Chapter 345 - Final Chapter

"ARE YOU sure you are okay on your own? Baka kailangan pa kitang samahan sa taas," tanong ni Eiji habang mahigpit na hawak ang kamay ni Keira. He didn't want to let her go. Dapat ay aakyat na siya sa condo ni Monica. Pero ayaw pa rin siyang payagan ni Eiji na umalis siyang mag-isa.

Tinapik niya ang kamay nitong may hawak sa kanya. "Eiji, alam ko na nag-aalala ka sa akin pero kailangan ko itong gawin nang mag-isa. This is just between me and Monica. I hope you will understand."

Mahigpit siya nitong niyakap. "Fifteen minutes. I will give you fifteen minutes. Kapag hindi ka pa bumalik, pupuntahan na kita sa condo niya."

Nanlalamig ang kamay niya nang nag-doorbell. Tiniyak ng receptionist sa condo na naroon lang si Monica. Ilang araw na daw itong di lumalabas ng condo.

Si Monica mismo ang nagbukas sa kanya. Mugto ang mata nito, gulu-gulo ang buhok at nakayapak. She was far different from the glamorous Monica she knew. "Anong kailangan mo sa akin?"

"Pwede bang mag-usap tayo?"

Naglakad ito palayo subalit hinayaan nitong nakabukas ang pinto. Magulo ang condo nito. Nagkalat ang basyo ng bote ng alak sa sahig at pati upos ng sigarilyo.

"Anong gusto mong pag-usapan? Matapos kitang pagkatiwalaan, ganito pa ang gagawin mo sa akin? Pinsan kita pero inagaw mo si Eiji. He was mine from the start. Nakita mo naman siya sa party ko, hindi ba? Pero pinilit mong lumapit sa kanya para maagaw mo siya sa akin."

"Alam mo na siya ang sumunod sa akin, Monica. Iniwasan ko naman siya noon. Siya ang sumunod sa akin. Kung may problema ka dahil ako ang gusto niya, sa kanya ka magreklamo. I didn't ask for his love."

Pinahid nito ang luha. "Bakit puro na lang ikaw? Walang nagmamahal sa akin." Umupo ito sa carpet at niyakap ang tuhod. "Ano ba ang mayroon sa iyo at lahat na lang ng taong gusto kong magmahal sa akin, ikaw ang mahal?"

"Hindi totoo iyan." Paano nitong nasabi iyon? Marami nga itong mga kaibigan. Isa pa ay masaya na ito sa mundo nito. Anong kaiinggitan nito sa kanya?

"Si Eiji at si Papa pati na rin ang mga tao sa paligid mo. Lahat sila ikaw ang gusto. Ang mga trabahador sa rancho, mataas ang respeto sa iyo. Tinatrato ka nilang isa sa kanila. Nang pumunta ako sa riding club, nararamdaman ko na ikaw ang gusto ng mga tao. And I was treated like one of those bitches. Itinulad nila ako sa mga groupies na naghahabol sa mga members ng riding club."

Kung ganoon ay nakaramdam pala ng inferiority si Monica. Tingin kasi niya dito ay perpekto na ito. Na mataas ang tingin nito sa sarili at siya ay karaniwan lang sa tingin nito. Di siya pwedeng dumikit dito dahil nasisira ang magandang imahe nito. Pero sa nakikita niya, parang nag-iisa lang si Monica.

"Mahal ka ni Uncle Felipe. Ginawa niya ang lahat para sa iyo. Paano mo naman nasabing mas mahal niya ako?"

Pinalis nito ang luha. "Hindi. Ikaw ang gusto niyang kasama. I asked him to give up the ranch. Pero ang sabi niya, masaya ka kapag nasa rancho ka. Kapag nawala ang rancho, malulungkot ka. Kaya ibinenta ko ang rancho para di na kita makitang masaya. Pero sa halip na malungkot ka, dumating pa si Eiji. Matagal ko nang gustong mapansin ng katulad niya. At kung kailan may pagkakataon na ako, saka niya sasabihin sa akin na ikaw ang mahal niya?" Itinulak siya nito. "Sige nga! Ano ba ang ginagawa mo para ikaw ang mahalin nila?"

