MALAKAS na malakas ang kaba sa dibdib ni Tamara habang nakasakay sa kotse ni Reid. Sa halip na ipasyal sa mga atraksiyon ng riding club ay ibinalik nito ang sasakyan sa villa. Pagdating ng grand villa ay nagkulong sila sa library.
Madilim na madilim ang anyo nito habang nakatitig sa kanya. "Sinong may sabi sa iyo na pwede kang umalis sa villa nang walang permiso ko?"
"Sorry. Nainip ako. Pero babalik din naman ako agad."
"I told you that I would tour you around. Bakit di ka makapaghintay?"
Napapikit siya nang tumaas ang boses nito. "Kasi kahapon mo pa ako pinaghihintay. Di ka nagpakita sa dinner. Tapos buong umaga rin kanina akong nakatunganga. Nasasayang lang ang oras ko."
"So you took the liberty of showing your self around?"
"Hindi naman ako nagtagal. Pabalik na ako nang makita mo."
"Look what you've done. It is not advisable for unescorted women to roam around the place unescorted," he emphasized.
"Hindi ko naman alam," aniya at iniwas ang tingin dito.
"Nakita mo tuloy. Muntik nang maglaban ang dalawa dahil sa iyo."
"Hindi naman ako makikipag-date sa kanila."
"Kung di ako dumating, hindi sila titigil hangga't di ka namimili sa kanilang dalawa. It is not easy to resist them," he said in a teasing tone.
Naningkit ang mga mata niya. "What do you mean?"
"They are good looking guys. Maraming babae ang nagpapakamatay na maka-date sila. Naisip ko lang na baka may mapili ka."
"Reid, kahit kailan wala akong hilig na makipag-date. Mas gusto ko pang makasama ang isang komodo dragon kaysa ang isang lalaki. And besides, I am a married woman. Kasal ako sa iyo."
Umangat ang gilid ng labi nito. "I am glad you remember that."
Huminga siya nang malalim. This man was starting to get into her nerves. Kung umasta kasi ito ay parang babae siya na basta-basta maaakit sa kahit sinong lalaki. Kung ganoon nga siya, sana noon pa siya nakipag-date sa ibang lalaki.
"Huwag mo akong itulad sa iyo, Mr. Alleje. Hindi ako nangangakong pakasalan ang isang babae kahit na di pa annulled ang kasal."
Kumunot ang noo nito. "Ako? Nanganga ko ng kasal sa iba? Sino?"
"April Princess Uy. Huwag mong sabihin na di mo siya kilala."
"Of course I know her. Pero di ko siya girlfriend. Bakit ko naman siya pakakasalan," katwiran nito.
Ngumisi siya dahil naiinis na siya sa mga palusot nito. "Ibig sabihin sinungaling pala siya. It was all over the papers. Sinabi niya sa press na magpapakasal na kayo. Matagal na daw ninyong plano iyon pero naghintay ka pa daw ng tamang panahon. Kaya siguro nagmukha akong tanga kahihintay sa iyo dahil siya ang kasama mo kagabi at kanina. Namasyal muna siguro kayo."
Itinaas nito ang mga kamay at ibinagsak din sa sobrang frustration sa kanya. "Enough of your accusations! Last month pa nga nang huli ko siyang makita. Trabaho ang inasikaso ko kanina. At di rin kami magpapakasal. Kahit kailan hindi ko siya naging girlfriend. Wala rin akong naging girlfriend habang kasal tayo."
Inirapan niya ito. "You don't have to deny it."
"Mas naniniwala ka pa sa nasa diyaryo kaysa sa akin?"
Tumayo siya at namaywang. "I don't really care about those news on paper. Wala akong pakialam kahit na ilang babae pa ang pangakuan mo ng kasal. Bago mo gawin iyon, ipa-annul muna natin ang kasal natin."
Naiinis na siya sa kabi-kabilang tsismis tungkol dito. Siya ngang asawa nito ay walang claim dito pero hinahayaan naman nito ang kung sinu-sinong babae na angkinin ito. Kung gusto ng mga ito na maging Mrs. Alleje, sa mga ito na lang si Reid. Ayaw na niyang magtago bilang asawa nito.
