Chapter 396 - Chapter 7

"ITONG red ang bagay kay Saskia. Maganda naman ang legs niya kaya dapat lang na ipakita niya," anang si Jaerellin habang hawak ang pulang tube gown na kalahati lang ng hita niya ang sakop kapag isinuot.

"Itong moss green na lang," kontra naman ni Jazzie.

"Huwag iyan! Mukhang matanda," angal ni Chrisnelle. "Electric blue na lang."

"Girls, huwag na kayong magtalo. Kaya ko namang pumili ng damit na isusuot ko. I don't really have to look glamorous. Sabit lang ako sa party."

Isasama lang siya ni Paz Dominique sa Stallion Riding Club para sa victory party ng pelikula na in-sponsor-an ng Stallion Shampoo and Conditioner. Minsan lang naman kasi ito makiusap sa kanya kaya pinagbigyan na niya. Ang kondisyon niya ay di siya magtatagal sa party dahil maaga pa ang simula ng trabaho niya kinabukasan.

"We just want to make sure that you will look great. You will represent the Artemis Equestrian Center after all. Kailangan maganda ang image na ipo-project mo para naman hindi tayo mapahiya," wika ni Jazzie.

"Thanks for the concern." Kinuha niya ang black matte jersey type dress sa closet niya. It was simple yet elegant. Inilapat niya iyon sa katawan niya. Bagay iyon kapag inilugay niya ang mahaba at itim niyang buhok. "This is perfect."

"Pwedeng kami na lang ang mag-make up sa iyo?" anang si Chrisnelle.

Iniikot niya ang mata. "Girls, get out of my room. Kung hindi, baka tuluyan na akong hindi sumama sa party na iyan."

Napilitang sumunod ang mga ito sa kanya. They were pretty anxious about the party. Di naman siya importanteng bisita doon. She didn't want to stand out. Baka mamaya ay isipin pa ni Reichen na nagpapaganda siya para dito.

Isang linggo na mula nang dumalaw ito sa riding school. Muntik na itong di makalabas nang buhay dahil pinagkulumpunan na ito ng mga babae. Kinailangan pa nitong mag-request sa mismong security ng riding school na escort-an ito palabas. Naging maingat na ito at di na dumalaw pa.

Di naman ito tumigil sa pagpaparamdam sa kanya. Nagpapadala ito ng mga dinner invitation na di niya sinisipot. Tumatawag ito sa telepono pero di niya sinasagot. Hangga't di ito makakalapit sa riding school at di siya lalabas doon ang safe siya. Maliban lang sa gabing iyon.

Kampante lang siya na makita ito dahil tiyak niyang may ka-date na ito. Di ito basta basta makakalapit sa kanya.

"Ah! Life is not fair! You are so pretty tonight," anang si Paz Dominique habang bumibiyahe sila papunta sa Stallion Riding Club.

"You are pretty yourself." She was wearing an expensive red sequined gown. Tiyak niyang tatalbugan nito ang sinumang artista na nasa party.

"Alam ko na hindi ka masyadong nag-ayos para sa party. But darn! You are still beautiful. And that hair… kukunin kang model ng Stallion Shampoo ni Kuya Neiji." Tuwid na tuwid ang itim niyang buhok. It must be her Greek heritage. "I am pretty sure that he will offer it to you."

"I am not interested. All I want is to ride a horse."

"Oo nga. Saka baka baratin ka ni Kuya Neiji dahil magkaibigan tayo."

Sa party ay tahimik lang siya habang nakasunod kay Paz Dominique. She was the outgoing one. Palibhasa ay galing ito sa political clan. Siya naman ay anti social. Kilala niya ang ibang bisita na kaibigan ng pamilya nila.

"Saskia!" anang si Neiji at hinalikan siya sa pisngi. "Gusto mo ba ng magandang exposure para sa riding school mo."

"As a model for your shampoo? The answer is no."

"But I have a perfect project for you." Kumaway ito. "Reichen!"

Nilapitan sila ni Reichen at ilang sandali siyang tinitigan. "I told you that she's perfect, Neiji. She looks like a goddess."

Kung titigan siya nito ay parang siya lang ang nag-iisang babae sa party na iyon. Nanginginig ang kamay niyang may hawak na glass wine.

Tumikhim si Paz Dominique. "Excuse us. Sasalubungin ko lang ang parents ko. Maiwan muna namin kayo ni Kuya Neiji."

"Paz Dominique, huwag mo akong iwan dito!" aniya at pinanlakihan ito ng mata. Ayaw niyang makasama si Reichen.

"You will be fine with him," nakangisi nitong sabi. Isa pa itong taksil na kaibigan. Wala na bang tapat na kaibigan kapag si Reichen ang sangkot?

Nang ibalik niya ang tingin kay Reichen ay nakatitig pa rin ito sa kanya. Daig pa nito ang nahipan ng masamang hangin. "Will you stop staring at me?" asik niya.

"I am just appreciating your beauty."

"Well, your date won't appreciate it." Baka awayin pa siya.

"Wala akong ka-date. Alam ko kasi na dadating ka."

Iniikot niya ang mga mata. "I should have seen this coming." Akala kasi niya ay sa ibang babae na mababaling ang atensiyon nito. "Ano ba ang gagawin ko para tigilan mo na ang pangungulit sa akin?"

He stretched his hand. "A dance."

"A dance? And after this you will stop bothering me?"

Tumango ito. "Yes. I just want a dance."

Lalong kumabog ang dibdib niya nang tanggapin ang kamay nito. Parang di iyon magandang desisyon. As if something worse will come out of it.

Pero ano ba ang masamang magiging epekto ng isang sayaw? It was just a dance. She could get rid of him afterwards.

Just a dance and she would be out of her life.

Related Books

Popular novel hashtag