"THIS is the perfect place to relax. Don't you think so, Tamara?" tanong ni Doctor Celeste, ang resident physician ng riding club. Noong una, akala niya ay nag-iisa lang siyang babaeng doktor doon. Ang pagkakaiba lang ay tao ang hina-handle nito habang mga kabayo naman ang ginagamot niya.
Nasa Lakeside Café sila at nagla-lunch. Buong umaga ay binigyan siya ng tour ni Reid. Nang magla-lunch na ay iniwan siya nito kay Celeste. The physician was really nice. Ito rin ang makakasama niya sa worker's lodge kung saan siya tutuloy.
Yes, the Lakeside Café was really perfect. Nakakalimutan niyang isa siyang alipin ni Reid Alleje sa riding club kapag nasa lugar na iyon. Inikot niya ang tingin pero di na perfect pa ang lugar nang makita niya ang mga babaeng nakasimangot habang matalim ang tingin sa kanya. Parang kakainin siya nang buhay.
"Makakapag-relax pa rin ba ako habang ganyan ang tingin nila sa akin?" tanong niya habang alanganin ang ngiti.
Sinulyapan din ni Celeste ang mga babae pero ibinalik ang tingin sa kinakain. "Don't mind them. Insecure lang sila. Reid handpicked you for the job. Samantalang sila di makalapit."
"Bakit naman di sila makalapit kay Reichen?"
Hinalo nito ng straw ang summer shake bago sinipsip. "I must say that Reid is cold. It must be tough handling a riding club this big. At kailangan din niyang pasunurin ang mga members niya. Kahit na gusto pa siya ng mga babae dito, isang tingin lang niya di na sila makapagsalita."
"Yes, he is cold. Pero di naman siya nakakatakot."
Natawa si Celeste. "Napansin ko nga. Parang normal ka lang kapag kasama mo siya. Si Reichen nga takot sa kanya. Kapatid na niya iyon. Pero ikaw…"
"Bakit naman ako matatakot sa kanya?" kumunot ang noo niya. "He is annoying. Akala mo kung sinong hari."
"Well, he is the king of the riding club."
"I don't care! Basta naiinis ako sa kanya."
"Cellphone mo yata ang nagri-ring," untag ni Celeste sa kanya.
Sinagot niya iyon. "Hello!"
"Doc Tamara, si Kris po ito sa stable. Kailangan po kayo dito. Isa sa mga kabayo ang may deep laceration. Di tumitigil sa pagdudugo ang sugat."
"Nasaan si Doctor Arsenio?" Ito ang naka-duty na veterinarian nang mga oras na iyon.
"May emergency daw po sa kanila kaya kayo po muna ang bahala. Day off din po ngayon ng assistant veterinarian. Nag-aalala na po kami dahil baka lumala pa ang kondisyon ng kabayo."
"Sige. Papunta na ako diyan," aniya at kinuha ang bag.
"O, anong nangyari?" tanong ni Celeste nang mapansin ang pag-alala sa mukha niya.
"Kailangan kong pumunta sa stable. Isa sa mga kabayo ang di tumitigil sa pagdudugo ang sugat. It must be a deep laceration and it might need stitches."
"Pero hindi pa naman simula ng duty mo ngayon. Orientation mo pa lang. wala ka ngang dapat gawin mamaya kundi ang magpahinga at mag-empake."
"Mamaya na lang siguro. Wala kasi si Doctor Arsenio." Humalik siya sa pisngi nito. "Magkita na lang tayo mamaya."
Nang dumating siya sa stable ay nakabantay doon ang isa sa mga miyembro. She recognized him as Eneru. "Akala ko hihintayin mo pang maubusan ng dugo ang kabayo ko bago ka dumating."
"Don't worry, Sir. We will make sure that he will stay alive after this." Binalingan niya ang stable boy na nakaantabay doon. "Kumuha ka ng tubig," utos niya. Mabuti na lang at di pa niya inaalis ang kit sa sasakyan niya kaya dala niya iyon hanggang sa stable.
"What will you do with my horse?" Eneru asked.
"Relax. Why don't you go to the café first?" Nape-pressure siya kapag may mga matang nakatitig sa kanya. Parang hinihintay na magkamali siya. Obviously, he didn't trust her.
"No. I want to make sure that you won't ruin a good horseflesh."
Itinikom na lang niya ang bibig kaysa makipagtalo dito. May kalaliman ang sugat. "I don't think it needs stitches. The wound is not that deep."
"Hindi mo tatahiin ang sugat niya? It was bleeding profusely a while ago, Doctor Trinidad. Sigurado ka na di na lalala ang kondisyon niya."
Tumango siya. "Of course. Kailangan ko lang iyang lagyan ng gamot at gauze. Don't worry. I don't think the wound will damage its performance. Kailangan lang niya ng ilang araw na pahinga."
Bahagya itong kumalma nang makitang di na nagdudugo pa ang sugat. Maingat niya iyong nilagyan ng gamot at ng gasa.
Hinaplos ni Eneru ang leeg ng kabayo nito. "Tatawagan kita kapag lumala ang kondisyon niya. But for now, I will take your word that he is safe."
Nagkibit-balikat siya. Wala siyang pakialam kung mainit ang dugo nito sa kanya o wala itong tiwala. Basta ginawa niya ang trabaho niya.
"Thank you, Doctor Trinidad," pahabol ni Eneru nang paalis na siya ng stable. "It Jhunnica's favorite horse. Ayokong malungkot siya kapag may nangyaring hindi maganda sa paborito niyang kabayo."
Ngumiti siya at tumango. No wonder he was jittery. Babae pala ang dahilan.
Maya maya ay nag-ring na naman ang cellphone niya. "Doctor Trinidad, this is Reichen Alleje. I have a problem with my horse. Ayaw niyang uminom ng gamot. Perhaps you can help me."
Bumuntong-hininga siya. Di ba nito kayang mag-isa? Ang alam niya ay kayang-kaya nitong magpasunod sa mga kabayo dahil nag-aral ito sa Spanish Riding School noong fifteen ito. "Okay. I am coming. Where are you at the moment?"
"At my stable. And oh, yes! May isa rin akong mare na ayaw kumain o uminom. Perhaps you can check on her as well."
She gritted her teeth. She was starting to see the whole picture. It would be a very long day for her.