"Wow, Tita Emie! This is so grand!"
Manghang-mangha si Saskia nang makapasok sa Winter Riding School. Sa baroque style na palasyong iyon na may tatlong naglalakihang crystal chandeliers at lupang sahig ang siyang magiging location ng gala performance ng mga riders ng Spanish Riding Club o Spanische Hofreitschule sa Vienna, Austria. Ito ang itinuturing na pinakamatandang riding school sa mundo. Sikat daw iyon sa horse ballet.
Naiku-kwento lang iyon ng Tita Artemis niya. Matagal na niyang gustong makanood. At dahil nanalo siya sa show jumping competition sa small junior hunter division ng Equestrian Festival Circuit na ginanap sa America, iniregalo nito sa kanya ang tour na iyon sa Vienna parang lang makanood ng performance sa Spanish Riding School. Pareho kasi silang mahilig sa mga kabayo. At sa edad na fifteen, pangarap niyang magkaroon ng riding school katulad nito.
"Yes, this is grand. Hintayin mo lang kapag nagsimula na ang performance. Hindi ka na siguro makakapagsalita sa sobrang paghanga."
Tumugtog ang classical music ni Mozart at nag-perform na ang unang rider. Ang loob mismo ng palasyo ang nagsilbing riding arena. Hangang-hanga siya sa galing ng rider na I-maniobra ang kabayo. And the horse was like dancing.
"Wow! The horse and the rider are in sync! Its so cool, Tita."
"It is dressage. Nakakita ka na ng ganyan noon."
"This is no ordinary dressage, Tita. Nakakita na ako ng performance sa dressage competition. But this one has the poise and the elegance. And that white horse looks so neat!" Sumunod na nag-perform ang school on the ground at above the ground. Sa pagkakataong ito ay halos lumilipad na ang kabayo. Di niya mapigilang pumalakpak. "Lahat po ba ng horse dito puti?"
"Yes. They are called Lipizzan horses. They have their own breeding farm just for those horses. Sa Spain nag-originate ang pagte-train sa kanila. For like two thousand, two hundred years already. Pero dito sa Austria "
Nanlaki ang mata niya. "That long?"
"They are prized horses. They are the oldest breed of horse and are considered noble." Di lang mga riders ang bida sa riding school kundi maging ang mga kabayo. They must be really intelligent and well trained to perform the drills.
Hindi niya inaalis ang tingin sa mga performers. Sumunod na pumasok ang walong riders. It was called the School Quadrille. Natuon ang atensiyon niya sa rider na Moreno ang balat at itim ang buhok. He stood out compare to his white counterparts. Pare-pareho naman ang galaw ng mga ito. But he stood out. Wala na siyang ginawa kundi sundan ang bawat kilos nito.
"Ay!" panghihinayang niya nang matapos na ang drill. Gusto pa kasi niyang makita na nagpe-perform ang lalaking iyon. Naaaliw siya dito.
"Don't worry. May solo performance pa. This is something to watch out for, Saskia," anang Tita Artemis niya.
Pilit niyang itinuon ang atensiyon sa palabas. Subalit patuloy na bumabalik ang isip niya sa lalaking nakita kanina. Sino ito? Makikita pa ba niya ito?
"THIS is the best day of my life!" excited na usal ni Saskia habang kumakain ng paborito niyang paella na isine-serve sa Caballero Café and Restaurant sa loob pa rin ng Spanish Riding School kung saan sila nagdi-dinner.
"You must enjoy it. Bukas babalik na tayo sa Athens."
Bumagsak ang balikat niya. "Why don't we just stay here forever?"
"Nagtatampo ka dahil di napanood ng mama at papa mo ang competition mo? Kaya nga ipinasyal kita para makalimutan mo na."
"I know that they are not fond of horses. I don't want to see them fight. I am so tired of it, I just want to stop caring at all."
Wala nang ginawa ang mga magulang niya kundi ang mag-away. Her father, Theos Kristofides, was a half-Greek hotel magnate and Artemis' brother. He was a womanizer. At sadya naman yatang martir ang mama niya na si Agnes. Tuwing may babaeng nai-involve sa papa niya ay nagpapalipat-lipat sila sa Pilipinas at Greece para lang iiwas ang papa niya sa mga babae. Pati siya ay nahihirapan na.
Dahil napapadalas ang away ng mga magulang niya, naiiwan na lang siya sa Artemis Equestrian Center, ang riding school na pag-aari nito. Kailangan din niya ng stable na tahanan para makapag-aral siya nang maayos. Kaya naman si Artemis na ang tumayong nanay niya. Subalit kailangan niyang bumalik sa Greece dahil nag-insist ang mama niya na sumama na siya dito palagi para makumbinsi ang papa niya na buuin ang pamilya nila.
"Who knows? Maybe they are okay now."
"Pwede bang kayo na lang ang mama ko, Tita?"
Pinisil nito ang pisngi niya. "Kung pwede lang sana. Kaso di naman papayag ang mama mo na ampunin kita. Ikaw na lang ang nag-iisa niyang anak."
"Lahat ng atensiyon niya nasa kay Papa," reklamo niya. Umikot na ang mundo ng mama niya sa papa niya. Wala na atang natirang pagmamahal sa kanya.
"Ganoon naman yata talaga. Men are born polygamous."
"Kaya po ba hindi na lang kayo nag-asawa, Tita?"
"Di ko lang natagpuan ang lalaking mamahalin ko. Maybe I am destined to be an old maid. Baka kabayo lang ang kaya kong mahalin," anito at humalakhak.
"Kabayo na lang din ang mamahalin ko."
Tumawa ito. "Silly! You will fall in love once you find the right one."
"Paano po kung walang right one tulad ng sa inyo?"
"Have some strudels," anito at itinulak sa kanya ang dessert na gawa sa manipis na wafer. "That is the traditional Viennese dessert."
Masarap nga ang strudel. "I want some more."
Nasa pangalawang serving na siya ng studel at tutok na tutok sa pagkain nang maramdaman niyang may nakatayo sa likuran niya. Nang lumingon siya ay isang lalaki ang naroon. He was wearing the Spanish Riding School's uniform. He was wearing a bicorn or hat made of turf of rabbit hair, a black uniform tailcoat made of washable leather, buckskin trousers and Wellington boots.
Parang isa itong sundalo ng makalumang panahon. And it looked so good on him because he was tall and dignified.
Ito ang isa sa mga riders kanina. Ito ang lalaking di niya maalis-alis ang tingin niya. At gaya kanina ay di na naman niya maalis ang tingin dito. His skin was brown. Pero bumagay pa rin dito ang pula. She was fascinated by his black eyes. Mukha itong masungit dahil di ito ngumingiti.
"Good evening, ladies," he greeted in a suave voice and smiled. Nawala ang pagkasuplado ng dating nito nang ngumiti ito. Siya ba ang nginingitian nito.