"Sir, sorry kung ngayon lang po ako nakatawag. Na-delay ang flight ko. May bomb threat kasi sa NAIA kanina. Di kami agad nakalipad. Ginabi po tuloy ako ng dating dito," paliwanag ni Khamya sa boss niyang si Director Nolasco. Ito ang head ng Philippine Institute of Biotechnology kung saan isa siya sa mga staff. Nasa Kingdom of Al-Ishaq siya para sa isang linggong conference.
"Mag-enjoy ka naman diyan, hija. Bukas pa naman ang conference. I heard that they have great bazaars there. They have beautiful and artistic vases. Magugustuhan tiyak iyon ng Misis ko."
Di niya mapigilang ngumiti. Sabi na nga ba niya't iyon ang hihingin nito. Pasalubong. "Opo. Mag-uuwi po ako ng pasalubong para sa kay Ma'am Ditas."
"Maraming salamat, hija."
"Ako nga po ang dapat magpasalamat dahil pinasama ninyo ako dito." Dalawang taon pa lang siya sa institute. Ngayon lang siya nabigyan ng pagkakataon na lumahok sa international conference.
"Magaling ka naman, hija. At pagdating sa cloning research, ikaw ang pinakamalaki ang interes. Bagay sa iyo ang conference na iyan. I will see you after ten days. Mag-uwi ka na rin ng boyfriend, ha?"
"Si Sir talaga," aniya at iiling-iling na nagpaalam dito. Saan naman siya makakahanap ng boyfriend sa conference na iyon? Malamang ay mga nerd rin na tulad niya ang pupunta doon. Mas interesado rin ang mga ito sa genetic mutation at embryonic fusion kaysa sa makipag-flirt sa babae. And she was there to work.
At the age of twenty-seven, she never experienced to have a boyfriend. Kahit nga crush ay wala. Naka-focus lang siya sa trabaho niya. Nabuhay siya ng walang ama. Kaya naman nagsumikap siya para bigyan ng magaang buhay ang nanay niya. Sa kasamaang-palad ay namatay na ito noong isang taon. Mag-isa na lang siya sa mundo at ang trabaho niya ang buhay niya.
Tumanaw siya sa terrace ng hotel room niya. The hotel was grand enough. Its design was Islamic and Mediterranean. After all, the Kingdom of Al Ishaq was a mecca of different cultures. It was situated at the Mediterranean. Bagamat mayaman sa langis ay di ito maingay. Hanggang ang isa sa mga sheikh o royal leader ng isa sa mga clan ay nakapag-asawa ng isang Filipina.
Things changed a lot. Naging open na ito sa kalakalan at ang dating istriktong Islamic na bansa ay naging malaya na rin para sa pagsamba sa ibang relihiyon. Ngayon ay ito na ang sentro ng horse breeding sa Mediterranean. They produced the best breed of Arab horses.
It was her first time to travel abroad. It should be pretty interesting. Maari siguro siyang mamasyal mamaya matapos maghapunan dahil walking distance lang ang night market sa hotel. Ayaw niyang ma-distract pa sa conference.
Alas sais ng gabi nang makaramdam siya ng gutom. Kung sa Pilipinas iyon ay ala una pa lang ng hapon. Di siya nakakain nang maayos sa eroplano dahil sa tensiyon. Marahil ay makakaayos na siya nang maayos ngayon.
She checked her meal allowance. "Siguro sa murang restaurant o café na lang ako." Ayaw niyang ipakipagsapalaran ang sikmura niya dahil di pa niya kabisado ang pagkain sa bansang iyon. Pero mamumulubi naman siya sa mahal ng pagkain sa hotel. It was a seven-star hotel. Baka soup lang ang mabili niya pag nagkataon.
Matapos iwan ang susi niya sa reception ay naglakad na siya sa lobby palabas ng hotel. Pumasok ang may pitong kalalakihan na pawang naka-amerikanang itim at makakasalubong niya ang mga ito. She stopped dead in her tracks when she saw the leader of the group.
He had Arab-Mediterranean features. His lashes were so long. Parang katulad sa manyika. His aura was commanding. Pagpasok pa lang nito sa kuwarto ay nararamdaman na niya ang lakas ng personalidad nito. His skin was brown as if he loved to stay under the sun. And his eyes were…
"Beiron! Oh, gosh! It's Beiron!" anang babae sa likuran niya at hangos na lumapit sa lalaki. Natabig siya nito at bahagya siyang natauhan. Kanina pa pala siya nakatayo doon at nakatulala.
