Chapter 357 - Chapter 11

"Good morning!" bati ni Rolf nang makasalubong niya ito paglabas niya ng kuwarto. "Susunduin sana kita. Breakfast is ready. Nag-toss ako ng salad. Sabi ni Jenna iyon daw ang gusto mo kapag breakfast."

"Sana sinabi mo sa akin para natulungan kita," sabi niya. Nakikitira na nga lang siya sa bahay nito ay wala pa siyang maitulong.

"Silly! Bisita kita. Tapos nagpapagaling ka pa. Hindi pwedeng magkikilos ka."

Idinala sito sa lanai kung saan tanaw ang man-made waterfalls. Naalala niya ang sinabi niya noon kay Rolf. Gustong-gusto niya ng waterfalls. "You have a nice place, Rolf. No wonder you love staying here."

"I am glad that you like it," anito at pinaupo siya. "Sorry kung hindi ko nasabi kagabi ang tungkol sa security camera. Baka na-upset ka dahil doon."

Umiling siya at uminom ng orange juice. "You know me. I tend to say or do stupid things sometimes. Tapos ibang tao ang sisisihin ko. Ako nga ang dapat mag-apologize sa iyo."

"Dahil naabuso mo ang bed sheet at blanket ko? Wala namang damage sa kanila. Hindi ko iyon icha-charge sa iyo."

"No. Minasama ko ang pagmamalasakit ninyo sa akin. That was ungrateful of me. I was trying to act superior. Pakiramdam ko kaya kong makipagpatintero sa mga bala at lumabas pa rin nang buhay. Sa klase ng trabaho ko, nasanay na akong ihanda ang sarili ko na anumang oras, pwede akong mamatay. Nakalimutan kong I-consider ang mga tao sa paligid ko. Ang pamilya ko. Ikaw."

"Ibig bang sabihin hindi ka na galit sa akin?" tanong nito.

Umiling siya at nilagyan ng dagdag na honey mustard sauce ang salad niya. "Not anymore. Wala akong karapatang magalit. Maliban na lang sa sinabi mong ibibigay mo ako sa mga assassins ko nang naka-gift wrap. That doesn't look really appealing to me."

 Humalakhak ito. "You shouldn't take that one seriously. I only blurted it out of frustration. Pero hindi kita kayang ipahamak."

"Are you sure it is okay if I stay here?"

"Of course. Ako mismo ang nagprisintang dito ka muna, di ba?"

"Paano mo maidadala ang mga ka-date mo? Baka masamain nila kapag nalamang may bisita ka dito."

"Anong ka-date? Hindi ako nagdadala ng ka-date dito. We have a guesthouse here where visitors and companions may stay. Ang babaeng pakakasalan ko lang ang pwede kong dalhin dito."

"I am glad that I didn't taint your belief in weddings and love."

Nang maghiwalay sila ay iba't ibang babae na ang naka-date nito. Walang tumatagal. May nagiging seryosong karelasyon. She didn't want to think that he was still carrying a torch for her. Gusto niyang makahanap ito ng babaeng magmamahal dito nang buo. Hindi second fiddle lang.

"When I met you, I started to believe in weddings and love. At kahit na maghiwalay tayo, di pa rin nagbabago ang paniniwala ko na mangyayari sa akin iyon. Ikaw, hindi mo ba nakikita ang sarili mo na ikakasal balang araw?"

"Dati. Noong boyfriend pa kita." Natawa siya. "Pero paano ko naman maiisip iyon ngayon sa dami ng balang humahabol sa aki?"

"Kahit si Spiderman at Superman nai-in love. Gusto ring ikasal."

"Hindi naman ako katulad nila. I am just trying to become realistic here. Kung magkakapamilya ako, ipapahamak ko lang sila."

Mataman siya nitong tinitigan. "Iyon din ba ang dahilan kaya ka nakipag-break sa akin noon?"

"Ha?" Napapitlag siya sa kinauupuan. Di niya sinasadyang nasabi dito ang isang sekreto. Ibinaba niya ang tingin sa plato niya. "Nag-break tayo dahil gusto mong iwan ko ang trabaho ko. You made me choose. It was hardly a different case."

