MABILIS ang bawat kilos ni Saskia habang nag-eempake. Wala siyang oras na sinasayang. Kung alam lang niya noong una pa lang ang plano ng Tita Emie niya, di na sana niya itinuloy ang pagsali sa special match noong una pa lang.
"Ma'am, naka-ready na po ang sasakyan," anang si Aling Isay.
"Maraming salamat po. Kayo po muna ang bahala dito sa bahay," bilin niya.
Niyakap siya ni Aling Isay. "Iyakap mo na lang kami kay Ma'am Emie. Sabihin mo bumalik na siya dito at magpagaling siya," umiiyak nitong sabi.
Tumango siya at lumabas na ng kuwarto matapos ang pag-eempake. Nagulat siya nang makita sa sala na naghihintay si Reichen. He was still wearing his riding habit. "I don't have time for you, Reichen. Kung nandito ka para sumbatan ako, you are just wasting your breath. I don't have the luxury to listen to you. I just want to apologize for bothering you. Alam ko na mas gusto mo akong talunin at ilampaso sa arena pero mas importante ang gagawin ko ngayon."
"Hindi ako nagpunta dito para sumbatan ka."
"Then what?" she asked.
Hinila nito ang kamay niya. "Come with me."
"Reichen, where are you taking me?" tanong niya nang isakay siya nito sa kotse. "I don't have time for games."
"Dadalhin kita sa airport. We'll take the chopper."
Narinig niya ang malakas na ugong helicopter nang bumaba sa clearing ground ng riding school. Tinutulungan siya nito? "Pero…"
"Kailangan mong makarating agad sa airport, hindi ba?" tanong nito at inilahad ang kamay sa kanya. "Let's go."
Tinanggap niya ang nakalahad nitong palad. Inisip na lang niya ang Tita Emie niya. Kailangan siya nito. Mas madali siyang makakarating dito kung tatanggapin niya ang tulong ni Reichen.Saka na siya magtatanong kung tama ang ginagawa niya.
Halos di sila nag-uusap ni Reichen habang nakasakay ng chopper. Mas iniisip niya ang kalagayan ng Tita Emie niya. Makalipas ang isang oras ay bumaba ang chopper sa hangar ng mga Alleje. May naghihintay nang sasakyan doon para dalhin sila sa Ninoy Aquino International Airport.
"Tatawagan ko lang si Paz Dominique," sabi niya habang papunta sila sa airport. "Wala pa sa akin ang confirmation ng flight ko."
"Don't bother. They are ready whenever we want to leave."
Nagsalubong ang kilay niya. "We? Who we?"
Sinulyapan siya ni Reichen. "We will take my cousin's Lear Jet."
Halos bumagsak ang panga niya sa pagkabigla. "Iyong sa pinsan mo na oil sheikh. We will take a chartered flight to Boston."
"Teka…" He used the word 'we' again. "Sasama ka sa akin sa Boston?"
"Oo. Hindi naman kita pwedeng pabayaan na bumiyaheng mag-isa. I want to make sure that you can get there safely."
Nalula siya nang makapasok sa Lear Jet. It wasn't an ordinary plane. Parang isa iyong luxury hotel na may mini-bar pa. "Sobra-sobra na ang pagtulong mo sa akin, Reichen. This jet and you…"
Pinaupo siya nito at umupo ito sa tabi niya. "You need me, right? Saka si Teacher Emie naman ang pupuntahan mo."
"But it is still too much."
Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. "Tama na. I don't want to hear it anymore. Take a rest, Saskia. You need all the rest you can get. Kailangan mong magpalakas para kay Teacher Emie."
He really cared for her. Halos ito na ang kumikilos para sa kanya. Ni hindi na niya kailangan pang mag-isip. He was her enemy. Pero nang mga oras na iyon, parang ito lang ang matibay na pader na masasandigan niya. She didn't mind if her defenses were down. She felt at ease with her cheeks pressed against his chest. Parang wala na siyang kailangan pang alalahanin.
"Thank you, Reichen."
Di na nito narinig pa ang pasasalamat niya. He was already sleeping like a baby. Ipinikit na rin niya ang mata at hinayaang igupo ng antok.
