Chapter 391 - Chapter 2

"Reichen!" Tumayo ang tita niya at hinalikan ito sa pisngi. Magkakilala ang mga ito? Di nasabi ng tita niya na may kakilala ito doon. "My, my, binatang-binata ka na. Last time na nakita kita, ten years old ka pa lang."

"I thought it was just yesterday. You are still as beautiful as ever." Dumako ang tingin nito sa kanya. "And who is that pretty lady with you?"

Naramdaman niya ang pag-iinit ng pisngi niya nang siya ang ngitian nito. There was something about him that made her melt.

"This is my niece, Saskia. Saskia, this is Reichen Alleje. They own the Alleje Farm. Katabi lang iyon ng riding school ko," pagpapakilala ni Artemis. "Noong bata pa siya, sa riding school ko siya nag-training. Ang pinakamakulit kong estudyante."

Lumuhod sa harap niya si Reichen at kinintalan ng halik ang likod ng palad niya. "It is a pleasure to meet you, my lady."

"N-Nice meeting you, Sir," aniya sa nanginginig na boses. She couldn't believe it. Sa kauna-unahang pagkakataon ay di normal ang reaksyon niya sa isang lalaki. Mabilis na mabilis ang tibok ng puso niya. Samantalang ang ibang mga lalaki na gustong manligaw sa kanya ay tinatarayan niya.

Bakit di niya ito magawang sungitan? She even found his act sweet. She was like a lady of the court wooed by a knight. He was perfect for a knight.

Di pa rin niya maalis ang tingin kay Reichen nang umupo ito sa tapat niya.

"I didn't expect to see you here. I thought you are busy with your riding school. Iyon po ang sabi ninyo sa huli ninyong sulat, Teacher," sabi ni Reichen.

"Nanalo si Saskia sa International Grand Prix sa Kentucky. She's into show jumping. Kaya ito ang premyo niya. A time of her life at the Spanish Riding School."

"So you are a rider. Must be the next Artemis Kristofides."

Artemis patted her head. "She will be my heir to the equestrian center."

Tinitigan siya ni Reichen. "Ideal girl ko ang magaling sumakay sa kabayo. And I love girls with black hair and blue-green eyes. Why don't we go out on a date sometimes? Wala ka bang boyfriend?"

"H-Ha?" usal niya. Kakilala pa lang niya ay boyfriend na ang tinatanong nito. Di tuloy niya alam kung ano ang isasagot dito.

"Reichen, Saskia is only fifteen!" natatawang sabi ni Artemis. "Oh, look at her. She's blushing. This is the first time that I've seen her blush."

"Hindi po ako nagba-blush," kaila niya at umingos.

"She looks more beautiful when she blushes," Reichen teased. "Kapag eighteen ka na, papayagan ka na siguro niyang mag-date."

"M-May boyfriend na ako," aniya nang maalala ang lagi niyang sinasabi kapag may mga lalaki na nangungulit sa kanya. "Si Spica."

"Spica? What a weird name for a man," kunot-noong sabi ni Reichen.

"It is her Stallion. Si Spica ang ka-partner niya nang manalo siya sa Grand Prix. She's really in love with that horse," paliwanag ni Artemis.

"Kung ganoon, may girlfriend na pala ako. Si Favory, ang Lipizzan mare ko na nasa farm." Tumawa ito. "Pero sa palagay ko mas maganda kung tayo ang magde-date kaysa kasama nating mag-date ang mga kabayo natin."

"I really admire Reichen," anang si Artemis. "Alam mo bang di basta-basta nakakapasok sa Spanish Riding School? Sa isang taon, tatlo o apat lang na estudyante ang tinatanggap nila. And he was accepted. Five years na siya dito."

Nanlaki ang mata niya. "Wow! I also want to be a student here."

Tumawa si Reichen. "I am afraid you are not qualified."

Nagningas ang apoy sa mata niya. "Why? I am an excellent rider," she said confidently. Kahit ang mas matatandang rider ay humanga sa kanya.

"Only male students are accepted here," sagot ni Reichen. "It is a tradition that they don't want to break. Di rin ordinaryo ang training dito. Both the horses and the riders are trained well. It took us a lot of discipline and perseverance and years of training to become excellent riders. At di kami tumitigil sa pag-aaral."

