"Tita Emie, don't do it again. You gave me quite a scare. Sana po sinabi agad ninyo sa akin na magpapa-opera kayo para nandito na agad ako," sermon ni Saskia dito habang pinapakain ito. Gusto niya na siya mismo ang nag-aalaga dito.
"Bakit mo pa kasi ako pinuntahan? Ikaw lang naman itong masyadong nag-aalala sa akin," balik ng sisi nito sa kanya.
"Iyak po kasi nang iyak si Mama nang tumawag ako," sabi niya.
"Masyado ka namang nagpadala sa Mama mo. Basta mo na lang iniwan ang equestrian center. Paano na ang mga estudyante mo?" tanong nito.
"Nandoon po sila Jaerrelin. Sila na po muna ang bahala doon. Saka huwag ninyong intindihin ang equestrian center. Pagpapagaling ninyo ang isipin ninyo para makabalik na kayo sa Pilipinas. Mas maalagaan ko kayo doon."
Sa palagay niya ay makakatulong dito ang sariwang hangin. Maganda ang naging respond ng katawan nito sa operasyon. Subalit di pa ito basta basta maiuuwi sa Pilipinas. Traidor pa rin ang sakit nito at mas makabubuti kung doon muna ito para matutukan ng mga espesyalista.
"Iyon bang si Reichen boyfriend mo na?" tanong nito.
"Hindi po. M-Magkaibigan lang po kami." Di niya alam kung matatawag nga niyang kaibigan si Reichen. But she could say that he was someone who cared.
Isang linggo na sila sa Boston pero di pa rin siya nito iniiwan. Pati sa pagbabantay sa ospital ay lagi rin itong nakaalalay sa kanya.
"Kaibigan lang? From what I've heard, he never took his girlfriend on a chartered flight. Ganoon na ba katindi ang pagkakaibigan ninyo?"
"Hindi naman po ako ang inaalala ninyo kundi kayo," pagtatama niya.
"I think there is something about you two. May spark sa inyong dalawa. Di ko alam kung di ninyo napapansin o binabalewala lang ninyo."
Naumid siya. Artemis was really observant. Ganoon ba sila kadaling basahin ni Reichen? "There is nothing between us," she denied. "Ganyan ba talaga ang nakakulong sa kuwarto? Lumalawak ang imagination?"
"I advice that you get married, Saskia. Huwag mo nang hintayin na thirty ka saka ka pa magpa-panic dahil di ka pa nagkaka-boyfriend."
"Tita, that is the farthest thing from my mind at the moment." Kinatatakutan na nga siya ng mga lalaki. Paano pa siya makakapag-asawa?
"Have an active sex life then."
Nanlaki ang mata niya. "Tita! What kind of advice is that?"
Natawa ito. "Ano naman ang masama sa sinabi ko? I really regret that I was prude when I was younger. Pakiramdam ko umiikot lang ang buhay ko sa mga kabayo. And those boys are just nuisance. Biologically speaking, our body is designed to make love. Tingnan mo ako. Mamamatay akong virgin. Get rid of it!"
"So this is more of a medical advice?" tanong niya.
Naging seryoso ito. "Siguro hindi mo ako sineseryoso. But I don't want you to end up like me. Malungkot mag-isa, Saskia. Siguro sinasabi mo na ayaw mong ma-involve sa isang relasyon. Totoo, sakit ng ulo ang mga lalaki. But when you find someone who will love you, all those headache is worth it."
"You are just getting old that's why you are saying it, Tita."
"Think about it, Saskia."
Di pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Artemis nang sunduin siya ni Reichen para mag-dinner. "Kailan ka babalik sa Manila?" tanong niya habang kumakain sila. Masyado nang matagal ang isang linggo nitong pagkawala.
"Hanggang kailan ka ba dito?"
"Huwag mong sabihin na hihintayin mo pa akong umuwi sa Pilipinas?"
"I just can't leave you alone."
"I bothered you enough, Reichen. You also have a life. Di ko naman hinihingi sa iyo na mag-stay dito. Ayoko nang abalahin ka pa."
Hiniwa nito ang steak. "Bakit lagi mong sinasabi na naaabala mo ako? Yes, you didn't ask me to stay here with you. Kusa akong sumama sa iyo. O baka naman nagsasawa ka na sa mukha ko."
"Of course not." Nawawala nga ang pagod niya kapag tinititigan ito.
"Gusto mo ba na ituloy natin ang match natin?" tanong nito.
Pilit siyang ngumiti. "I forfeited the match, remember? Ibig sabihin nanalo ka na." Inilahad niya ang palad. "Congratulations!"
Di nito tinanggap ang pakikipagkamay niya. "You can do more than that, Saskia. Kung di nangyari ito sa tita mo, papayag ka ba na basta-basta na lang isuko ang laban mo?"
"Hindi. Pero wala na isip ko ang match natin. Gusto ko na lang mag-focus sa equestrian center. I will forget about my pride for a while."
Pride lang naman ang dahilan kaya hinamon niya si Reichen. Di muna niya iisipin iyon sa ngayon. Tumawag sa kanya si Chrisnelle at sinabing bumabalik na ang ibang estudyante nila sa kanila. Naging sensational ang match nila ni Reichen. Bagamat di natapos ang match, napatunayan nila na dalawa sila sa pinakamagagaling na horse rider sa buong bansa.
"Hindi ako sanay nang nagme-mellow ka. Pakiramdam ko kasi lagi mong gustong lumaban sa giyera. And whenever you are like this, I feel nervous. Kasi lumalabas din ang pagiging tigre mo pagkatapos."
Natawa siya. "Don't worry. I won't make your nose bleed."
"Ah! The Amazon Goddess! I wonder if a man can tame you."
"Even an amazon needs a man to live."
"What do you mean?"
"What if a woman asks you to make love to her?"
"Like a one-night stand?"
Tumango siya. "But only for biological reasons."
"Bibigyan ko siya ng anak?"
"Hindi naman ganoon kabigat. For health reasons. Na maiiwasan mo ang ibang malalalang sakit kapag nakipag-make love ka."
Sumubo ito ng steak. "Hmmm… that's interesting."
"Papayag ka ba?"
"No!" mariin nitong sagot. "Katawan ko lang ang habol niya. Tapos gagawin pa niya akong…ah! Saan mo ba napupulot ang tanong mo na iyan?"
Iniwas niya ang tingin dito. "W-Wala. Di ko rin alam."
"Saskia, alam ko na playboy ang tingin mo sa akin. But I don't make love to every woman who comes my way. If I want to make love to a girl, I will ask her myself. Not the other way around. And I am not so crass to make love with special feelings. Di ka siguro naniniwala pero conservative ako pagdating doon."
Lumabi siya. "Ikaw? Conservative? Tama ka. Hindi ako naniniwala."
"Careful, Saskia. Marami ka pang di alam tungkol sa akin."