"Wala akong ginagawa!"

"Iyon ang nakakainis!" Dinuro siya nito. "Wala ka namang ginagawa. I did my best to be beautiful. Oo. Sinasabi nilang maganda ako. Pero hanggang doon lang iyon. Bakit wala silang maibigay na pagmamahal sa akin? I am better than you. What is wrong with me? Bakit hinayaan kitang agawin sila sa akin?"

"Hindi ko sila inagaw sa iyo." Tinabig niya ang kamay nitong nakaduro sa kanya. Sawang-sawa na siya sa paninisi nito sa kanya. Di siya mahal nito bilang pinsan. Isang kakompitensiya ang tingin nito sa kanya. "Alam mo kung anong problema sa iyo? Masyado kang naka-focus sa sarili mo. Gusto mong solohin ang lahat ng pagmamahal at atensiyon ng mga tao sa paligid mo."

"Sinasabi mo bang selfish ako?"

"Oo. Selfish ka! Ginagawa mo lang kung ano ang alam mong magpapasaya sa iyo. Ni hindi mo kino-consider ang kaligayahan ng iba. Hindi ko kasalanan na hindi ibenta ni Uncle ang rancho noon. Mahal niya ang rancho. At dahil minahal niya ang rancho, mahal ko rin iyon. Pero hindi mo nakita iyon. Gusto lang naman ni Uncle na mahalin mo ang rancho gaya ng pagmamahal niya. Masyado kang mataas. Gusto mo abutin ka ng mga tao sa pedestal mo. And it won't work that way. Di iikot ang mundo sa iyo. May sariling ikot ang mundo."

"Wala akong pakialam sa ikot ng mundo. Dapat ako ang mahal ni Eiji at hindi ikaw. Mapapatawad pa kita kung aalis ka sa buhay niya. Hayaan mo na kaming maging masaya. Hayaan mo nang ako ang mahalin niya."

Kinuyom niya ang palad at bumilang ng sampu. Kung naging lalaki lang si Monica ay kanina pa niya ito sinapak para matauhan. She was the ultimate selfish bitch. Paano niya hinayaan ang babaeng ito na palungkutin ang buhay niya? Ito ba ang babaeng sinasabi niyang nag-iisa niyang kamag-anak?

Tama si Eiji. Ginagamit lang siya nito kung kailan siya nito kailangan.

"I am sorry, Monica. Wala akong planong layuan si Eiji. At kahit layuan ko pa siya, di mo rin siya mauutusang mahalin ka. You cannot force a person to love you. Kusa iyong ibinibigay at nararamdaman. So stop being a brat! Grow up!"

Sumilakbo ang galit nito at itinulak siya palayo. "Go away, bitch! I hate you! I really, really hate you. Ayoko nang makita ka pa! You ruined everything for me!"

"No! Ikaw ang sumira sa sarili mo. Hindi ka naman marunong magmahal. Sarili mo lang ang mahal mo." Natigilan ito sa pagtulak sa kanya nang malapit na siya sa pinto. "Mahal pa rin kita dahil pinsan kita. Hindi matutuwa si Uncle na ganito ang nangyayari sa atin. Tayong dalawa ang nag-aaway. Pero hindi mo na ako mapapaikot sa mga palad mo. Kapag tanggap mo na ang pagkakamali mo at kaya mo na akong mahalin bilang pinsan mo, saka tayo mag-usap. Maghihintay lang ako."

Naiwan niyang tulala si Monica. Paglabas niya ay naroon na si Eiji at niyakap siya. "Are you okay? Hindi ka ba niya sinaktan?"

"I am okay. Let's go home."

Sa palagay niya ay sapat na ang nagawa niya para kay Monica. Di na niya kailangan pang baguhin ang isip nito. Ito lang ang makakabago sa iniisip nito. Ngayon ay kailangan na niyang harapin ang buhay niya nang walang takot kasama si Eiji. Kaligayahan naman niya ang iisipin niya.

"MADAMI ulit stars ngayong gabi, no? Sana ganito na lang lagi," sabi ni Keira at itinaas ang kamay na parang inaabot ang mga bituin. Nakahiga siya sa kandungan ni Eiji habang nasa wooden dock sila. Her wounds were now healed. Makakabalik na rin siya sa trabaho niya. Maibabalik na ulit niya sa normal ang buhay niya.

