Chapter 359 - Chapter 13

"Seryosong-seryoso yata tayo, ah!" puna ni Rolf kay Jenevie nang maabutan siya nito sa library. Sa kaliwang kamay ay hawak niya ang file ng previous case na hinawakan niya at ang ballpen sa isang kamay.

"Next week na ang arraigment namin sa kaso sa Batangas. I have to prepare for that one. Balita ko kasi mga matitinik at de kalibre na namang abogado ang makakalaban namin." Baka sa unang salvo pa lang ay hilingin na ng mga ito na ibasura ang kaso nilang harassment kay Don Ramon.

"Nagsusulat ka ng draft," anito nang tabihan siya. "You don't usually write a draft. Mas gusto mong direkta na sa computer ang mga iniisip mo."

Tiningnan niya ang nakabenda pang balikat. "Hindi ko pa pwedeng pwersahin ang balikat ko. Sumasakit pa rin ang sugat ko paminsan-minsan. At mapu-frustrate lang ako kung isang kamay lang ang gagamitin ko sa pagta-type. Kahit na nakakatamad ang handwritten, mas mabuti na ito kaysa naman di ako magtrabaho."

"Ako na ang mag-e-encode para ma-edit mo agad."

"Don't bother. Ipapa-deliver ko na lang sa kay Reihina para siya na ang mag-encode." Nakikituloy na nga siya sa bahay nito, gagawin pa niya itong sekretarya. Masyado nang abuso iyon.

Kinuha nito ang ilang pahinang naisulat na niya. "Bakit si Reihina pa kung nandito naman ako? Kayang-kaya ko na ito. Mag-e-encode lang naman pala." Saka nito binuksan ang laptop computer niya.

"Are you sure? Di ba galit na galit ka sa mga computers? Kulang na nga lang pasabugin mo noon ang desktop computer mo dahil di mo kabisado ang mga command," paalala niya. "Saka ayaw mo rin ng nagta-type. Baka ma-frustrate pa ako sa iyo kapag tuldok system ka."

Ngumisi ito. "Five years ago pa iyon, Attorney. Businessman na ako ngayon. Businessman." Tinapik nito ang laptop niya. "Bestfriend ko na ang computers ngayon kaya huwag mong mamaliitin ang kakayahan ko."

"Sige. Goodluck," aniya at ipinagpatuloy ang paggawa ng draft.

Manaka-naka niya itong sinulyapan habang seryosong-seryoso ito sa pag-e-encode. He looked cool, calm and serene. Mukhang hindi na kaaway ang trato nito sa computer. Ibang Rolf na yata ang kasama niya.

The first time she met him, he was so carefree. All he cared about were fast cars and women. Nang sabihin nitong iiwan na nito ang pangangarera at magtatayo ng negosyo ay di niya ito sineryoso. Parang di kasi ito magseseryoso sa buhay.

But he was a serious businessman now. Dahil na rin sa mga koneksiyon nito sa riding club ay palaki pa nang palaki ang negosyo nitong car dealership. He matured a lot. Di lang siguro niya napansin iyon dahil nangibabaw ang pakikipag-date nito sa iba't ibang mga babae.

"O! Nagta-type pa lang ako pero grabe ka na kung makatitig sa akin," untag nito sa kanya. "Hinay hinay lang. Baka ma-in love ka ulit sa akin."

Inirapan niya ito. "Yabang! Tinitingnan ko lang kung tama ang ginagawa mo."

"Tama iyan. Kahit tingnan mo pa!"pagmamalaki nito. "Siguro nanghihinayang ka dahil nawalan ka ng perfect boyfriend na tulad ko, no?"

Napanganga siya. "Ikaw? Perfect boyfriend?"

"Oo naman. Guwapo na, ready na ready ka pang pagsilbihan."

Pinisil niya ang pisngi nito. "Blessing ka nga. Kaya nga okay lang sa akin na I-share ka sa iba. I love to share my blessings."

Hinuli nito ang kamay niya. Sa pagkakataong ito ay mukhang seryoso na ito at di na nakikipagbiruan. "Evie, alam mo ba kung bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako nag-aasawa?"

"Dahil hindi ka pa sawa sa pagkabinata mo?"

Tinitigan nito ang mga mata niya. "I am waiting for you to come back to me."

She held her breath as his eyes held hers. She could see a lot of longing in his eyes. Matapos niya itong itaboy palayo, gusto pa nitong bumalik siya dito?

He was a man of pride. Once dumped, he looked for another girl to comfort him. Marami na itong babaeng naka-date at idinala sa riding club. Pero bakit kailangan pa rin nitong maghintay sa kanya?

Gusto sana niyang sagutin ang sinabi nito nang mag-ring ang cellphone nito. "Evie, magsalita ka naman," ungot nito.

"Sagutin mo muna ang tawag sa iyo," aniya nang di pa rin tumigil sa pagri-ring ang cellphone nito. She was relieved when he answered his call. DI kasi niya alam kung ano ang dapat niyang isagot dito.

Tumayo ito sa tabi ng bintana. "Hello!" anito sa aburidong boses. "Oh! Not now, Reichen. Tinutulungan ko si Evie sa trabaho niya ngayon. Anong wala akong mapapala sa kanya? Basta dito lang ako sa tabi niya. Ikaw na lang diyan."

"Ano iyon?" tanong niya nang tabihan ulit siya nito.

"Si Reichen. Gusto niyang sumunod ako sa Lakeside Music Lounge. Malamang may babae na naman iyong kasama."

"May usapan ba kayo ngayon?" tanong niya.

"Lagi naman kaming lumalabas basta di kami busy sa trabaho."

"Pumunta ka na. May usapan pala kayo. Safe naman ako dito sa villa mo kahit na iwan mo pa akong mag-isa."

Nangalumbaba ito. "Bakit parang itinataboy mo ako?"

"Of course not. Ayoko lang masira ang social life mo dahil sa akin. I don't mind if you go out with your friends and meet other girls while I am here. Mas iisipin kong pabigat ako sa iyo kung nandito ka lang at lagi akong iniintindi. Sige ka. Baka magpilit na naman akong umalis."

Tumayo ito subalit di pa rin umalis sa tabi niya. "Why don't you join me?"

"I am not in the mood to go out. Go ahead and enjoy."

"Paano ang ine-encode ko?"

Bahagya niya itong itinulak. "I told you it is Reihina's job."

"I will be back! Pagbibigyan ko lang sila," sabi nito habang palabas ng pinto.

Nakangiti niya itong kinawayan. She sighed when she heard him drove his car. She shouldn't take up too much of his time. Dapat ay alam niya ang limitasyon niya. Ayaw niyang paasahin si Rolf na maari pa nilang dugtungan ang nakaraan nila.

As much as she loved him, she couldn't put his life at risk.

Related Books

Popular novel hashtag