Ipinaliwanag nito na ito mismo ang nagte-train sa sarili nitong kabayo. Sa una ay young stallion muna ang tine-train nito bilang Élève. Naging student rider ito at matapos ang limang taon ay naging full-pledged rider. Madali na daw ang limang taon. Ibig sabihin ay talagang magaling ito. Dedicated kasi ito sa ginagawa. With that he earned her utmost respect.

"Too bad. I also want to be a student here." Since she was young, she was used to training with the world's best trainers. At naniniwala siya na ang Spanish Riding School ang pinaka-magandang horse school sa mundo.

"Know what? You can ride Favory when you visit the Alleje Farm. At pwede rin kitang turuan ng ilan sa maneuvers na ginagawa namin. Like it?"

Tumango siya. "I would love to!"

Kinamayan siya nito. "It is a date then."

"MAMA! Mama!" tawag ni Saskia sa ina pag-uwi nila ni Artemis sa ancestral house ng mga Kristofides sa Athens. Kagagaling lang nila sa airport. She had a grand time of her life in Vienna. Sayang at kailangan na niyang umuwi.

Excited siyang ipakita ang bicorn ni Reichen noong Élève pa lang ito. It was a very special gift. Di man daw siya maging estudyante ng Spanish riding school, nire-recognize naman daw nito ang galing niya sa pagsakay ng kabayo.

"Wala yata si Ate Agnes," wika ni Artemis na kasunod lang niya.

"No. Nasa garahe po ang kotse. Mama!" sigaw ulit niya at tuloy-tuloy sa kuwarto ng mommy niya. Nagimbal siya nang makitang hawak nito ang bote ng sleeping pills at tangkang iinumin. "Mama, no!"

Mabilis niya itong hinablot ang bote ng gamot dito. Sumabog ang gamot sa carpeted na sahig. "Huwag mo akong pigilan!" anito at humagulgol. "Wala nang pakialam ang daddy mo sa akin. Sumama siya sa Thermophylae kasama ang babae niya. Ano bang kasalanan ko sa kanya?"

Niyakap niya ito. "Mama, that's enough. Hayaan mo na si Papa." Naiinis siya dahil sobra-sobra kung mahalin ng ina niya ang Papa niya. Di nito magawang iwanan kahit pa nasasaktan na ito. Pero nang mga oras na iyon ay nakakaawa ito.

Isang dating beauty queen ang mama niya. Nakuha ito sa matatamis na salita ng papa niya. Nabuntis ito kaya napilitan ang papa niya na pakasalan ito. Her father resented them both. Di daw mapipigil ng kasal ang anumang gusto nitong gawin. Her father continued womanizing. Di na ata mababago iyon. Habang napapabayaan naman ng mama niya ang sarili nito sa kahahabol sa papa niya.

"I love him, Saskia! I can't stop loving him and I can't live without him."

Nanghihingi siya ng saklolo na tumingin sa Tita Artemis niya. Nahihirapan na ang kalooban niya. Sa bata niyang isip, di niya alam kung bakit nangyayari pa iyon.

Umuklo si Artemis sa harap ni Agnes at hinaplos ang buhok nito. "Ayusin mo ang sarili mo, Agnes. Babalik na tayo sa Pilipinas."

Umiling si Agnes. "Ayoko! Di ko kayang mawala ang kapatid mo sa akin. Hindi ako papayag na mapunta siya sa babaeng iyon."

"Maniwala ka sa akin. Kung sasama ka sa akin pauwi ng Pilipinas, babalik siya sa iyo," pang-aalo ni Artemis.

Kumunot ang noo niya. Di niya alam kung paano mangyayari iyon. Kapag bumalik sila sa Pilipinas, magkakaroon ng kalayaan ang papa niya na sumama sa babae nito. Subalit pabor sa kanya na umuwi sa Pilipinas nang wala ang Papa niya. Mas matatahimik siya.

Makakatagpo kaya siya ng lalaki na di magpapaiyak ng babae? Anong klaseng lalaki kaya si Reichen? Di niya mapigilang ngumiti. Sa tingin niya ay masarap itong magmahal. Nararamdaman niya iyon. Aalagaan siya nito.