Isang malaking palaisipan para kay Khamya kung anong naghihintay sa kanya sa party na dadaluhan. Nang umaga ay may natanggap siyang invitation mula kay Anicia Rafiq, ang mama ni Beiron. Kasama doon ang isang conservative na gown na ibinibiling isuot niya para sa gabing iyon.
Nagdadalawang-isip siyang dumalo. Subalit di naman niya maaring tanggihan ang isang Sheikha. Malaking karangalan nang maimbitahan nito.
Alas siyete ng gabi nang sunduin siya ng isang itim na Mercedes Benz. Lalo lamang iyong nakadagdag sa kaba niya. Sa harap ng isang mala-palasyong tahanan tumigil ang sasakyan. Isang eleganteng babaeng sa tantiya niya ay nasa mid-fifties ang sumalubong sa kanya. Malayo ang features nito sa kababaihan ng Al Ishaq kaya natitiyak niyang ito ang mommy ni Beiron.
"Ainesh!" bati niya paglapit nito.
Ngumiti ito at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. "Thank you for coming, hija. Nabigla ka siguro sa imbitasyon ko."
"Yes. But it is an honor to be here."
"Mas gusto sana ni Beiron kung imbitahan ka sa family dinner namin. But with everyone else's busy schedule, I can't afford to wait for that long. I know I must see you." Hinawakan nito ang kamay niya. "This is a party with all the sheikh's wives and daughters. Madalang ang mga party dito sa Al Ishaq na magkasama ang mga babae at lalaki. I don't have a daughter so you will be my daughter for tonight."
"Hindi po ba nakakahiya?" mahina niyang tanong.
"Of course not." At ipinakilala siya nito sa mga bisita. May ilang nagtaas ang kilay sa kanya. Parang outsider nga naman siya sa party na iyon. Di naman kasi siya royalty. "Don't mind them," bulong ni Anicia at hinila siya sa tahimik na garden. Walang tao doon dahil lahat ng bisita ay nasa loob ng bahay. "This is what I love about parties. Ang tumakas sa kanila. Hindi lahat sa kanila kasundo ko."
"Don't they think highly of you? Nakilala po ang Al Ishaq sa mundo dahil sa effort ninyo ni Sheikh Ahmadi."
"They are still very traditional. At mataas din ang tingin ng mga Al Ishaqui sa sarili nila. And foreigners like us are outsiders and inferior. My family is recognized internationally. Pero karamihan ng mga royalty dito ay indifferent sa amin. Di rin lahat ay open sa pagbabago."
Liberal itong mag-isip dala na rin sa edukasyon nito sa ibang bansa. Sa tingin niya ay magkakasundo sila. Pareho kasi sila ng dinadanas. Pareho silang outsiders.
"Al Ishaq is Al Ishaq. Ilang daang taon na rin po ang mga tradisyon dito. At para sa tulad kong di sanay sa kultura, nalilito pa rin po ako."
Tumango-tango ito. "Naikwento sa akin ni Beiron na nakulong ka dahil sa pagtulong mo sa batang magnananakaw. Hindi pa ako napupunta sa Bhakrat. Pero di ko alam na ganoon kalala ang sitwasyon doon. Kailangang magnakaw ng mga bata para lang mabuhay?"
"Even women had to sell their bodies to live. At ang masama po, mga asawa mismo nila ang nagbebenta sa kanila kahit na ayaw nila. Di rin po maganda ang kondisyon nila sa mga kulungan."
Naluha si Anicia. "That is horrible! I am guilty of a lot of things. Habang masarap ang buhay ko, maraming mga taong naghihirap."
"Kung may mas maganda po sanang program para sa mga kababaihan dito, hindi nila kailangang maghirap nang ganoon."
"That is a nice idea. Kaya pala narinig ko na may pinag-uusapan si Beiron ang at ang daddy niya noong isang araw. May inaayos daw na kaso si Beiron tungkol sa isang Filipina na nakakulong sa Bhakrat. Gusto din daw niyang I-suggest sa tribunal na magkaroon ng livelihood program sa mga babaeng dating prostitutes."
Nagulat siya. "Ginawa po ni Beiron iyon?"
"Nagulat nga rin ako dahil di naman nakikialam sa social issues ang batang iyon. Wala iyong inisip kundi kung paano kikita ng pera at kung sinong babae ang suusnod na ide-date. And he looked serious about it."
"As the next sheikh, he must think about the welfare of his people I guess."
"No. Malaki lang ang naging impluwensiya mo sa kanya."
"Ako po? Nakiusap lang naman po ako sa kanya na tulungan ang kaibigan kong Filipina na nasa kulungan."
"Bhakrat isn't our family's territory. Ibang sheikh ang may hawak doon. Nagbubulag-bulagan ang mga opisyal na may hawak doon. Kaya personal niyang binalikan ang kulungan nang sumunod na araw matapos kang lumabas sa kulungan. Personal niyang inalam ang kondisyon ng mga kababaihan doon. And he told his father that he is planning to propose a new law to the tribunal that he wants to punish those who prostitute their own wives."
"Papayag naman po kaya ang tribunal?" Mataas ang tingin ng mga Al Ishaqui sa mga kalalakihan. As if they could never do wrong. Sa huli ay babae ang masama.
