Chapter 401 - Chapter 12

Di magkamayaw ang mga kaibigan ni Saskia matapos I-anunsyo  ang score niya sa katatapos pa lang niyang cross-country performance.

"Almost perfect ang score na ibinigay sa iyo ng mga judges, Saskia," anang si Jaerrelin. "AS expected from you."

Kasunod naman niyang naglalakad si Chrisnelle pabalik ng dressing room kung saan siya magpapahinga. "Naiinis talaga kami noong una. There are some bitches who keeps on booing you during your entire performance. Gusto ko ngang awayin kanina. Napahiya sila I-announce ang score mo. They can't boo you anymore. Inggit lang siguro dahil magaling ka."

Iyon ang huling araw ng open tournament ng Stallion Riding Club. Tapos na ang individual at group performance face off sa show jumping. Sila ang nanalo sa group pero talo naman sila sa individual performance. Lumalabas na tie ang score nila sa mga members ng Stallion Riding Club.

"Pakiramdam ko nasa international competition ako. The judges are authorities at the equestrian world." Ilang beses na niyang na-encounter ang mga ito noong lumalaban siya. The organizers were fair for hiring professional judges. "Saka mahihirap talaga ang mga obstacles."

"You did great. Round one pa lang pero napahanga mo na sila. I am pretty sure that we will win this one," kampanteng wika ni Jaerrelin.

"Round one pa lang tayo. May dalawa pang round na natitira. Hindi tayo pwedeng maging sobrang kampante. We are dealing with Reichen Alleje, remember? He is not someone we should take lightly."

Si Reichen na ang nagpe-perform at umuulan ng palakpakan sa riding arena. Of course he got the crowd. It was his territory after all.

Pagpasok nila ng dressing room ay may mga flowers at basket ng bulaklak na naroon. "Kanino galing ang mga ito?" tanong niya.

"From our fans," natatawang sagot ni Chrisnelle nang mabasa ang card. "They are girlfriends and wives of the members of the riding club."

"Itayo daw natin ang bandera ng mga kababaihan," dagdag ni Jaerrelin. "See? Nare-recognize na rin tayo."

"Pero hindi pa tapos ang labanan natin."

Di na niya masyadong marinig ang announcement ng scores ni Reichen dahil umuugong na ang tainga niya sa sobrang kaba. Ano ang score nito?

She was taking the matches so seriously. Pakiramdam kasi niya ay ang kinabukasan niya at ng Artemis Equestrian Center ang nakasalalay doon. Sana lang ay seryosohin din ni Reichen ang pakikipaglaban sa kanya bilang respeto na lang sa kanya bilang kalaban nito.

Yes, she wanted to win. Pero gusto naman niyang malaman na deserving nga siyang manalo sa isang malupit na kalaban. Reichen was a worthy opponent. Gustong-gusto niyang magpatumba ng magagaling na players.

Humihingal na pumasok ng dressing room si Jazzie. Kasabay niyon ang di matapos-tapos na hiyawan mula sa riding arena. "Tie ang score. Muntik na akong himatayin doon. Mabuti na ang tie kaysa nalamangan tayo, di ba?"

"Ilampaso mo na sa susunod na round, girl," bilin ni Jaerrelin.

"Get ready for the second round, Miss Saskia," bilin ng staff na facilitator ng competition. "It will start in a few minutes time."

She grabbed her cellphone when the staff member left. "Sandali lang, girls. May tatawagan lang ako sandali," aniya at lumapit sa bintana ng dressing room.

She dialed her Aunt Emie's number. Ang alam niya ay nasa ospital ito ngayon. They were planning to subject her under chemotherapy. Iyon ang pinili na medication ng pamilya niya dahil delikado para dito kung ooperahan at tatanggalin ang uterus nito dahil na rin sa edad nito.

She just wanted to hear her aunt's voice. Dito siya humuhugot ng lakas. Di man nito alam ang mga pagsubok na hinaharap niya, lumalaban naman siya para sa pangarap nilang dalawa. Alam niyang sa kanya din ito humuhugot ng lakas nito.

"Hello, Saskia," anang boses ng babae na sumagot sa phone.

"Mama! Tulog pa po ba si Tita Emie?" tanong niya.

Ang mama at papa niya ang umaalalay sa tita niya sa pagpapagamot. Naka-confine ang tita niya sa isang ospital sa Boston na espesyalista sa sakit nito. Kailangan nang ma-monitor ang kondisyon nito dahil pabilis daw nang pabilis ang pagkalat ng cancer cells. Kailangan nang alagaan.

Humagulgol ito ng iyak. "Puntahan mo siya dito, anak. Kailangan ka niya."

Matinding pag-aalala ang naramdaman niya. Alam niyang emosyonal ang mama niya. Pero di ito iiyak nang walang dahilan. "Ano pong nangyari kay Tita?"

"She insisted on having the operation instead."

"What? Akala ko po pumayag na siya sa chemotherapy."

"Kami lang daw ang may gusto niyon. She wanted to take the risk. Ayaw daw niyang umasa sa chemotherapy dahil manghihina siya," paliwanag nito.

"Pero delikado po ang operasyon niya," mangiyak-ngiyak niyang wika. Di niya kaya na mawala sa kanya ang tita niya. "Bakit di po ninyo sinabi sa akin?"

"Ayaw daw kasi niya na mag-alala ka. Bukas ng gabi ang operasyon niya. Ngayon pa lang ihinahanda na siya sa operasyon."

"Pupunta ako ngayon diyan, Mama. Sabihin po ninyo kay Tita pipilitin kong humabol para nariyan ako kapag inoperahan siya. Tell her I love her."

"Tama. Pumunta ka dito, anak. Natatakot na ako."

Matapos magpaalam ay pumasok siya sa dressing room. "Saskia, anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Jazzie.

Niyakap niya ito. "I am sorry. I am so sorry."

"Saskia, huwag kang ganyan. Di kami sanay nang umiiyak ka," wika ni Chrisnelle. "Ano ba ang problema?"

"I know how much this match means to us. Pero kailangan kong puntahan ngayon si Tita Emie. Pinili niyang magpa-opera kahit na delikado sa kanya. Gusto ko nandoon ako sa tabi niya. Importante din ito para sa akin," paliwanag niya.

Niyakap siya ng mga ito. "Lagi ka naman naming sinusuportahan," sabi ni Jaerrelin. "Huwag mo nang intindihin ang match. Kami na ang bahalang makipag-usap sa mga organizers tungkol dito."

"Thank you!" aniya at dali-daling tumakbo sa labas bitbit ang gamit. Nilagpasan lang niya si Reichen nang makasalubong niya sa hallway.

"Saskia, where are you going?" tanong nito at hinabol siya.

Bahagya niya itong nilingon habang patuloy sa pagtakbo. "You and you precious fans can rejoice now. I am forfeiting the match."

Hinarang nito ang dadaanan niya. "What? I don't understand. Natatakot ka ba na matalo kita? Malayo na ang narating mo.  Ngayon ka pa ba susuko? Or do you think that I am not good enough to be your opponent."

Nagkibit-balikat siya. "Bahala kang mag-isip ng kahit anong gusto mo tungkol sa akin. Call me a loser if you want. Di na iyon importante sa akin."

Nagpatuloy siya sa pagtakbo. This time, there was no turning back. Walang mas importante sa kanya ngayon kundi makita ang Tita Emie niya.

Related Books

Popular novel hashtag