Tumango ito. "Mahirap ding magka-girlfriend na member ng Justice League."

"You must be relieved when I broke up with you. Buti naman hindi ka pinahihirapan ng mga babaeng nakaka-date mo."

Tumiim ang anyo nito. "Huwag na nga nating pag-usapan ang mga ka-date ko. They don't really mean a thing to me."

"Paano iyong babaeng dadalhin mo dito at pakakasalan?"

Tinitigan siya nito. Parang may gusto itong sabihin pero pinili na lang na manahimik. "Finish your breakfast. May pupuntahan pa tayo."

"Saan?"

"Magsisimba tayo."

SINALAT ni Reichen ang noo ni Rolf. "Anong nakain mo at bigla kang nagpamisa, bro? Hindi ka nga pumapasok ng simbahan, di ba?"

Tinampal nito ang kamay ni Reichen. "Anong palagay mo sa akin? Naaabo kapag pumasok ng simbahan? Saka kahit na maabo pa ako, magsisimba pa rin ako para kay Evie."

Katatapos lang ng simba noon. Mula sa maliit na simbahan na matatagpuan sa gitna ng riding club ay tumuloy sila sa Rider's Verandah kasama ang malalapit na kaibigan ni Rolf pati na rin ang mga kaibigan ng kapatid niya.

Nagulat siya nang malamang ipinagpamisa siya ni Rolf. Nangako daw ito sa sarili na oras na makaligtas siya at mabuhay ay lagi na itong magsisimba.

"Well, that is one of the sweetest things that a man can do for me," Tamara, riding club's resident veterinarian commented with a sigh. Isa ito sa mga kaibigan ni Jenna Rose. "You must be really something, Attorney."

Natawa si Reichen. "Ibig sabihin sweet pala si Kuya Reid. Hindi ba naipagpamisa ka na rin niya minsan?"

Tumikwas ang kilay ni Tamara. "Wala akong natatandaan."

"Noong unang pasok mo sa riding club, ipinagpamisa ka niya. Para nga lang I-exorcise ka dahil nasama ka daw sa mga feminista."

Minulagatan ng mata ni Tamara si Reichen. "Ikaw yata ang tinablan ng holy water. Himala na wala kang ka-date ngayong araw na ito."

"Naku! Hindi ako nakikipag-date sa simbahan. It is a bad omen. Paano kung hinihintay pala iyong sign ng babae para magpakasal? Mapikot pa ako. Hindi pa ako sawa sa pagiging binata ko. Di ako katulad nitong si Rolf." Tinapik ni Reichen ang balikat nito. "Nagbabagong-buhay na. Tumitino lang dahil kay Jenevie. Kayo na ulit?"

"Eh, di under the saya ka na naman," kantiyaw ni Eiji.

"Hindi ako under," kaila ni Rolf at saka siya nilingon. "Steak ang gusto kong kainin kaya steak na rin ang sa iyo, ha?" May tono ng dominasyon sa boses nito.

"Ayoko ng steak. Gusto ko ng tuna salad."

"Salad na naman?" angal nito.

"Ano naman sa iyo kung mag-salad ako? Di naman ikaw ang kakain."

"Gusto ko pareho tayo. Salad na lang din ako," nakangiting sabi nito.

Pumalatak si Eiji. "Iyan ba ang hindi under? Di ka mananalo kay Attorney."

Inakbayan siya ni Rolf. "Evie, sabihin mo sa kanila na hindi mo ako under."

"Ha? Hindi naman tayo, di ba?"

"Magkasama tayo sa iisang bubong. Eh, di tayo," mariing sabi ni Rolf.

Inambaan niya ito ng suntok. "May sinasabi ka?"

Humalakhak si Eiji. "Ang sabi mo ako ang battered boyfriend dito?" Nobya ni Eiji ang nag-iisang female horse trainer sa riding club. Ininis ito ni Rolf na nagugulpi si Eiji dahil marunong makipagbabag ang girlfriend nito. "Now look who's the battered boyfriend here."

Related Books

Popular novel hashtag