KEIRA was still having a time with Surreal. Ayaw pa rin nitong magpahawak hanggang ngayon. She threw a lasso over its head. Bagamat nahuli na niya ito ay ayaw pa rin nitong pumayag na magpaakay. Nagwawala pa rin ito.
Sa wakas ay napahinahon nila ito pero ayaw namang lumakad. Hinayaan muna niya si Jay-R na makipagkulitan kay Surreal. Siya naman ay magpapahinga.
"That horse is playing hard to get. Manang-mana sa trainer."
Naningkit ang mata niya sa komento at lumingon ang nagsalita. There was Eiji, leaning against the fence. "Mr. Romero, what are you doing here?" pormal niyang tanong. "Baka nakakalimutan mong bumalik na ang ban mo dito during training hours. Kay Yuan na ang kabayong tine-train ko."
"Aalis din ako agad. Nami-miss lang kita."
"Eiji, let's go to the lake!" yaya ni Monica dito na parang gustong-gusto nang makalayo sa training center. Inaalalayan naman ng isa sa mga assistant trainer ang kabayo ni Eiji.
"Pumunta na kayo ni Monica sa lake," pagtataboy niya. Ayaw niyang pag-isipan sila ni Monica nang di maganda. Ilang sandali na nga lang dadalaw sa kanya ang pinsan niya ay sisirain pa niya ang araw nito.
Hinawakan nito ang kamay niya. "Sabihin mo munang miss mo ako."
"Huwag kang madrama. Nasabi ko na kanina iyan."
"Iba kanina. Iba ngayon," ungot nito.
Inambaan niya ito ng suntok. "Pumunta ka na doon. Maiinip si Monica."
"Sabihin mong miss mo na ako para di siya mainip."
Namaywang siya. Pagdating sa pangungulit ay di na niya matatalo pa si Eiji. "Alright! I miss you. Now go!"
Sa halip na lumayo ay lalo pang dumikit si Eiji sa corral fence. "How about a kiss? Ni hindi mo ako nahalikan kaninang umaga."
"Next time. Kahit na marami pang kiss. Oras na mahuli ka ni Sir Reid, ihahagis ka noon palabas ng riding club."
Inilapit nito ang mukha. "That's why you should give me a kiss. Hindi ako aalis dito hangga't di mo ako hinahalikan."
Di niya alam kung dapat niya itong pagbigyan. Biglang pumunit ang malakas na tili ni Monica. Nang lumingon siya ay nakaangat ang paa ni Serenity at nagwawala. As if it wanted to dislodge its rider. Sumampa siya sa corral fence at tinakbo si Serenity. Napahinahon naman niya ito.
Inalalayan ni Eiji na bumaba ng kabayo ang namumutla at umiiyak na si Monica. "That damn horse nearly killed me. Basta na lang siyang nagwala. I thought she is a gentle horse."
"She is," she replied. Hinaplos niya ang leeg ni Serenity. Nawala na ang tensiyon nito nang maibaba si Monica.
"What a gentle horse. Muntik na akong mamatay!"
"Baka naman may nakitang hayop si Serenity na ikinagulat niya," hula ni Eiji.
Umiling siya. "Na-train siya para di basta basta matakot sa mga hayop o kahit pa sa ugong ng mga sasakyan. Baka nasaktan lang siya kaya siya nagwala."
"At ano ang makakasakit sa kanya? Wala akong ginagawa!" halos histerikal na bulalas ni Monica.
Hinaplos ni Eiji ang likod nito. "Mabuti pa ibabalik na kita sa guesthouse. I will ask Doctor Mondragon to see you."
Lalo pa itong nangunyapit kay Eiji. Halos ayaw nang nitong bumitiw sa binata. "No! It is depressing there. Pwede bang sa villa mo na lang. I feel at ease there."
Nagkatinginan sila ni Eiji, humihingi ito ng permiso. "Sige na. Dalhin mo siya."
"Monica, hihintay lang tayo ng susundo sa atin," bulong ni Eiji habang naghihintay ng golf cart. Tumawag na rin si Eiji kay Doctor Mondragon. "Ipadala mo na rin ang mga kabayo sa stable ko sa villa. Gusto ko doon muna sila," pakiusap nito sa kanya.
Tumango siya. "Ako na ang bahala."
Malungkot niyang tinanaw ang mga ito habang palayo. Nilapitan siya ng assistant na si Jay-R. "Ma'am, sa palagay ko may ginawa ang babaeng iyon para magwala si Serenity. Di naman basta-basta nagwawala si Serenity, di ba?"
"Huwag kang magbintang. Masama iyan."
"Masamang magbintang ng walang ebidensiya," paalala niya.
"Basta! Di ako papayag na pagbintangang bayolenteng kabayo si Serenity."
KEIRA was holding a colorful hairclip. Di talaga tumigil si Jay R hangga't di nito nahahanap ang salarin sa pagwawala ni Serenity. It was Monica's hairclip. Maaring nalaglag iyon nang nagwala si Serenity. Papunta sa villa ni Eiji kung saan pansamantalang tumutuloy si Monica ay iniisip na niya ang pagtatanong na gagawin sa pinsan. Kung sinadya nga nitong saktan si Serenity o hindi.
Pagdating sa villa ay nasalubong niya ang kotse ni Eiji na palabas. "Keira, dadalawin mo ba si Monica?"
"Nagpapahinga pa ba siya?"
"Sa palagay ko magigising na rin siya."
"Is she okay?" Di niya maiwasang mag-alala sa pinsan. Sinadya man nito o hindi ang pananakit kay Serenity, nalagay pa rin sa panganib ang buhay nito.
