Chapter 371 - Chapter 4

Umiling si Khamya at pinagana ang instincts niya sa pagkain. "Hindi naman ako bulag. Hindi ko na kayo kailangang abalahin. I think I can eat on my own."

"Sino naman ang may sabing nakakaabala ka sa akin?"

"Hindi nga ba? You didn't attend your meeting on my account. At ngayon kailangan mo pa akong asikasuhin habang kumakain. It is just too much."

"Kasalanan ko kung bakit nasanggi ka ng mga tao kanina at nasira ang salamin mo. Hindi ba nakaabala din naman ako sa iyo?"

"You helped me find an ophthalmologist."

"And it is not enough for me."

Why the attention? Mga kawaksi na mismo nito ang nagsabi na di siya kasing ganda ng mga babaeng idinadala nito sa penthouse. O baka naman ganoon lang ito kung bumawi sa mga taong tingin niya ay naperhuwisyo nito.

Di na ito nakipagtalo pa nang mag-isa na lang siyang kumain subalit maya't maya pa rin itong nakaalalay sa pagkilos. He was such a gentleman. Paranoid lang marahil siya para isipin na dahil playboy ito ay may motibo ito.

Matapos ang hapunan ay dumating na ang salaaming in-order niya. She ordered for something similar to her old one. But the new one was more stylish. Hindi siya mukhang nerd na tingnan. "Thank you," usal niya.

Nang tingnan niya ang repleksiyon sa salamin ay nakatayo sa likuran niya si Beiron. Mas guwapo ito ngayong malinaw na ang paningin niya. Nanginig ang tuhod niya nang magsalubong ang tingin nila sa salamin.

Mabilis niyang binawi ang tingin. "This is beautiful. How much?"

"Wala kang babayaran. Pinalitan ko lang ang luma mong salamin."

"Hamak na mas mahal ito kaysa sa luma kong salamin. Saka may credit card naman ako. Kaya ko namang magbayad."

Dumilim ang anyo nito. "Mabigat ang parusa sa mga babaeng gustong bayaran ang isang bagay na bigay ko."

She must have trampled his pride. "I didn't mean to offend you. T-Thank you. Sa susunod siguro kapag nakita kong parating ka na, iiwas na ako para di na ako madisgrasya kapag dinumog ka."

"The next time you are around, I will protect you."

Naku! Binobola ka lang niyan, sigaw ng isipan niya. Bakit naman siya nito poprotektahan? Baka di na nga siya nito makikilala sa susunod.

Inilahad niya ang kamay dito. "It is an honor to meet you."

"The honor is all mine." At kinintalan nito ng halik ang likod ng palad niya.

Pakiramdam niya ay may kuryenteng gumapang sa katawan niya. Ganito ba ang epekto ng di pa nagkaka-boyfriend? Normal naman na ang halikan ang likod ng palad sa iba. Dapat ay balewalain na lang niya.

"B-Babalik na ako sa kuwarto ko."

"Agad?" angal nito.

"Bukas ang opening ceremony ng conference."

Huminga ito nang malalim. "Okay. I will take you to your room."

"Sir, Prince Ottoman is waiting for you at the Royal Aquacenter," wika ng butcher nito. "I already prepared your swimming gear and…"

Itinaas nito ang kamay. "I will just take Dr. Licerio to her room."

"You can't make the prince wait."

"Kaya ko nang pumunta sa kuwarto ko na mag-isa."

May inabot itong card sa kanya. "Give me a ring if you need anything."

Tumango siya at nagpaalam at nagpasalamat sa lahat. It must be surreal. She had a dinner with Al Ishaq's most celebrated royalty. Di na siguro mauulit pa ang pagkakataong iyon sa buong buhay niya.

 "PLEASE come home with me and marry me, Khamya."

Nakatulala na lang siya sa nakaluhod na si Haroun, isa sa mga kasamahan niyang Turkish scientist sa conference. Katatapos lang ng closing ceremony nang lapitan siya nito at biglang mag-'propose'.

Nahihiya na siya dahil nakakaagaw na sila ng atensiyon ng ibang delegates. "H-Haroun, I am afraid I am in hurry. I have a flight tomorrow morning and I have to pack my things. So if you will excuse me…"

Subalit nanatili itong nakaluhod at ginagap pa ang kamay niya. "I am begging you! Marry me! My old mother told me that I should bring a bride home. And you are the perfect wife for me. I will be a good husband and we will have lots of children. Why don't we get married now?"

"Now?" she said in stun. Sino naman ang may sabi na may plano siyang magpakasal? Kahit siguro maglupasay pa ito ay di niya ito papatulan. Medyo guwapo naman si Haroun kahit na mukhang nerd. Pero di siya interesado. "Sorry."

"Okay. If not today then tomorrow."

Pilit siyang ngumiti. "I don't have plans to get married. Why don't you ask Lupe." Itinuro niya ang kapwa delegadong Mexican na candidate sa pagka-old maid.