MATAPOS ang ilang araw na pag-aalala ay nakahinga na nang maluwag si Saskia. Nasa recovery room na si Artemis. Maganda ang naging respond nito sa operasyon at parang naging normal ang kondisyon nito sa dapat ay maselang operasyon.
"It must be a miracle. For a minute, akala ko babawiin na siya sa atin. I was so scared. Sabi na nga ba at lalakas siya oras na malaman niyang nandito si Saskia. Mabuti na lang nasabi ko sa kanya," kwento ng mama niyang si Agnes sa papa niyang si Theos.
"Mabait ang kapatid ko. She deserves to live longer," anang si Theos at hinaplos ang buhok ng natutulog na si Artemis. "She's still silly. Mahal na mahal niya ang buhok niya. Iri-risk daw niyang mamatay sa operasyon kaysa naman daw mabuhay siya nang lagas na ang buhok niya."
"She's one strong woman. Sakit niya ang matatakot sa kanya," aniya at hinaplos ang kamay ni Artemis. "Hindi na rin ako magtataka kung babawiin niya sa akin ang management sa equestrian center. She's a survivor."
"Agnes, gusto mong ipagluto kita crab soup pag-uwi natin mamaya?" malambing na tanong ng papa niya. "Then I will make some stuffed squid."
"Thank you, Theos," wika ni Agnes at yumakap dito.
"Why don't you take Mama home, Pa? Kami na po ni Reichen ang magbabantay dito. Halos wala na kayong tulog ni Mama," prisinta niya.
"Bahala ka na sa tita mo, hija," anang si Theos.
Pumunta muna sila sa cafeteria nang dumating ang nurse at doctor para I-monitor si Artemis. Limitado lang din ang oras nila para dalawin ito.
"Your parents look so sweet. Parang nasa honeymoon stage pa lang sila," komento ni Reichen habang nagkakape sila.
"You can say that again. Siguro ngayon pa lang ang honeymoon stage nila. Noong bata pa ako, walang ginawa si Mama kundi ilayo si Papa sa mga babae niya. Lagi kong nakikita na umiiyak si Mama."
"You are not close to your father."
Mariing nagdikit ang labi niya. "Parang di kasi ako nag-e-exist sa buhay niya. Nagrerebelde si Papa dahil nabuntis si Mama sa akin at napiltan silang magpakasal. Si Mama naman umikot ang buhay kay Papa. Mabuti na lang nandoon si Tita Emie. She took care of me. Parang siya na ang nanay ko."
"Don't you believe that your father loves your mother?"
"Bakit? Dahil magkasama pa rin sila dahil matanda na sila." Umiling siya. "I don't think it is love. Bumalik lang si Papa kay Mama dahil alam niyang si Mama lang ang tatanggap sa kanya kahit na matanda na siya. And my mother is stupid!"
Ngumiti ito. "Naniniwala ako sa love. I can see it in my parent's eyes everytime they look at each other. Maiinggit ka talaga."
For a womanizer, she never thought that he would believe in such kind of love. Baka ang pag-ibig dito ay dapat na isine-share.
"What is love for Reichen Alleje?"
"When you do something for a person without being asked. O kaya nagbibigay ka at di ka humihingi ng kapalit. Kapag nagiging irrational ka na sabi ng isip mo pero masaya pa rin ang puso mo. When you are starting to look stupid but you don't give a damn. Basta sinusunod mo lang ang nararamdaman mo."
Nangalumbaba siya. "How romantic! Who would have thought that Reichen Alleje had that insight on love."
"Sa iyo ko lang sinabi iyon. Huwag mong ipagkakalat."
"You are lucky. Alam mo kung ano ang pagmamahal. Mas tao ka pa yata kaysa sa akin." At kung magmamahal ito nang totoo, maswerte ang babaeng iyon. He may be a playboy but he knew how to take care of his woman.
"Once you find the right person and you feel it, you'll know what I mean. Anumang pangit na tingin mo sa mundo mababago."
"I will never be a slave of love." She owned her self. Di niya hahayaang maging pag-aari ng iba ang puso niya.