Pinagkulumpunan si Saskia ng mga kaibigan paghimpil ng van na sinakyan niya sa Artemis Equestrian Center. "Saskia, you are back!" excited na wika ni Jaerrelin at niyakap siya.
"Mabuti naman at nagsawa ka sa world tour mo. You are finally back," anang isa pang kaibigan niyang si Chrisnelle.
"And I know that you will stay here for good. Buo na ulit ang grupo natin," sabi naman ni Jazzie at hinalikan siya sa pisngi.
Ang mga ito ang kasa-kasama niya sa mga international equestrian competition bilang isang grupo. Subalit sa huli ay pinili na lang ng mga ito na manatili sa Pilipinas at maglagi sa Artemis Equestrian Center. Habang siya ay nagpatuloy sa paglaban sa iba't ibang international competition.
"It is high time that I take full responsibility of the riding school. Gusto ko na rin na magpahinga si Tita Emie. With her cancer of the uterus, she can't manage this place anymore." Matapos malaman ang sakit ng Tita niya, nagprisinta agad siyang umuwi ng Pilipinas. Ngayon ay nasa States ito at nagpapagamot.
"Di ba sakit iyon ng mga matatandang dalaga?" tanong ni Jaerrelin at sinapo ang pisngi. "Naku! Kailangan ko na yatang mag-asawa."
"Wala ka pa rin bang boyfriend hanggang ngayon?" tanong ni Chrisnelle. "Twenty-five ka na. Gusto ko nang mag-asawa for biological reasons."
"Ako kahit anak na lang. Sayang naman ang genes ko," sabi ni Jazzie.
"Ano ba naman ang mga tanong ninyo? I am happy and content with my life. Mas gusto ko nga na walang lalaki sa buhay ko. Sakit lang sila ng ulo," wika niya.
Nagkatinginan na lang ang mga ito. Alam ng mga ito kung bakit ayaw niya na ma-involve sa mga lalaki. Na-trauma siya sa pang-aapi ng Papa niya sa Mama niya. She didn't want to end up with a battered heart. At least she was wise enough.
"Nasaan nga pala si Paz Dominique?" hanap niya sa isa pang kaibigan. "Huwag ninyong sabihin na prima donna na naman ang brat na iyon."
Paz Dominique was the vice captain of her team. She was from a political clan from the South. Magaling din itong horse rider. Kapag nga lang tinotopak ito ay nagtataray ito. Hobby na ng kaibigan niya na magsungit sa mga social climber. All in all, she was a nice person. Ayaw lang nitong may minamaliit na mababa dito.
"I guess she's running after a man. Di pala-kwento ang babaeng iyon," hula ni Jaerrelin. "Basta madalang na siyang dumalaw dito."
Nagkibit-balikat siya. "Oh, well! What's the status of the equestrian center?" Ang mga ito ang pinagkatiwalaan ng tita niya habang wala pa siya. Part time instructors din ang mga ito sa riding school.
"Madami na tayong mga estudyante. To the point that we have to decline some. Pero gusto pa rin nilang bumalik oras na may available slot," paliwanag ni Jazzie. "Sa pleasure riding lahat nagpa-enroll."
"Ganoon na ba ka-popular ang riding club natin?" tanong niya. She didn't expect that horse sports would really boom. Karamihan kasi ng nag-aaral sa kanila ay mga may kaya sa buhay.
"It's not us but the Stallion Riding Club," sabi ni Chrisnelle.
"Ha? Bakit naman sila sikat?"
"Stallion Riding Club is an exclusive riding club for rich and popular men in the country. Reid Alleje owns it. Kilala mo naman siguro siya. Sumikat sila dahil na-feature sila sa Stallion Shampoo and Conditioner commercial," Jazzie explained.
"Ano naman ang espesyal sa kanila at sumikat sila?"
"Watch this." Jaerrelin opened a video file in her laptop. May doseng nagguguwapuhang kalalakihan ang naka-feature sa commercial habang ang background ay ang maberdeng view ng riding club. "Now you see why women went crazy over them. Lahat ng lalaking iyan member ng riding club."
Tumutok ang paningin niya sa isang partikular na lalaki. He was a bronzed god with an easy smile and black eyes. "Reichen Alleje is also there."
"He is one of the most popular members of the club. Siyempre, bukod sa kapatid siya ng may-ari, sikat din siyang equestrian," paliwanag ni Chrisnelle.
Jazzie sighed. "Gusto ko nga isa sa mga member ng riding club ang maging ama ng anak ko. Maganda rin kasi ang genes nila."
"Lahat ng mga babaeng nag-e-enroll dito, pangarap na maimbitahan sa riding club. At preparation nila ang pag-aaral ng horseback riding sa pagpasok sa riding club. Mukhang di tayo mauubusan ng estudyante," wika ni Jaerellin.
"Dahil lang sa mga lalaking iyan?" aniya sa mataas na boses at nanggagalaiting itinuro si Reichen sa monitor.
"Can't blame them. Rich and handsome men attracts women," wika ni Jazzie. "Balita ko nga madalas ding makita diyan si Paz Dominique."
"Kasi nandoon ang pinsan niyang si Neiji," sagot ni Chrisnelle.
"Wrong! I am sure there is a man behind all this. Di lang natin alam kung sinong lalaki ang kinababaliwan niya," wika ni Jaerellin. "Anyway, dapat tayong magpasalamat sa Stallion Riding Club. Mas sumikat ang riding school natin. Kahit nga mga bata gusto na mag-aral sa atin. Para daw kapag dalaga na sila at nakapasok sila sa Stallion Riding Club, di sila mapapahiya."
Subalit di niya magawang matuwa. Nasapo niya ang noo. "Dapat ba akong magpasalamat? Parang mababaw ang tingin sa atin. I want this to be a prime riding school. Tapos stepping stone lang tayo para makalapit sila sa mga lalaking iyon."
She had a grand dream for the riding club. Gusto niyang doon manggaling ang susunod na Olympic medallist ng Pilipinas para sa equestrian event. At hindi mga babaeng baliw lang sa mga lalaki. Pati pala kabataan ay nahuhumaling na rin sa mga lalaking iyon. Ano ba ang nangyayari sa Pilipinas?
"Wala naman akong nakikitang problema," sabi ni Chrisnelle. "Hangga't may pumapasok na pera at may mga estudyante tayo, ayos lang. Isa-suggest nga namin na magdagdag tayo ng mga kabayo saka instructor para ma-accommodate pa natin ang iba pang mga estudyante. Nakatulong din kasi sa promotion natin na dito nag-aral ng horseback riding sina Reichen at Reid Alleje noong mga bata pa sila."
Naningkit ang mga mata niya. "This is not about money. May pride naman ako. Kung sa inyo okay lang, sa akin hindi!"
"Sa totoo lang wala namang problema sa amin. Ano bang problema mo?" tanong ni Jazzie. "Wala namang nangmamaliit sa riding club natin."
Huminga siya nang malalim. "Iaangat ko ang reputasyon ng riding club natin. I will definitely think of some ways to make it better. At titiyakin ko na makakapag-produce tayo ng mga estudyante na mamahalin ang horse sports dahil gusto nila. Hindi para sa benefit lang ng mga lalaki na gusto nilang habulin."
Iyon ang dahilan kaya itinayo ang Artemis Equestrian Center. Misyon niyang iangat pa ang kalidad niyon. Gagawin niya iyon para sa Tita Artemis niya.