"No! You are the one I want! Marry me now!" giit nito at mukhang galit na.

"I am afraid you can't marry her right now because she still has to go out on a date with me."

Nagpanting ang tainga niya sa sumingit. Matapos ang isang marriage proposal ay date naman. Sasabihan sana niya itong huwag nang makigulo nang paglingon niya ay si Beiron ang nandoon. Namatay ang protesta sa labi niya nang magsalubong ang mga mata nila. As if he was staking a claim on her. Men!

Tumayo si Haroun at galit siyang tiningnan. "You and the Emir?" di makapaniwalang usal nito. "But you will be my bride."

"I am sorry. Just give my regards to your mother," sabi niya.

Inalalayan siya ni Beiron sa siko. "Let's go."

"I can't believe it! I had just received a marriage proposal," di makapaniwala niyang usal. "Thanks for saving me." Alam naman niyang harmless si Haroun. Pero kung di pa dumating si Beiron ay baka mahirapan siyang makatakas dito.

"I didn't expect to be a knight in shining armor. Yayayain talaga kita na mag-dinner. Last day na kasi ng conference. Hindi na kita inabala dahil mukhang tutok na tutok ka sa mga lecture."

"Paano mo naman nalaman?"

He smiled impishly. "I have a way of knowing. And your director told me that you are dedicated. Ayaw mo daw inaabala kapag may trabaho."

"I have to. Importante ang conference para sa amin."  Inalalayan siya nitong sumakay sa pinakabagong model ng Mercedes Benz. "Saan tayo pupunta?"

"Somewhere…" anito at ngumiti.

"Akala ko sa hotel lang tayo magdi-dinner."

"We need more privacy." Mukhang seryoso ang idi-discuss nila.

Pumasok sila sa enggrandeng gate na may emblem ng pamilya Rafiq. Dalawang royal guards ang nakabantay doon. Di niya mapigilang humanga nang tumigil sila sa harap ng isang eleganteng villa. Idinala siya nito sa porch kung saan tanaw ang malawak na dagat. "This is so grand!

"This is the family's resthouse. So you don't have to worry about the press. Walang makakapasok dito. My father built it for my mother."

How romantic! Kaya pala may romantic atmosphere sa lugar na iyon.

Bigla siyang naging pormal. She didn't have time to dwell on romance. "So what are we going to discuss? Tungkol ba sa outcome ng conference?"

"Can you stay longer?" sa halip ay tanong nito. "Kahit one week."

"Anong gagawin ko dito sa loob ng isang linggo?"

Hinawakan nito ang kamay niya. "Magde-date tayo."

Napanganga siya. "Date?" Seryoso ba ito?

Tumango ito. "Hindi tayo nakapag-date nang nakakaraang araw dahil naging busy tayo pareho. Siguro naman free ka na. We can get to know each other better."

One week at magde-date lang sila? Di talaga ito sanay nang paligoy-ligoy. Pero bakit naman siya ang ide-date nito? Hindi na lang niya itatanong dito dahil baka bola-bolahin lang siya nito. "I am honored. Pero marami akong naiwang trabaho. I have a deadline to beat. You know that we are a bit understaffed."

Matiim siya nitong tiningnan. "I am not used to rejection."

"Puputulan ba ako ng dila dito kapag tinanggihan kita?"

"Siguro. Kapag di mo ako hinayaang dalawin ka sa Manila."

"Dadalawin mo ako? Bakit?"

"Anong bakit? I want to see you again."

He looked persistent and serious. Lumulutang pa rin ang isipan niya. Niyaya siya nitong mag-date at ngayon naman ay dadalawin pa siya pag-uwi niya. Bakit kailangan pa siya nitong tapunan ng panahon at atensiyon?

"Matutuwa kaming taga PBI na bisitahin ninyo, Sir Beiron. Para makita ninyo ang progress ng mga projects namin."

Bumuntong-hininga ito. "Wala ka bang inisip kundi ang trabaho mo? Ikaw lang naman ang yayayain kong mag-date at hindi ang buong institute."

Naumid siya. "I am afraid I don't go out on dates."

"All work and no play? That's boring."

"My job is all I've got." Iyon na ang buong buhay niya.

"Emir, the sheikh is asking if you can meet the king for an emergency meeting. He is still tied up in Shikarma." Isa iyon sa probinsiya ng Al Ishaq.

"Ihahatid na kita sa hotel mo. I will make it up with you next time," anito.

"You don't have to." Di naman nila kailangang magkita pang muli.

Nang makapasok siya sa hotel room niya ay di pa rin siya makapaniwala. Beiron asked her out on a date and she turned him down. Kaya lang siya sumama dito dahil akala niya ay tungkol sa trabaho.

He was a playboy like her father. Wala siyang mapapalang mabuti dito. Mas makakabuti rin kung di na niya ito makikita pa.