"It will cause a lot of noise, Khamya. I am sure of it. Pero mukhang desidido si Beiron na ituloy iyon. Kung kinakailangang kumuha siya ng global attention, gagawin niya para lang ipaglaban ang gusto niya."
"Sana nga po maging successful ang plano niya. Malaking tulong po iyon para sa mga mahihirap na Al Ishaqui." Susuportahan niya si Beiron.
Nanunukso ang ngiti nito. "Sa palagay ko nagpapa-impress lang iyon sa iyo."
"Hindi naman po siguro." Concern lang talaga ito sa mga kababayan nito. Di naman siguro ito pupunta nang personal sa Bhakrat kung di ito nagmamalasakit.
"Balita ko ngayon pa lang niya naranasang manligaw. I know that you heard a lot about my son's womanizing escapades. Pero sana naman makita ko rin ang good side ng anak ko. Sa tingin ko ngayon pa lang siya na-in love."
Si Beiron? In love sa kanya? Naalala niya ang sinabi nito na kaya nitong magpakasal para sa pag-ibig. Posible nga bang ma-in love ito sa kanya?
Nakadama siya ng kakaibang tuwa sa puso. Bigla niyang pinigilan ang sarili. Hindi siya dapat na matuwa. Opinyon lang iyon ni Anicia. Maaring nagbago si Beiron dahil sa kanya pero di ibig sabihin ay espesyal na ang nararamdaman nito.
Lumapit ang isa sa mga kawaksi sa kanila. Nakangiting bumaling si Anicia sa kanya. "Dumating na daw si Gihan Fatimah."
"Gihan? Prinsesa po?"
Nakangiti itong tumango at bumalik na sila sa party. She was speechless when she faced the princess. Napakaganda kasi nito sa suot nitong traditional dress ng Al Ishaq. Kulay berde ang mata nito at malalantik ang pilik mata. Kulot ang mahaba nitong buhok kaya ito mukhang manyika.
"Ainesh, Gihan Fatimah," bati ni Anicia at humalik sa pisngi nito.
Tumutok sa kanya ang paningin ni Fatimah kaya yumukod din siya. Naramdaman niya titig nito na parang sinisino siya.
"Gihan, she's Dr. Khamya Licerio, one of the guest researchers at the Al Ishaq Biotech Research Institute. She's also from the Philippines," pagpapakilala ni Anicia.
"Ah! The little troublemaker. She's the one Emir Beiron fetched from jail. Does she know that she nearly ruined the visit of the Prince of Denmark."
Nagulat siya. Di niya inaasahan na alam nito ang paglalabas sa kanya ni Beiron mula sa kulungan. "I didn't mean to ruin the occasion, Your Highness."
Umismid si Fatimah. Nararamdaman niyang mabigat ang dugo nito sa kanya. "I though this is a royal party and only royalties are invited. Do you know that this is a disgrace on my part?" mataray na tanong nito.
"I am just discussing a special project with Dr. Licerio. Maybe you would like to take part on it, Your Highness," suhestiyon ni Anicia.
"What kind of project?" tanong ni Fatimah.
"We would like to help the street children of Bakhrat and the women who are in jail as well. I think we have to do something to improve their condition," paliwanag ni Anicia. "This is a perfect opportunity for everyone to help."
Malungkot na umiling si Fatimah. "Their miserable life is not our problem. There are rich and poor people. Those children who steal are spawn of the devil. And there are women who had no morals at all. There isn't anything we can do about it. You can't change the world, Sheikha Anicia," wika nito at lumapit na sa mga anak ng mga sheikh na kaibigan nito.
Parang may mabigat na bagay na pumatong sa balikat niya pag-alis nito. "How unfeeling? Di ba siya concern sa ibang mga tao? Babae pa mandin siya. At magiging nanay din siya balang-araw." Kung isa siguro siyang prinsesa, gagamitin niya ang impluwensiya niya para makatulong sa iba.
"Bakit naman nila iisipin ang ibang tao kung maganda na ang buhay nila? And besides, they thought that Al Ishaq is perfect as it is. Kaya di nila pinapansin kapag may problema. Isolated case lang naman kasi ang Bhakrat para sa kanila. Kaya kahit na may ahensiya na pwedeng tumulong sa kanila, parang di rin gumagalaw."
"Mas gusto ko pa rin sa Pilipinas." Kahit na mahirap ang buhay nilang mag-ina, di nawawala ang mga taong tumutulong sa kanila.
"Al Ishaq is not the Philippines. Natutuwa ako dahil hindi indifferent si Beiron sa pangangailangan ng iba. Kung pakikinggan siya ng tribunal, I am sure mababago din ang Al Ishaq. Ayokong mamulatan ng susunod na henerasyon ng pamilya ko ang ganito." Huminga ito nang malalim. "Sana katulad mo ang maging manugang ko. I am sure magkakasundo tayong dalawa."
Tipid siyang ngumiti. Magkakasundo nga sila pero malabo yata na maging manugang siya nito. Isang malaking tanong pa rin sa kanya kung kaya ngang magmahal ni Beiron. O kung kaya nga nitong magmahal ng tulad niya.