"Are you sure about this, Tam? Sasama ka sa lalaking iyon sa makasalanan niyang riding club?" di makapaniwalang tanong ni Sharon Joy habang inaayos niya ang sarili. Hinihintay niya ang pagdating ni Reid dala ang clearance ng doktor.
"Shaj, it is just the Stallion Riding Club. Ano ba namang makasalanan ang sinasabi mo diyan? Hindi na hormones iyan. OA ka na," saway niya dito.
"They spoil women at the riding club."
"And women wanted to be spoiled anyway. Come on! Ni hindi ka pa naman nakakapasok sa riding club. Baka naman tsimis lang ang nariring mo. The riding club is just a place where men can do leisurely things…"
"With women. Alam mo na kung anong ibig sabihin niyon. At sa pagsama sa Reid Alleje na iyan, pinabababa mo ang sarili mo."
Matalim niya itong tiningnan. "Let me make this clear. The Stallion Riding Club is not some sort of prostitution den where they sell women. Kung iyon ang hinahanap mo, nakahilera sa Kamaynilaan ng Maynila ang mga babae at lalaki na nagbebenta ng panandaliang aliw. Sila na lang ang tulungan mo."
Humalukipkip ito. "I thought you are my friend. Kumakampi ka kay Reid."
"He is my friend. Hindi ko pinapababa ang sarili ko sa pagsama sa kanya. He just wants to take care of me. Sa tingin niya responsible siya sa disgrasyang nangyari sa akin dahil nandoon ako sa vicinity ng riding club."
"Kumuha na lang siya ng nurse kung sa palagay niya liable siya. Iyon ang pag-alagain niya. O kaya sampahan natin ng kaso."
Maasim siyang ngumiti. "Kung liability lang naman ang pag-uusapan, baka may iba pang tao na mas liable sa nangyari sa akin."
"Iyong mga namato sa iyo sa rally? Dapat nga silang idemanda."
"Ang alam ko may kaibigan ako na nam-blackmail sa akin para sumama ako sa rally na iyon. Hindi ba liable din siya sa nangyari sa akin."
Bigla itong naluha. "M-Masama ba talaga ako dahil ipinahamak kita?"
"Gusto ko lang makita mo ang implication ng ginagawa mo minsan. Sa kagustuhan mong may makasama sa rally, ako ang nadisgrasya. I know you didn't want to see me hurt. Aksidente ang nangyari. Ang sa akin lang, huwag mong masamain ang pagtulong na ginagawa sa akin ng ibang tao. Magpasalamat na lang tayo dahil concern din sa akin si Reid. Aalagaan pa niya ako."
"Hindi ba ako concern sa iyo?"
"I know that you care for me. Pero may pamilya ka na, Sharon Joy. Alagaan mo na lang ang asawa mo at magiging anak mo. Kung gusto mong makabawi sa akin, bawas-bawasan mo muna ang pagsama sa rally. Bawas-bawasan mo rin ang pagle-lecture mo sa asawa mo tungkol sa gender equality at anu-ano pa."
"Okay. Hindi ko na talaga gagawin iyon. Parang may divine intervention ang pagbalik ni Marlon sa akin. May tumawag sa akin para puntahan siya dito sa ospital. Kung siya ang masusunod, di siya pupunta sa akin. Gusto daw niya na ako mismo ang pumunta sa kanya. Ni hindi pa nga niya nakikita sa news ang tungkol sa iyo. Basta sinabi na urgent daw at dapat akong puntahan."
"Sino nga kaya iyon?" tanong niya. Siya naman ang nadisgrasya at di si Sharon Joy. Bakit si Marlon ang tatawagan?
"Are you ready?" tanong ni Reid pagpasok sa kuwarto kasunod si Marlon.
Tumayo siya. "Yes. Kanina pa nga ako naghihintay."
"Ingatan mo ang kaibigan ko. Oras na ma-harass siya, susugurin ko ang riding club mo kasama ang isang batalyong sundalo," banta ni Sharon Joy.
"Nangako si Mr. Alleje na aalagaan siya si Tamara," malumanay na wika ni Marlon. "The security at the riding club is perfect. Kaya nga dinadayo iyon ng mga tao na gusto ng privacy at gustong mag-relax."
"Kinakampihan mo ba ang lalaking iyan?" pagalit na tanong ni Sharon Joy.
Tumikhim siya. "Shaj…"
Saka nito naalala ang bilin niya at tumigil sa panenermon. Niyakap na lang siya nito. "Mag-iingat ka doon. Basta ang promise mo uuwi ka rin pagkatapos ng ilang araw. Huwag kang magtagal doon. Tawagan mo ako, ha?"
"Sure. Don't stress yourself too much, okay?"
"Are you also like your friend?" tanong ni Reid nang nakasakay na sila sa kotse nito papunta sa Stallion Riding Club. "Kung magkasama ba tayo sa iisang bubong, araw-araw mo rin ba akong sesermunan tungkol sa gender equality?"
"Hindi naman ako feminist na katulad niya."
"I highly doubt it," anitong iiling-iling.
"Fan ako ng riding club mo, okay?"
"If you are really a fan, why did you decline my invitation?"
"Akala ko hindi mo naman mapapansin na nandito ako. And besides, we don't have to have any communication at all. You are not obliged to send me invitation and I am not obliged to see you anyway."
"Your friend's husband seems like a nice and quiet guy."
