expectations sa kanya ng iba. Sa halip na makatulong ay baka makasama pa.

"Baka mamaya I-sabotage niya tayo," anang si Beiron na di pa rin sumusuko.

"Kahit kailan di ko ugaling magpahamak ng kapwa ko o manira ng kahit ano," taas-noo niyang sabi. "I pledged to save lives."

Nagbababala siyang nilingon ni Reid. "And she knows that there is a high price if she messes things up." Ayon sa kasunduan nila ni Reid, di siya makakalabas pa ng riding club at magiging alipin doon habambuhay pag di siya nakabawi. Natural na di siya papayag na mangyari iyon. He couldn't detain her forever.

"Hindi pa rin ako pabor sa kanya," anang si Reichen na di sumusuko.

"I am expecting that you give her proper treatment. She is now a part of the Stallion Riding Club family," deklara ni Reid.

Nag-ungulan ang lahat. "Bro, you are really nuts!" di mapigilang bulalas ni Reichen. Palibhasa ay kapatid ito kaya malakas ang loob magsalita. "Amazons like her rallying outside the riding club is one thing. Having her here is another."

"Kinukwestiyon mo ba ang desisyon ko?" pagalit na tanong ni Reid.

"Hindi," anang si Reichen at umiwas ng tingin. "Wala naman kaming magagawa, hindi ba? Pero sana ikaw rin ang Reid na kilala namin. Di ko pa rin maintindihan kung bakit mo siya iha-hire."

"Test her capabilities if you don't trust my judgment," hamon ni Reid.

"Of course we will do that," Beiron said with a smile. "I don't know what she did to you. But this is our haven. We won't allow her to ruin it."

Lahat ay sumang-ayon sa sinabi nito. Parang may maitim na ulap na naiipon sa ibabaw ng ulo niya. It was war against the Stallion Riding Club members.