"Ako rin gusto ko lagi lang ganito. Iyong wala kang trabaho at wala kang iniisip kundi ako lang. Naalagaan kita nang di ka kumokontra," nakangiting wika ni Eiji. "Mas maganda ka talaga kapag sumusunod ka sa akin."

Pinisil niya ang ilong nito. "Parang sinabi mo na magpalatigo na naman ako para mapasunod mo ako sa iyo."

Tumawa ito. "Silly. Siyempre ayoko nang masaktan ka."

"Excited na akong bumalik sa trabaho. Nami-miss ko na ang mga alaga ko. Dinalaw ko nga kanina si Surreal. Nagmamakaawa na si Jay-R na bumalik ako dahil sa akin lang daw siya sumusunod. Nagpapahabol na naman kasi siya."

"Karibal ko na naman ang mga kabayo mo."

"Huwag ka nang magselos. Mas guwapo ka naman sa kanila."

Matagal na sandali siya nitong pinagmasdan. "Magpakasal na tayo."

"Ha? Hindi pa nga kita boyfriend tapos gusto mo kasal na agad?"

Nagulat ito. "Di mo pa ba ako boyfriend? Alam na ng buong mundo na ikaw ang girlfriend ko. Sinabi ko noong nakaraang interview ko, ah! Tapos ilang beses mo na ring pinagsamantalahan ang katawan ko…"

Nagpakawala siya ng upper cut. Mabuti na lang at maliksi si Eiji at nakailag. "Anong pinagsamantalahan ang katawan mo?"

"Halik ka nang halik at yakap ka nang yakap sa akin. Hindi pa pala kita girlfriend. Paano naman ang dangal ko?"

"Hindi pa kita boyfriend kasi di ko naman sinabing mahal kita."

Lumungkot ito. "Hindi mo ako mahal? Akala ko naman…"

Kinintalan niya ito ng halik. "I love you, Eiraun Jimuel Romero."

Bigla itong nagtatalon at nagsisigaw sa tuwa. "Yahoo! Sinabi na niya sa akin na mahal niya ako. Nag-I love you na si Keira."

Mabilis niyang tinakpan ng palad ang labi nito. "Ano ba? Huwag kang maingay. Baka mamaya anong sabihin ng mga tao. I love you lang, nagwawala ka."

Kinabig nito ang baywang niya. "Anong I love you lang? Coming from you, it was the best thing I've ever heard. Mahal mo talaga ako?"

Tumango siya. "Oo. I don't just appreciate you as a man. Ikaw lang din ang una at nag-iisang lalaking mahal ko. You made me feel special. You made me feel like a woman. Habang parang lalaki ang tingin sa akin ng iba, naiparamdam mo pa rin na mahal mo ako nang di ko binabago ang pagkatao ko."

"Because you are special enough, woman enough for me. Hindi mo kailangang ibahin ang sarili mo para tanggapin ng ibang tao. It is your personality that makes people love you. Ayan! Mahal mo na ako. Will you marry me?"

"Kanina pa iyang marriage proposal na iyan. Kailangan ko ba talagang sagutin ang tanong na iyan ngayon?"

Nagkibit-balikat ito. "Nagtatanong lang naman ako. Di ako namimilit."

"I would love to marry you but not now. Gusto kong maayos muna ang relasyon namin ni Monica. Ayokong wala siya kapag kinasal tayo. Saka kare-regular ko pa lang sa trabaho. Hayaan mong I-enjoy ko muna siya."

"Yes. Hindi kita kailangang madaliin." Niyakap siya nito. "What's important is that we love each other. Tutulungan din kita na magkaayos kayo ni Monica."

"Thanks, Eiji." Tumingala siya. "I guess you are the reason why the stars always shine so bright for me."

"But you sure shine brighter."

Their eyes met and their lips followed. She didn't wish for someone like Eiji. Natutuwa siya na dumating ito sa buhay niya kahit di niya hinihiling. Because of him, she started wishing for love and forever. And she knew that it was granted.