Chapter 356 - Chapter 10

Napipilan si Jenevieve. Iyon ang dahilan kung bakit nagprisinta itong alagaan siya?

Umurong ito at parang hapong-hapo nang umupo sa swivel chair. "Masyadong matigas ang ulo mo. Di ka makumbinsi ni Jenna na sumama sa kanya o kaya kumuha ng bodyguard. May importante siyang fashion launch sa Milan kasama ang iba pang young designers na Filipino. Pero di siya makapag-concentrate dahil puro ikaw ang iniintindi niya. Kung aalis ka na naman, masisira na naman ang momentum niya sa pagde-design na ngayon pa lang niya nagagamit."

Napayuko siya. Masyado ba siyang selfish at sarili na lang niya ang iniisip niya? "Hindi ko naman kayo gustong abalahin. Ayoko rin naman na mag-alala kayo sa akin. Hindi ako sanay nang inaalagaan ako. Ayoko sa sitwasyon ko ngayon. Ayokong tinatrato akong imbalido!" maluha-luha niyang sabi.

She never felt so helpless in her life. She worked so damn hard so that she had a grasp of her own life. Bata pa lang ay siya na ang nagdedesisyon sa sarili niya. Kahit nang mahalin niya si Rolf, puso lang nito ang nakontrol niya. Utak pa rin ang hinahayaan niyang magdesisyon para sa sarili niya.

Di niya matanggap na ngayon ay sunud-sunuran siya sa iba. Parang wala siyang karapatan na magdesisyon para sa sarili niya.

Niyakap siya nito habang umiiyak siya. "We only care for you. Gusto lang namin na pahalagahan mo ang pag-aalala namin. Huwag mong isipin na nakakaabala ka. Kung sa ibang tao mangyari iyon, ganoon din naman ang mararamdaman mo, di ba? You will also do something to keep them away from harm. Walang masama kung hahayaan mo ang ibang tao na alagaan ka."

"I am sorry." Pinunasan niya ang luha niya. "Ayokong umiyak kasi…"

"Kasi malakas ka," dugtong nito. "Ni hindi ka rin umiyak nang mag-break tayo. This is not some sort of competition, Evie. Wala akong planong dominahan ka para ipakitang mas malakas ako sa iyo. All I care about is your welfare. I don't want to go through that hell again. When I thought I will lose you for good."

Tiningala niya ito. There was warmth in his eyes and it touched her heart. May pinagsamahan sila nito pero di niya alam kung gaano pa katindi ang nararamdaman nito para sa kanya. He was talking to her as if he still loved and he didn't want to lose her.

No. She didn't want to go through hell as well. Ayaw niyang makitang nasasaktan si Rolf dahil sa kanya.

"Rolf, I don't really think it is wise if I stay here."

Kinintalan nito ng halik ang noo niya. "Pag-isipan mong mabuti. I don't want to force you to stay here against your will. Kailangan lang namin itong gawin dahil gusto naming tiyakin na di ka susundan ng mga papatay sa iyo. Gusto rin naming magkaroon ka ng panahon para magpagaling."

Pumikit siya nang yakapin siya nito. She loved the feel of his arms around her. It was becoming more and more addictive. Parang ayaw na niyang umalis sa mga bisig nito. She felt safe.

Mabilis siyang lumayo dito. No! She shouldn't feel that way. Hindi na niya ito nobyo. Mind over heart. Di na siya dapat magpadala sa emosyon niya.

"Rolf, babalik na ako sa kuwarto ko. Ibabalik ko pa ang bedsheet saka iyong kumot. Sorry nga pala. Baka nasira ko."

Ngumiti ito at pinahid ang pisngi niya. "I don't mind. Gusto mo ba tulungan kitang magkalas?"

Umiling siya. "No. You don't have to."

"Umaandar na naman ang pagiging independent mo."

"I just want to fix my own mess. Just tonight. Let me do it on my own tonight," aniya at nagmamadaling bumalik sa guestroom.

Malakas na malakas ang tibok ng puso niya. Pwede siyang mag-hibernate sa ibang lugar basta huwag lang kasama si Rolf. Tiyak na di papayag si Rolf kung lilipat siya sa ibang lugar. After all, Stallion Riding Club was still the safest place her.

Isa lang ang problema niya. Hindi ligtas ang puso niya. Dahil walang ligtas na sa lugar sa riding club para maiwasan niya si Rolf.

Even her own heart was in his hand.

"SORRY, sis. Hindi ko gustong sumama ang loob mo sa akin. Ginawa lang naman iyon ni Kuya Rolf kasi gusto ka naming protektahan," hinging-paumanhin ni Jenna Rose nang tawagan ito ni Jenevie kinaumagahan. Nalaman niyang nasa Bohol na ito kasama ang nobyong si JED para makapag-concentrate sa pagde-design.

"Akala mo ba tinawagan kita para awayin?" aniya at bahagyang natawa. "Ako nga ang hihingi ng sorry. I didn't mean to hurt you. Yes, I was insensitive and selfish. Pasensiya ka na kung may overconfident kang kapatid. Pakiramdam ko kasi hindi ako basta-basta tinatablan ng bala."

Tumawa ito. "No. Matapang ka, Ate. Inggit nga ako sa iyo. Kung sa akin nangyari iyon, baka nagtago na ako sa lungga ng daga."

"I have to be strong. Maraming umaasa sa akin."

"Magpagaling ka, Ate. Para makabalik ka na sa trabaho mo. Alam ko nahihirapan ka dahil inalis ka namin sa buhay na nakasanayan mo. Temporary lang naman ito. Paggaling mo, magpahabol ka ulit sa bala," pabirong sabi nito. "Basta tiyakin mo lang na hindi ka nila mapupuruhan."

"Hindi talaga. Kasi ayokong ma-miss mo ako." Gusto pa rin niyang makasama ang mga taong nagmamahal sa kanya.

"I love you, sis," usal ni Jenna Rose.

"I love you, too."

"Huwag mo nang masyadong aawayin si Kuya Rolf. Kung nakita mo lang sana ang itsura niya nang akala niya patay ka na. Gusto na yata niyang mag-amok para hamunin ng mano-mano ang mga papatay sa iyo. He cares for you."

"I know." At may kasalanan din siya kay Rolf. Minasama niya ang pagtulong nito. "Don't worry. Magbe-behave ako."

"Malay mo magkabalikan kayo," tukso ni Jenna Rose.

"Hindi ako magtatagal dito," paalala niya. "Wala akong plano na guluhin ulit si Rolf. Mas maganda ang buhay niya kung wala ako."

Related Books

Popular novel hashtag