Chapter 420 - Chapter 9

"MAYA'T maya akong nagdadasal. I hope that lecher won't touch you. I hope that he didn't take advantage of you. Tell me that you are okay, Tamara," pakiusap ni Sharon Joy nang tawagan siya sa cellphone kinagabihan.

Nakatayo siya sa sala habang hinihintay ang pag-uwi ni Reid. Ito lang ang tao sa villa. Ang mga magulang nito ay kasalukuyang nagbabakasyon sa Spain habang ang bunso nitong kapatid na si Reid ay may sarili nitong villa sa riding club.

Alleje's grand villa was a private estate. Di iyon parte ng riding club. Kaya naman tahimik doon. Di tulad sa mismong vicinity ng riding club na maya't maya ay may natatanaw siyang dumadaang sasakyan o kabayo.

"Shaj, Reid is not a pervert. Ang personal nurse ko lang ang kasama ko at ang mga maids. Maghapong nagtrabaho sa riding club si Reid." Ni hindi nga siya tiningnan ng may pagnanasa ni Reid kahit na minsan. Nakakainis!

"Huwag ka pa ring magpapakasiguro. Malay mo samantalahin ka niya mamayang gabi haban natutulog ka. Make sure na naka-lock ang pinto ng kuwarto mo. Baka pasukin ka niyang bigla."

She smiled with the thought. "I should be flattered then. Si Reid Alleje, pantasya ng buong Pilipinas, pinasok ako sa kuwarto ko." Hindi na rin siguro masama. Mag-asawa naman siya. Sa una lang siya tututol.

"Doctor Tamara Trinidad, is that you?" Sharon Joy blurted out. Nai-imagine na niya ang pagkahindik sa mga mata nito. "Don't tell me you are attracted to that brute. He is the king of that sinful place."

Sumandal siya sa hamba ng pinto. "Okay lang magkasala kung siya ang kasama," pabiro niyang wika at humalakhak.

"Is your brain altered or something? Epekto iyan ng tama ng bato sa ulo mo."

Huminga siya nang malalim. "Shaj, the riding club looks like a paradise from up here. Nakaka-in love ang lugar na ito."

"Sige. Ma-in love ka sa riding club basta huwag kay Reid Alleje."

"Hind ako mai-in love sa kanya." Tatlong araw lang siya sa riding club. Sapat na panahon para mabawi niya ang lakas. Pero di pa rin niya nage-get over ang crush niya dito hanggan ngayon. Malas lang niya. Asawa nga niya ito pero sa pangalan lang. Wala rin siyang ipinagkaiba sa mga babaeng nag-iilusyon dito na hanggang tingin lang kapag pinagnanasaan ito.

"Ma'am, ten o'clock na po. Uminom po muna kayo ng gatas at sandwich," untag sa kanya ng  nurse niyang si Maureen.

"Thank you pero busog ako," aniya at tumanaw ulit sa bintana. Kung bakit kasi alas diyes na ay di pa rin umuuwi si Reid.

"Pero hindi po kayo nag-dinner, Ma'am." He cancelled their dinner a while ago. May importante pa daw itong trabaho na tatapusin. Di naman siya makakain nang di ito kasabay. Nawalan na siya ng gana.

"Iwan mo na lang diyan. Kakain din naman ako." Tumakbo siya sa pinto nang marinig ang ugong ng sasakyan sa driveway. Dumating na si Reid. Dali-dali siyang tumakbo sa labas at sinalubong ito paglabas ng kotse. "Good evening!"

"Bakit gising ka pa rin hanggang ngayon?" gulat nitong tanong.

"Hinihintay kita." Iyon naman ang gawain ng asawa.

"Sir, di pa rin po siya kumakain hanggang ngayon," sumbong ni Maureen.

Madilim ang anyo ni Reid nang sulyapan siya at tinanguan ang nurse. "Ako na ang bahala sa kanya, Miss Alcantara." At nagpaalam na sa kanila si Maureen.

"Gusto mo ng kape?" alok niya kay Reid.,

"Kainin mo na lang ang sandwich mo," utos nito. Lumapit naman si Manang Simang dala ang brewed coffee ni Reid.

Sinimulan niyang kainin ang sandwich na iniwan ni Maureen. "Masarap naman pala nga sandwich na gawa ni Maureen."

"Kailangan bang nandito pa ako para kumain ka lang?"

"Gusto ko lang namang makasabay ka." Minsan na lang siya doon ay di pa sila magsasabay.

"Your body needs nourishment. Kagagaling mo lang sa disgrasya. Hindi ko naman dala ang pagkain mo. Dapat alam mo iyan dahil doktor ka."

"How's your day?" she asked instead. Iniwasan niya ang sermon nito.

He sipped the coffee. "Nakausap ko ang mga suspect sa pagbato sa iyo. Nakunan sila sa surveillance camera. Gusto mo bang magsampa ng reklamo?"

"Hindi na siguro kailangan. Safe naman ako."

"Ako na lang ang magpa-file ng case kung ayaw mo. At di na rin sila makakalapit pa sa riding club. They will be banned from the premises."

Natigilan siya sa pagkain. "T-teka. Hindi ba fan mo sila?"

"I abhor violence, Tamara. Kahit dito sa riding club, di ko pinapayagan na magkaroon ng gulo ang mga bisita, members at empleyado ko. I am not lenient to the violators. Nakikita mo naman. Kahit na ano pang protesta ang gawin sa labas ng riding club, nirerespeto ko basta walang gulo."

"Kahit pa demonyo ang tawag nila sa iyo?"

Nagkibit-balikat ito. "It is their opinion. I can't please everybody. Basta huwag silang manggugulo, walang problema sa akin."

Nadagdagan ang paghanga niya dito. He was a man of integrity. Kahit sinong babae ay sasabihing maswerte na maging asawa si Reid Alleje.

"Matulog ka na. It already late," he said in a formal voice.

"Ano… pwede ba ako mamasyal bukas sa riding club?" tanong niya paghatid nito sa kuwarto.

"If you feel better."

"Magaling na ako. Saka maghapon na akong nagpahinga."

Tumango-tango ito. "Good. Hintayin mo ako. Ipapasyal kita bukas."

May ngiti sa labi niya nang isara niya ang pinto ng kuwarto niya. Di lang siya basta makikipag-date sa isang Stallion Boy. She would be dating her husband as well. May isa pang bagay na nagpangiti sa kanya. Di niya ini-lock ang pinto.