Pagbaba ni Saskia ng sasakyan ay siya namang paglabas ni Reichen ng café. He walked towards her unhurriedly. Palibhasa ay nasa teritoryo siya nito. "Ah, the goddess is here. I am honored to have you as our guest, Miss Kristofides."
Di niya alam kung pinupuri siya nito o sarkastiko ito. Mainit ang ulo niya at baka dito pa mabuhos ang lahat ng inis niya kung di ito aalis sa harapan niya.
"This isn't exactly a friendly visit, Mr. Alleje. Nandito ako para kausapin ang organizers ng open tournament ng riding club."
Humalukipkip ito. "I am the head organizer."
Tumaas ang kilay niya. "I see." Itinaas niya ang application form nila na may naka-attach na letter of disapproval. "So you are responsible for this one?"
"Yes. Me and the whole group."
What else could she expect from them? Ito naman pala ang hari ng mga chauvinist doon. Coming from the Spanish Riding School, the legendary school of chauvinists, hanggang sa Stallion Riding Club ay dala pa rin nito ang attitude na iyon. That only men are superior. Makahanap pa ito ng kakampi.
"You did this to spite me, right?"
"To spite you? Why should I?"
"Galit ka sa akin. I hurt you. Napahiya ka sa mga tao dahil isang babae lang ang nakapagpabagsak sa iyo. Of course, you are not used to being hurt. Every woman in the world adores you. Di mo matanggap na na-reject kita."
Ngumisi ito. "Sinasabi mo ba na loser ako?"
"Hindi nga ba?" She was so mad. Di na niya nakokontrol ang lumalabas sa bibig niya. Sa tingin kasi niya ay gusto siyang ipahiya nito.
Mariing nagdikit ang labi. Parang pinipigil ang galit. Sa huli ay ngumiti ito at lumapit sa kanya. "My lovely Saskia, hindi ako magagalit sa iyo kahit kailan. Everyone knows that our open tournament is strictly for men. Iyon na ang tradition namin. I don't have anything against you personally. Wala lang talagang female category sa riding competition namin."
Umangat ang gilid ng labi niya. Di siya nasisiyahan sa sagot nito. "Bakit hindi na lang ninyo kami isali sa competition?"
"Magkaiba nga ang rule of judging para sa male at female riders. You know that very well, Saskia. Maliban na lang kung sa horse race ka sasali. But we are into equine sports here. At show jumping at eventing pa ang gusto mong salihan."
Namaywang siya. "Maybe you are scared that we'll beat you to the pulp."
"Of course not!" kaila ni Reichen.
"I guess it is true. Takot lang kayo na matalo ng mga babae. Nakakahiya naman kapag mismong dito pa kayo sa riding club ilampaso ng mga babae. It isn't good for your ego, guys," anang babae sa likuran ni Reichen. She was wearing a doctor's uniform. Nabasa niya ang nameplate nito. Dr. Tamara Trinidad. She was the riding club's veterinarian.
Katabi nito si Reid Alleje. Girlfriend yata nito si Tamara. However, Tamara was far from the meek and docile girls the club members obviously adored. Mukhang tulad din niya ito. May sariling isip at di basta-basta nagpapadikta. Ni hindi man lang ito nai-intimidate kay Reid Alleje, ang hari ng Stallion Riding Club.
"Tamara, the panel already decided everything." Bumaling si Reid sa kanya. "I am sorry, Saskia. I know you are a good rider. Pero hindi naka-format ang tournament naming sa mga female riders."
Reid Alleje looked so formidable. Di niya alam kung ano pa ang ikakatwiran niya. Isusuko na ba niya ang pagsali sa open tournament? Paano niya mababawi ang karangalan ng Artemis Equestrian Center?
"Bakit hindi ninyo sila bigyan ng special tournament? Usually, karamihan ng nasa third day exhibition na lang. Why not a match between the Artemis Equestrian Center and the Stallion Riding Club," suhestiyon ni Tamara.
"I think that is a lovely idea," usal niya at ngumiti dito.
Nagkibit-balikat si Reid. "I don't mind."
Napanganga si Reichen. " Pumapayag ka? Pero Kuya…"
"Make sure that you will win this one, Reichen. Kundi isang taon kang di pwedeng magsama ng ka-date mo dito," banta ni Reid.
LOUVIN jumped over the Liverpool with ease. Ito ang kabayong gagamitin niya sa open tournament. They were in sync. Iyon ang importante sa competition. Nagkakasundo sila ng kabayo niya. Walang duda na maganda ang magiging performance nila. Siya ang para sa solo eventing at ang mga kasama niya ay sa group competition para sa show jumping.
Di naman niya binabalewala ang kakayahan ng makakalaban niya. Reichen Alleje was a fearsome competitor. Isa rin itong world class equestrian. Kung tutuusin ay mas marami itong horse sports na alam sa kanya.
Nang matapos niya ang lahat ng obstacles ay may narinig siyang pumalakpak. It was Reichen. Nakasandal ito sa may puno di kalayuan sa eventing practice arena niya. "That's a great exercise!"
"Spying on the enemy, Reichen Alleje?" she asked as she walked towards him. "O nandito ka para sabihan ako na umurong na sa competition. Well, you are wasting your breath. Hindi kami magba-back out. We are confident that we will perform well. Di ako papayag na mapahiya sa inyo."
"Bakit naman kita hahayaang mag-back out? I haven't seen you perform at a real arena. It is an honor to have a match with you."
She smiled slyly. "You are here to support me? How touching!"
"No. I just want to add some spice to our match. What else can a winner get aside from glory and fame? It is boring. We already have it."
Napaisip siya. Wala namang masama kung mas marami pa siyang makukuhang premyo kapag nanalo siya. "Okay. Kung kami ang mananalo, magiging dressage instructor ka namin dito sa equestrian center."
"Ha?" bulalas nito.
"Iyon ang gusto ko. Ayaw mo?"
Inilapit nito ang mukha sa kanya. He was wearing a sinister smile that scared her. "If I win, you will be my slave. You will do anything I want. At ako rin ang magde-decide kung hanggang kailan ka magiging slave ko."
Napatulala siya kasabay ng panunuyo ng lalamunan niya. He was so close she could almost taste his breath. What kind of slavery would he subject her to?
Ngayon pa lang ay may idea na siya. And it wasn't really appealing on her part. Mauulit na naman ba ang pagiging mahina niya dito? Hindi siya papayag na matalo. She won't just win back the glory of Artemis Equestrian Center. She also wanted to win her self-control. Dahil kung matatalo siya, tiyak na di na niya kaya pang labanan ito. She would be just Reichen's slave forever.
She lifted her chin up. "Deal."
His lips formed a smile. "I will see you at the arena."
Malakas na malakas ang kabog ng dibdib niya nang iwan siya nito. She would never be like her mother who bowed down to a man. Never! And she definitely won't bow down to Reichen Alleje.