"Thank you, Dr. Kashmir," pasasalamat ni Khamya sa ophtalmologist na kumuha ng grado ng mata niya. He used the latest in technology. Di na siya kinailangan pang dalhin sa clinic nito. Iyon pala ay miyembro lang ng royalties ang pinagsisilbihan nito. Kaya wala pang isang oras ay nangako itong ide-deliver sa kanya ang bago niyang salamin.
"Anything for our Emir," anito at yumukod.
Nanlulumo siyang sumandal sa divan nang mapa-isa. Even its elegant softness couldn't make her comfortable. Kung ibang babae siguro siya ay matutuwa dahil nasa penthouse suite ni Emir Beiron Rafiq. Kahit inaaninag lang niya, tiyak niy ang marangya iyon. Pero siya naman ay hiyang-hiya. Nang-aabala na siya ng mga tao. Hindi kailangang royal ophthalmologist pa ang ipadala nito.
"Iyan ba ang bagong babae ni Sir?" narinig niyang bulong ng batang boses. Isa iyon sa mga kawaksi. "Bakit biglang nag-iba ang taste ni Sir? Mukhang manang."
"Manahimik ka nga, Ana. Nakakahiya naman sa bisita ni Sir. Baka marinig tayo," anang boses ng mas matandang kawaksi.
"Hindi naman niya tayo naiintindihan, Manang Mila," katwiran ni Ana.
"Mawalang galang na po. Pero wala po kaming relasyon ng boss ninyo," aniya nang di mapigilan ang sarili na magsalita. Kasiraan siya sa reputasyon ni Beiron na puro mga mamayayaman, sikat, magaganda at sexy na babae ang nakaka-date.
Nahigit ng dalawa ang hininga. "Naiintindihan ninyo kami, Ma'am?" tanong ni Ana sa nanginginig na boses.
Ngumiti siya. "Of course. Filipina din ako. I am Doctor Khamya Licerio," pagpapakilala niya. "Nakakatuwa naman dahil may ibang Filipino din pala dito." At kasama na rin sa pagiging Filipino ang pagiging madaldal.
"Mga girlfriend lang naman ni Sir Beiron ang idinadala niya dito," anang si Ana na parang ayaw pa ring maniwala sa kanya.
"Tinulungan lang niya ako." Ikinuwento niya ang nangyari sa lobby ng hotel. "Kaya nagpadala siya ng ophthalmologist para sa akin."
"Pasensiya na po, Ma'am," hinging paumanhin ni Mila. "Hindi naman namin sinasadya na paghinalaan kayong boyfriend ni Sir."
Lumuhod si Ana sa harap niya at ginagap ang kamay niya. "Ma'am, parang awa na po kayo. Huwag po ninyo kaming isusumbong kay Sir Beiron. Mahirap lang po ang pamilya ko sa Mindanao. Sa akin lang po sila umaasa ng ikabubuhay. Paano na po kami kapag nawalan ako ng trabaho."
Ngumiti siya. "Ana, balewala sa akin iyon. Wala naman akong planong magpahamak ng kapwa ko."
"Iyon po kasing ibang babae ni Sir sinusungitan kami. Lalo na kapag hindi kami makaintindi ng salita nila. English lang naman ang alam namin. Minsan hirap hirap pa po kami," sumbong ni Ana.
"Ako nga ang nahihiya dahil nakakaabala po ako sa inyo," wika niya.
"Hindi po kayo abala, Ma'am," anang si Aling Mila. "Bisita po kayo dito. Baka po nagugutom na kayo. Ano po ang gusto ninyong kainin? O-order po kami."
"Kakain lang po ako kung kasalo ko kayo." Malungkot kumain nang mag-isa. Isa pa, natutuwa siya dahil may mga kababayan siya sa bansang iyon. Parang di rin siya nalalayo sa Pilipinas.
"Kung ganoon, tayo na lang dalawa ang sabay na kumain. Malungkot din kung mag-isa lang akong kakain."
"Sir Beiron!" sabay na bulalas ng dalawang kawaksi.
Napakapit siya sa armrest. Dumating na si Beiron. The air suddenly grew thick. Parang nahirapan siyang huminga lalo nang umupo ito sa harap niya. "I hope they are not bothering you, Khamya. Makulit sila minsan."
He was fluent in Filipino. There wasn't a hint of accent. His mother, a daughter of a Filipino Ambassador to Al Ishaq married an oil sheikh. At di kinalimutan ni Beiron ang pagiging Filipino nito kahit na royalty pa ito sa Al Ishaq.
"Nagkukwentuhan lang naman kami. Maagang natapos ang meeting mo?" Gusto niyang batukan ang sarili. Napakakaswal niyang kausapin ito. Baka mamaya ay bawal na maging maurirat ang mga babae doon. At nakalimutan niya itong igalang. Baka na-offend ito. "I mean… Your Highness…"
Humalakhak ito. "Your Highness? That sounds absurd."
"Ano ba dapat ang itatawag ko sa iyo?"
"Beiron would be fine."
"Hindi nila ako pupugutan ng ulo?" paniniyak niya.
"I am sick of formalities. Saka tayo lang naman ang makakarinig dito. Well, regarding my meeting I sent my assistant instead. I decided to join you for dinner."
"You don't have to bother on my account."
"But I want to."
"T-Thank you." Kahit gusto nitong manatili silang kaswal, di naman niya kailangan pang makipagtalo dito. Just let him believe that she was flattered. For the attention. So that was part of his charisma. He could make a girl feel important. Di siya dapat magpadala. Ano ngayon kung di ito pumunta sa meeting para sa kanya? Di naman niya hiniling dito na gawin iyon.
"Dr. Kashmir called me up. Less than an hour pa bago dumating ang salamin mo. Why the glasses? Contact lenses would suit you better."
"I am allergic to contact lens."
"Too bad. Hindi ko na makikita ang mga mata mo."
Akmang hahaplusin nito ang mukha niya nang awtomatiko siyang umiwas dito. "Ise-serve na nila ang dinner." Narinig niyang bumukas ang pinto at ipinasok na ang trolley na hula niya ay room service. Bigla na lang siyang kinabahan. Di niya alam kung tama ang ginawa niya. She just acted on impulse.
"So you are Philippine Biotechnology Institute's representative. This is pretty interesting. You are their youngest staff, right?"
Tumango siya. "Thank you for the invitation, Sir. It is quite an opportunity…"
Natigil siya sa pagsasalita nang ilapit nito sa bibig niya ang piraso ng steak. "Have some. Mahihirapan kang kumain dahil malabo ang mga mata mo."
Before she could stop her self, her lips opened automatically. The beef was tender and it was well done just the way she liked it.
"Delicious!" di niya mapigilang iusal.
Natigilan siya. Bakit siya nito sinusubuan na parang magnobyo silang nagde-date? At bakit siya pumapayag. Masyado naman siyang sinuswerte para magpasubo.
"Chef Angelo would be happy to hear that. During the conference, I can ask him to prepare a special Filipino menu for you. Matutuwa siya na ipagluto ang kababayan niya."
"He is also a Filipino?"
"Yes. Halos lahat ng staff dito sa hotel ay Filipino. After all, we have many skilled and talented workers. More?" tanong nito at ipinaghiwa ulit siya ng steak.