"Si Marlon? Oo naman. Sobrang bait." Bigla niyang naalala ang kwento ni Sharon Joy tungkol sa tumawag kay Marlon para puntahan ito sa ospital. "Wait! Ikaw ba ang tumawag sa kanya para sunduin si Sharon Joy?"
"Yes."
"Thank you. Dahil sa iyo nagkabalikan silang mag-asawa."
"Don't thank me. I just did it to take her away. Ayaw ng kaibigan mo na makita kita. Ako ang asawa mo pero ayaw akong palapitin sa iyo."
"Gusto mong sabihin ko ang ginawa mo para gumaan ang loob niya sa iyo? Mabait naman si Shaj. OA lang sa pagiging feminist minsan."
"Lalo lang iyong magagalit sa akin oras na sabihin mo. And besides, sanay na ako sa mga babaeng nagagalit sa akin. Halos araw-araw may protesta sa harap ng riding club para ipasara."
She smiled proudly. "Pinatunayan mo naman sa kanila na di ka masamang tao. You helped me out. Kung tutuusin, di mo naman ako responsibilidad."
"Anong di kita responsibilidad? Asawa kita!" mariin nitong wika. "And don't give me that smile. May kasalanan ka pa sa akin."
She clamped her mouth shut. Kung may isang bagay siyang natutunan sa ilang sandaling kasama niya ito, iyon ay huwag nang magprotesta. It was futile anyway. Kaya ang mga simpleng bagay ay di na dapat argumentuhin pa.
She felt excitement kick in when she saw the Stallion Riding Club sign. Nang makapasok sa gate ng riding club ay lumiko ito sa daang paakyat sa halip sa pababang daan na patungo sa mismong Stallion Riding Club.
"Hindi ba doon ang papuntang riding club?" tanong niya.
"I said I am taking you home. Doon tayo sa grand villa."
Matapos ang ilang minuto ay bumungad sa kanya ang isang Spanish style villa. Nakatayo iyon sa isang mataas na lugar. Malakas ang ihip ng hangin. It was more majestic than the villas featured at the riding club before.
"Wow!" usal niya pagbaba ng sasakyan. "Dito ako tutuloy?"
"Of course. Dapat lang naman dahil asawa kita. This is Alleje's ancestral house. My grandfather built it many years ago. Dati itong parte ng Alleje Farm. Until I decided to make use of the vast farmland as a riding club," paliwanag nito. "Pumasok na tayo para makapagpahinga ka."
Sinalubong sila ng mga kawaksi. "Good afternoon, Ma'am," bati ng matandang babae sa kanya.
"Siya si Aling Simang, ang mayordoma dito," pagpapakilala ni Reid. "Aling Simang, si Doktora Tamara. Dito muna siya tutuloy habang nagpapagaling."
"Good morning po," magalang niyang bati.
Lumapit sa kanila ang isang babae na nakasuot ng puti. "Siya ang personal nurse mo. Si Maureen. She would see to your every needs."
"Hi!" nakangiti niyang bati.
"Doon na po tayo sa kuwarto ninyo para makapagpahinga kayo, Ma'am," magalang na sabi ni Maureen.
"Ipaghahanda ko na po kayo ng pagkain, Ma'am," wika ni Aling Simang.
"Thank you po," aniya at sumunod kay Reid paakyat sa grand staircase.
Binuksan nito ang pangalawang kuwarto sa dulo ng hall. "This will be your room." The room was painted with mustard. Mural type ang mga tiles sa sahig at mukha ring mamahalin ang mga carpet. The paintings at the room gave it a very elegant touch. At kahit walang aircon at presko sa lugar.
"I like it here," usal niya. Makakapag-relax nga siya doon. Di tulad sa condo niya. For her, it was just a place to sleep. Di naman kasi siya madalas doon. Kung wala siya sa opisina ay ilang buwan naman siyang naglalagi sa field.
Binuksan nito ang French door patungo sa terrace. "Come here."
Nang samahan niya ito sa terrace ay napigil niya ang hininga nang mapagmasdan ang magandang view. The whole Stallion Riding Club was at her sight. Tanaw doon ang malawak na damuhan maging ang gubat na sakop ng club. Parang di rin nalalayo ang magandang lakeside view.
"It is like sitting on top of the world, Reid. And this is your world. Makakasakay ba ako ng kabayo habang nandito ako? Do I get to watch a tournament?" Pangunahing atraksiyon ng riding club ang mga mamahaling kabayo at ang mga horse sports na pinaglalabanan ng mga miyembro ng riding club.
"Once you are well enough to roam around, ako mismo ang magpapasyal sa iyo," wika nito at inakay siya papasok ng kuwarto.
"I think I am okay. Binigya na nga ako ng clearance ng doktor na lumabas."
He stared at her coldly. "I said take a rest. Kahit na magaling ka pa ngayon, hindi rin kita maasikaso. I still have a meeting."
"Sorry. Busy ka nga pala." Baka nga may appointment pa itong na-cancel dahil sa pagsundo sa kanya kanina.
"We'll have dinner tonight," pangako nito at lumabas ng silid.
Bumuntong-hininga na lang siya at tinanaw ito sa verandah nang umugong ang sasakyan nito palayo sa grand villa. Ni hind man lang siya nagpasalamat sa asawa niya. Ni hindi man lang niya ito nabigyan ng thank you kiss.
Ano ba naman ang iniisip mo, Tamara? She was not there as Reid's wife. Bisita lang siya doon. Iyon ang kailangan niyang isaksak sa utak niya.
Habang nasa riding club siya, kailangan na nilang pag-usapan ni Reid ang annulment nila. She would never be his real wife.