"Yes. Doc Kester made sure of it. Pumasok ka na sa loob. Ipinatawag ako ni Neiji. May bago siyang commercial at isa ako sa potential models. Huwag kang magseselos sa leading lady ko, ha?"
"Hindi ako magseselos."
"Kung tulog si Monica, I-check mo na rin si Serenity sa stable ko. Dadating din si Doc Tamara para I-check siya. Nagpapaanak pa kasi siya."
"Ako na ang bahala." Inakyat niya sa kuwarto si Monica pagpasok ng villa. "Monica! Monica!" tawag niya at kumatok sa guestroom kung saan ito tumutuloy. Nang walang sumagot ay binuksan niya ang pinto. Wala sa loob si Monica. Tinawag muli niya ito. "Monica! Monica!"
She heard a horse's whine. Animo'y nasasaktan. Sumasal ang dibdib niya. "Serenity!" Dali dali siyang pumunta sa stable at naabutan si Monica na hinahagupit ng maliit na latigo si Serenity. Serenity was obviously in great pain. She kept on trashing. Pero dahil nakatali ito ay di ito makatutol. It nearly broke her heart.
"Monica, tama na iyan!" saway niya.
Matalim ang mata nito habang patuloy sa paghagupit kay Serenity. "Huwag kang makialam. Tinuturuan ko ng leksiyon ang kabayong ito. She nearly killed me."
Pinigilan niya ang kamay nito. "Monica, huwag! Maawa ka. At di naman siya magwawala kung di siya nasaktan." Ipinakita niya ang hairclip. "Ginamit mo ba ito sa kanya kanina?"
Tinabig ni Monica ang kamay niya ay nabitiwan niya ang hairclip. "Oo. Dahil gusto kong makuha ang atensiyon ni Eiji. At this is one bitch of a horse. Bakit kailangang sabihin ni Eiji na ikaw ang sasakay sa kanya? Girlfriend ka ba niya at kailangang ikaw lang ang sumakay sa kanya?"
"Hindi. Ako ang trainer niya. Iyon siguro ang ibig sabihin ni Serenity. Baka nag-aalala siya na sa akin pa lang susunod si Serenity."
"Ako ang magiging girlfriend ni Eiji. Dapat lang na sumunod sa akin ang kabayong ito dahil ako na ang magiging master niya."
Ihahampas muli ni Monica ang latigo kay Serenity nang pigilan niya ang kamay nito. "Monica, tama na! Walang ginagawang masama sa iyo ni Serenity. If you want to be recognized as her master, you can do it properly."
"I can do whatever I damn please." Pumiksi ito at itinulak siya palayo. "Bumalik ka na lang sa trabaho mo. Wala ka nang pakialam sa amin. Go away!"
Serenity was a gentle horse. She never experienced any pain. Bilang horse trainer nito ay iniwas niya ito sa paraan na kailangang gumamit ng pananakit para mapasunod ito. hurting her would break her spirit. Mata-trauma ang kabayo at baka di na nito naisin pang magtiwala. She worked so hard to gain Serenity's trust. Di siya papayag na mawala iyon.
Itinaas ni Monica ang kamay, naghahanda sa mas matinding hagupit. Hindi na siya nag-isip pa. Bago pa bumagsak ang latigo sa katawan ni Serenity ay hinarangan na niya ito. Sa halip na si Serenity ang tamaan ay gumuhit ang latigo sa katawan niya. Mainit iyong humiwa mula sa balikat niya palihis sa likod niya.
Nahigit niya ang hininga at napaigik. Lalo siyang napayakap kay Serenity sa sobrang sakit. Hindi siya makagalaw. Parang gusto na lang niyang mamatay nang oras din na iyon para mawala ang sakit.
"Monica, anong ginagawa mo?" galit na sigaw ni Eiji.
Gulat na nabitiwan ni Monica ang latigo. "H-Hindi ko naman sinasadya."
Eiji walked towards them in angry strides. "Anong hindi sinasadya?" Dinaluhan siya ni Eiji. Nanlaki ang mata nito nang makita ang likod niya. "Keira!" He flipped his phone. "Doc Kester, bumalik ka dito sa villa. Emergency! Idala mo na rin si Doc Tamara o kahit sinong assistant niya. It is okay. Dadating na sila."
"Eiji, it is her fault!" anang si Monica habang kagat-kagat ang dulo ng darili. "Humarang kasi siya kay Serenity."
Tumalim ang mata ni Eiji. "Wala kang karapatan na saktan siya o si Serenity." Binuhat siya ni Eiji. "I suggest that you pack your bags, Monica. I will ask someone to take you back to Manila."
Gusto sana niyang makipagkompromiso kay Eiji. Ayaw niyang magalit ito kay Monica. But he looked so mad. She didn't want to dare contest it.
"Bakit ako ang aalis?" tanong ni Monica. "Nagagalit ka ba sa akin dahil nasaktan ko si Keira. Di ko naman sinasadya. I am sorry. At tungkol sa kabayo mo…"
Tumalikod si Eiji. "Just leave! Bago maubos ang pasensiya ko."
Napahagulgol si Monica. "Paano ako? Paano tayo?"
"There is no us, Monica. We went out but that's it. Isinama kita dito sa riding club para makita mo si Keira. Wala nang iba."
Nanlumo si Monica. "Akala ko ba gusto mo ako?"
"Wala akong sinabing gusto kita," mariing wika ni Eiji. "We didn't even go out. So you have no right to act as if you own me or you have control over me. Magpasalamat ka dahil pinsan mo si Keira. I will never forgive you for hurting the woman I love."