"So you are really eager to get an annulment, huh? Bakit? May lalaki na bang nag-propose sa iyo na pakakasalan ka?"
"Huwag mo ngang ibalik sa akin iyan. Ikaw itong maraming issue. Mas madaling maayos ang annulment natin, mas maganda."
Ito naman ang humalukipkip. "An annulment isn't that easy to get."
"Bakit? Di naman consummated ang kasal natin."
"Di mo rin naman masasabi na inabandona kita dahil sa sustento ko."
"Na di ko naman ginalaw. Kung inaalala mo ang lupa sa lakeside, pwede mong bilhin. Bahala ka kung paano mo babayaran. Di naman ako nagmamadali. Basta sa akin na ang lake cabin ni mommy. I won't ask anything for you."
"This is not about the money, Tamara. Noon siguro papayag ako na makipaghiwalay sa iyo pero hind na ngayon."
"Bakit? Ano ba ang kaibahan noon at ngayon?"
Mataman siya nitong pinagmasdan. "Malaki ang kasalanan mo sa akin."
Iniwas niya ang tingin. "Wala akong natatandaan."
"Nagprotesta ka kasama ang mga feminist sa harap ng riding club. That is a big blow on my part. You, my own wife, launched a protest against me. Nakita ko sa camera ang placard na hawak mo. Reid Alleje, hari ng mga demonyo."
Lalo siyang di makatingin dito. "Wala akong alam doon."
"You betrayed me!"
"Inosente nga ako doon."
"After making a total fool out of me, you also created chaos at my riding club by disobeying me. Wala ka nang dinala kundi gulo!"
Napakasaklap naman ng kapalaran niya. Nananahimik siya sa mundo pero sa kanya isinisisi ang kasalanan ng sangkatauhan. Para kay Reid Alleje, siya na agad ang may kasalanan. Kahit anong paliwanag niya ay di rin ito makikinig. Isa lang ang malinaw dito. Panggulo lang siya sa buhay nito.
"Oo na. Kasalanan ko na. So why don't you just cooperate? Magpa-annul na tayo para wala ka nang iniisip na responsibilidad."
Hinaklit nito ang braso niya. "I won't let you go. Kailangang mabawi ko ang pangalan ng mga Alleje na dinungisan mo."
Nanlaki ang mata niya. "Sobra ka! Parang napakalaki ng kasalanan ko."
"Hindi pa ba mabigat ang ginawa mo? Kahit di alam ng iba na asawa kita, pakiramdam ko harapan mo akong pinagtaksilan." Inilapit nito ang mukha sa kanya. "So if you want your freedom, you have to work hard for it."
Niyakap niya ang sarili. "Anong gagawin mo sa akin?"
Sabi na nga ba niya't may pagnanasa ito sa kanya. Kung katawan lang naman niya ang hahabulin nito, kahit di na sila magpa-annul pa.
"I am not interested with your body," anitong nabasa ang iniisip niya.
"Wala akong sinasabi," kaila niya at inirapan ito. Walang masamang mangarap.
"Magtatrabaho ka bilang resident veterinarian nitong riding club."
"P-Paano ang trabaho ko?"
"Mag-resign ka. Suswelduhan naman kita. Bumalik ka na lang doon kapag annul na ang kasal natin at tapos na ang trabaho mo dito."
The nerve of this man. Napakadali para dito na sabihing iwan niya ang trabaho niya. Parang hari talaga ito. "Pwede bang iba na lang?"
Umiling ito. "Take it or leave it. You want your freedom, right?"
She started to feel pressure kicking in. This man really unnerved her. Di na ito guwapo sa paningin niya. Gusto pa talaga siya nitong pahirapan dahil lang nasaktan ang pride nito. "Fine. I will work for you. Di ako makakatagal ng isang minuto na isipin na kasal ako sa iyo hanggang ngayon!"
"Good. I will set you free once I am satisfied with your performance. So when will you start for me?"