Chapter 410 - Final Chapter

"Yes, I am happy when I am with you. Pero bakit kailangan mong hilingin sa akin na mahalin ka?" tanong ni Saskia kay Reichen.

"Lahat ng nakilala kong babae, sinasabi na mahal nila ako. Sa iyo lang ako nakaramdam ng urge na mahalin ako."

"Reichen, you are asking too much!"

"Natatakot ka pa rin bang magmahal? O di ka pa rin nakakaramdam?"

Taas-noo niyang sinalubong ang naghahamon nitong mata. "What if I love you, Reichen? Will it do well for your ego?"

"Ego? Ang alam ko wala nang halaga sa akin ang ego ko mula nang makilala kita. Of all the woman I know, you are the only one who made me feel like a mortal. That I bleed. That I hurt. Sa ibang babae, ginagawa ko ang anumang magpapasaya sa kanila dahil sinasabi nila. But with you, it is different. With just one look at me, I do things for you without being asked. Kahit na di mo pa hingin. Kahit na naiinis ka dahil pakialamero ako. Kahit na ipagpilitan ko pa ang sarili ko sa iyo. I gave up my pride. Kahit na sabihin pa nilang under ako ng amazona. I don't really care even if they laugh at me for following you like a lovestruck puppy."

Ano ba ang nangyayari dito? Di niya iyon nakikita noon. For her, he was just a nuisance. Dumating sa buhay niya para sirain ang araw niya. Nang makita na niya ang magagandang qualities nito, masyado na siyang nalunod sa sarili niyang emosyon para pag-isipan pa ang nararamdaman nito sa kanya.

"You are insane, Reichen!"

He pressed his lips against her forehead. "I think I love you, Saskia. And I want in this world is for you to love me, too."

"Is that a command from the master to a slave?"

"No. Just from a man to a woman who wants to love him back."

She stared at him for a long time. She could see the intense emotion in his eyes. He was begging. He didn't even have to beg. Reichen Alleje was the man who could get whatever he wanted without asking. And he was asking for her to love him back? It must be so real.

Bumakas ang pag-aalala sa mukha nito. "Saskia, please don't say no. Hindi ako nagbibiro nang sabihin kong mahal kita. Idinala na nga kita sa simbahan para patunayan na mahal kita. Di na ako natatakot kahit pikutin mo pa ako. Damn it! You are the only woman whom I want to be with me every single day of my life."

"Reichen, you don't have to swear! Kasisimba pa lang natin."

Natutop nito ang bibig. "I am sorry."

Gumuhit ang ngiti sa labi niya at yumakap sa leeg nito. "You don't have to ask for it. You already have my heart. I love you."

Sumigaw ito sa tuwa at hinapit ang baywang niya. He was so happy that he didn't care that they were in a public park. When their lips met, she was so emotional. Naramdaman na lang niya na tuloy-tuloy sa pag-agos ang luha niya. Wala na siyang kailangan pang itira para sa sarili niya. Isinuko na niya dito ang puso niya. She already crunched down her defenses to let him into her life.

"Saskia, bakit ka umiiyak?" tanon ni Reichen. "Tears of joy?"

"Anong tears of joy? Sino ang may sabi na natutuwa ako?"

"I love you and you love me. Di ba dapat matuwa ka nga?"

She pressed her cheek against his chest. "I surrendered my heart to you, Reichen. I gave up my last defense. Natatakot ako."

Hinaplos nito ang buhok niya. "Don't cry, Saskia. It is killing me."

"This is so new to me, Reichen. Sabi ko, pwede mo akong maging slave sa kahit na ano. I don't want to be a slave of love."

"Your heart is safe with me."

Tiningala niya ito. "Totoo?"

"Bakit ba lagi kang walang tiwala sa akin?"

Pinahid niya ang luha niya. "Siguro takot lang akong maniwala na may magmamahal nga sa akin. Na may magsusuko ng pride niya para sa akin. Na may lalaking handang alagaan ako."

"Saskia, nagsimba na nga tayong dalawa. Nagdasal ako kanina. Sabihin mo lang sa akin na mahal kita, hinding-hindi kita sasaktan. Hinding-hindi ka rin iiyak sa akin. Kaso umiyak ka pa rin."  

"I just can't control my emotions when you are around."

She couldn't believe that he loved her. Sa tingin kasi niya ay isang laro lamang ang lahat para dito. At tulad din ito ng papa niya. Na laruan lang ang mga babae. At mananatili lang ito sa tabi ng isang babae kapag iyon na lang ang natitirang nababaliw dito at alam nitong mag-aalaga dito sa pagtanda nito.

Reichen was different. He proved that he would willingly give up everything for her even his own pride. Para sa kanya kasi ay iyon ang pinakamatinding bagay na di basta-basta isusuko ng isang lalaki maliban kapag nagmahal ito.

"From here, we will visit my parents in Madrid. Hindi ko na hihintayin na ipakilala pa ni Kuya Reid ang pakakasalan niya. Baka uugod-ugod na tayo, wala pa rin siyang ipinakikilala sa parents ko."

"I have to tell Tita Emie about us."

"Siyempre dadalawin din natin siya. Matutuwa kaya siya kapag nalaman na ako ang boyfriend mo?"

"Yes. Ang importante sa kanya hindi mo ako lolokohin. And for biological reasons as well…"

Kumunot ang noo ni Reichen. "Anong biological reason?"

Lumabi siya. "Para sa amin na lang iyon."

Niyakap siya nito. "Finally. My dreams will come true."

"Teka, ano ba ang dream mo?"

"Ang maki-share sa dream mo."

"Di ba dream mo na habulin ng maraming babae?"

Pinisil nito ang ilong niya. "Silly. I want to spend my lifetime with the woman who made me dream again."

"I love you, Reichen."

She couldn't believe that she conquered his heart. Maaring magalit sa kanya ang fan's club nito. Maaring tawagin pa rin siyang amazona. But she didn't care. She felt complete when she was with him.

Isa lang ang ikinatatakot niya ngayon. Ang mabuhay nang wala si Reichen sa tabi niya. But she promised that he won't leave her ever.

Related Books

Popular novel hashtag