"Reichen, saan tayo pupunta?" tanong ni Saskia nang maalimpungatan sa pagkakaidlip. Mukhang nasa highway na ang sasakyan nila.
"Matulog ka lang. Magsisimba lang tayo."
Napagod siya sa shooting nila kaya naman di na niya napigilan ang antok niya. Umaga na natapos ang party kaya nagpahatid na siya.
Except for the embarrassing kiss, the whole experience was rewarding. Di lang dahil makakatulong siya sa pagpapaunlad ng riding school at ng future ng horse sports sa bansa. Mas nakilala rin siya ng maraming tao bilang tunay na Saskia. Na hindi siya isang amazona o isang man hater.
Muli niyang ipinikit ang mga mata. She was rewarded with so much in her life. Dapat lang siguro na magpasalamat siya. Isa pa may gusto rin siyang hilingin. It was crazy. She wanted to be with Reichen at all times. Kahit siguro di na matapos ang pagiging slave niya basta lagi silang magkasama.
Nang idilat niya ang mata ay nasa Ninoy Aquino International Airport na siya. "Reichen, anong ginagawa natin dito?"
"Magsisimba," sagot ulit nito.
"Magsisimba sa airport?"
"Siyempre sa simbahan."
Maya maya pa ay nakasakay na sila sa Lear Jet na pag-aari ng pamilya nito. Di nito sinabi kung saan sila pupunta. "Reichen, di naman siguro tayo magsisimba sa St. Peter's Basilica. Pwede namang sa Baclaran na lang."
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa balikat nito. "Bakit ba marami kang tanong? Sa lahat ng slave, ikaw ang matanong. Matulog ka na lang."
Dahil ilang araw na walang tulog ay buong flight siyang nahimbing. Nasa Vienna, Austria na sila ay di pa rin nito sinasabi kung ano ang pakay nila doon. Nagpahinga sila sa Astoria hotel. Makalipas ang ilang oras ay kinatok siya nito sa connecting door ng kuwarto niya.
"How's your sleep? May jetlag ka ba?"
Umiling siya. "Saan ba tayo pupunta?"
"Magsisimba. You have an hour to prepare."
May luggage siya at laman niyon ang mga damit niya. Mukhang kinasabwat nito ang mga kaibigan niya pero di niya alam kung para saan.
"Masyado namang malayo ang pagsisimbahan natin. Vienna, Austria pa. May milagro ba dito? Dito ka ba namamanata. Masyado ka namang magastos mamanata," sabi niya nang nakasakay na sila sa rented car nila. "Hindi ko alam na palasimba ka pala."
Pumasok sila sa Hofburg, ang Imperial Palace ng Vienna. Sa compound din na iyon matatagpuan ang Spanish Riding School. Maya maya pa ay humimpil sila sa Burgkapelle, ang medieval chapel ng palasyo.
Di sila nagkikibuan ni Reichen habang nagsisimba. She was surprised when she heard the angelic voice of the Vienna Boy's Choir. Namasa ang luha sa mata niya. Hindi niya alam kung bakit siya naiiyak.
"It has the same effect on me," bulong ni Reichen sa kanya. "Kapag pumupunta ako dito para magsimba, lagi na lang akong mag-isa. Alam mo ba na ayokong may kasamang ka-date kapag nagsisimba ako?"
"Because you want to be alone."
Nilingon siya nito. "I don't want to be tied down. What if the girl would take it as a sign? Na ako ang lalaking pakakasalan niya. That would mean trouble, Saskia. Baka pilitin pa ako ng babaeng iyon na pakasalan siya. I know how you girls are when it comes to sign. Gagawin ninyo ang lahat para maipilit lang ninyo ang nakikita ninyo sa bawat sign."
Di siya makakibo. Bakit nito sinasabi sa kanya ang mga bagay na iyon? Para hindi na siya umasa? Bumitiw siya sa kamay nito. She guessed that her wish won't come true after all. Masyado na ba siyang nagiging malapit kay Reichen at nate-threaten na niya ang bachelorhood nito?
She couldn't say that she won't be a threat. Heto nga at hinihiling na niya na lagi silang magkasama. Should she stay away from him from now on?
Matapos ang misa ay naglakad-lakad sila sa premises ng palasyo. Isa-isa nitong itinuturo ang mga lugar sa imperial palace pero parang wala siyang naririnig. Mabigat na mabigat ang pakiramdam niya.
Naging importante na sa kanya si Reichen. She tried to stop it. Alam niyang masasaktan siya. But how could she spare herself from pain?
"Reichen, hanggang kailan mo ba ako magiging slave?"
"Bakit? Napapagod ka na ba na kasama ako?" tanong nito.
"No. I enjoy being with you. Pero hindi ko lang alam kung ano ba ang gagawin ko para sa iyo. Wala ka namang hinihingi na kahit ano sa akin."
Tumitigil ito sa paglalakad at hinawakan ang mga kamay niya. "Isa lang naman ang gusto ko, Saskia. I want you to love me."
Kumurap siya habang nakatitig dito. "Pardon?"
Inilapit nito ang mukha sa kanya. "Please love me, Saskia."
Pagak siyang tumawa. She wanted to slap his face. Hindi kasi iyon magandang biro para sa kanya. "Are you asking that as a master to a slave?"
"Do you think I ever treated you as a slave, Saskia?"
Umiling siya. "I don't know." Naguguluhan kasi siya sa ipinapakita nito. Wala itong kahit anong hiningi sa kanya. Hindi rin siya nito sinamantal sa kabila ng kasunduan nila. Kung nakakasama man niya ito, iyon ay dahil gusto niya. Subalit di niya alam kung sumasama ito sa kanya dahil alipin ang tingin nito sa kanya.
Ikinulong nito ang mukha niya sa palad nito. "Saskia, look at me. I do things for you because I want to. Gusto kong tumawa ka di dahil inutos ko kundi dahil masaya ka kapag kasama mo ako. And if you will love me, I want you to love me freely. Not because I asked you to but because that is how you feel."