Pinagpag niya ang natabig na balikat. "Excuse me, ha?" sarkastiko niyang usal. Sino ba ang lalaking iyon at nagkakandarapa ang babae na lapitan. Artista marahil. Wala naman siyang hilig sa artista.
Subalit di niya inaasahan nang magsunuran pang ibang babae. "Beiron!" tilian ng mga ito. Sa pagkakataong ito ay marami nang sumanggi sa kanya.
May isa pang tumulak sa kanya. "You are in the way, bitch!"
Napasadlak siya sa naka-tiles na sahig. Nasanggi pa siya ng ibang walang pakundangan na tumitiling babae sa ulo at nalaglag ang salamin niya. Narinig niyang bumagsak iyon sa semento. "A-Ang salamin ko," usal niya at kinapa ang sahig.
She was practically blind without her eyeglasses. Kailangan na niyang makuha iyon para makaalis sa lugar na iyon. It was so humiliating to stay on the floor. Marami pa manding taong nakakakita.
She went still when she heard something snap. "M-My glasses," she uttered with desperation. Patuloy pa rin sa pagkapa pero stiletto heels na ang nakakapa niya. Nasaan na ang salamin niya? Paano na siya kapag nasira iyon?
"Clear the way! Clear the way!" utos ng mga lalaki.
She heard the stilettos clearing away from her. She didn't care. She needed her glasses back. Natigil siya sa pangangapa nang may maaninag niya ang black leather shoes na nasa harap niya. Dahan-dahan niyang inangat ang tingin. Bagamat malabo ang mata niya ay nakilala niya ang lalaki kanina. She could feel his powerful aura emitting around him. Ganoon ba kalakas ang personalidad nito?
Umuklo ito at may dinampot. "Is this yours?"
Naaninag niya ang salamin niya. "Yes, it is mine."
"I am afraid it is broken."
She moaned in distress. Anong gagawin niya ngayon? "I guess it is okay." Kinuha niya ang salamin mula dito at tumayo. She had to pull herself up. Enough of the humiliation. Subalit umikot ang paningin niya at napasandig sa lalaki. Napasinghap siya. She couldn't help but admire his physique. Parang napakalakas kasi nito. Nakakapanghina ng tuhod na madikit dito. "I-I am sorry."
Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya interesado sa mga lalaki. O sa matipunong katawan nito.
She tried to pull back but his arms encircled her waist. "Are you okay?" he asked in a raspy voice. It was as enticing as the desert wind. Very manly. "Do you need any help?"
"Yes. I just want to get the number of the ophthalmologist. I need a new pair of glasses." Tatanungin na lang marahil niya ang receptionist tungkol doon.
"Don't worry. I know one."
"Really. Can I have his or her number?"
"I will take care of it."
She nearly shrieked when he swooped her in his arms. Napahawak siya sa lapel ng amerikana nito sa sobrang takot. "W-Where are you taking me?" she asked in a trembling voice.
Ano bang nangyayari? Bakit basta na lang siya nitong binuhat? Di naman siguro ito kidnapper. Wala siyang pambayad. Sana naman ay di ito terorista. O kaya ay rapist. She was in a foreign country. May mali ba siyang ginawa para bigyan ito ng ibang impresyon? Cheap ba ang tingin nito sa kanya?
"Don't worry. You will be safe with me," he whispered in a mesmerizing voice.
Natigagal siya nang isakay siya nito ng elevator kasama ang mga lalaking kanina pa nakasunod dito. Wala na siyang lakas na lumaban dito. She was at his mercy. Pumikit siya habang pilit na nilalabanan ang sarili na humilig sa balikat nito.
"It is okay to relax. I told you I won't harm you," he said in a comforting voice when he felt her stiffness.
"O-Okay," bulong niya at sa huli ay humilig sa dibdib nito. He was solid. The exact contrast of her softness.
Nanunuot sa ilong niya ang men's cologne nito. It wasn't irritating but putting disturbing thoughts inside her head. Everything about him made her notice how manly he was. Dati naman ay wala siyang pakialam sa mga lalaki.
Anong mayroon sa lalaking ito at pakiramdam niya ay babae siya?