Chapter 337 - Chapter 12

"Eiji! Eiji!" tawag dito ng dalawang babae. Hula niya ay mga guest ito sa riding club. Ang isa ay matangkad at payat habang ang isa pa ay maliit nga pero halos lumuwa na ang dibdib sa suot nitong cocktail dress na may plunging neckline.

Nagulat siya nang pupugin ng halik ng mga ito si Eiji sa mukha. Marahil ay normal iyon na batian para sa iba. Parang handshake nga lang ang halik sa ibang bansa. Pero di pa rin niya matanggap na may ibang babaeng nakahalik kay Eiji. Siya nga ay hanggang sa noo lang nito nahalikan. Unfair!

"Amy, Liztine," anang si Eiji na nagulat din.

"We miss you. Natuwa kami ni Liztine nang makita ka. Why you go with us to Marcelo's yacht party?" yaya ng babaeng mukhang anorexic.

"I am afraid I can't," Eiji refused. "I have a date tonight."

Tumaas ang kilay ni Liztine. "You have a date with whom?"

Di niya alam kung bulag ang babae. Hindi ba nito nakita na kasama siya ni Eiji? Or was she really non-existent? Hindi siguro siya recognizable na ka-date ni Eiji. She was on her usual jeans and shirt. Wala naman siyang ibang damit, Kaya nga naka-jeans at T-shirt din si Eiji para di daw siya mailang sa date nila.

Mahigpit na hinawakan ni Eiji ang kamay niya. "I am with Keira. Next time maybe, girls." Itinuon ulit ni Eiji ang atensiyon sa kanya. Kung titigan siya nito ay parang siya lang ang babae sa lugar na iyon. And the other two didn't exist.

Binigyan siya ng matalim na tingin ng dalawang babae bago okupahin ang mesa na di kalayuan sa kanila. Bigla siyang di naging komportable.

"Bakit di mo sila pinasalo sa atin?" tanong niya kay Eiji. "Nakakahiya naman sa mga kaibigan mo."

"Keira, matagal kong hinintay ang chance na mai-date ka. Tapos hahayaan mong maabala tayo. Parang ayaw mong kasama ako," nagtatampo nitong sabi.

"Hindi. Baka lang isipin nila binabalewala mo sila." Ayaw niya ng gulo sa mga kaibigan nito lalo na't guest ang mga iyon sa riding club.

"They won't mind. Alam nilang may ka-date ako. At kapag magkasama tayo, gusto ko sa akin lang ang focus mo. Ganoon din ako sa iyo."

They ate dinner with a smile on her face. Asikasong-asikaso siya ni Eiji. At nakita niya ang pagmamalaki sa mga mata nito kapag ipinakikilala siya sa iba. Di tulad ng dalawang nauna, mukhang mababait ang mga sumunod na makilala niya. They made her feel welcome. Ang ibang asawa o girlfriend ng ibang member ay gusto pang sa kanya ipa-train ang mga kabayo ng mga ito.

Sumaglit siya sa restroom. Paglabas niya ay nakaabang na sa pinto sina Liztine at Amy. "So what did you do to our Eiji?" tanong ni Amy.

"Your Eiji?" Pag-aari ba ng mga ito si Eiji? "I am sorry. Hindi ko kayo…"

"You are that smelly horse trainer!" anang si Liztine at dinuro siya. "Ang lakas ng loob mong lumapit kay Eiji. Dapat kami ang kasama niya at hindi ikaw."

"Matagal kong pinaghandaan ang pagbalik sa riding club para mai-date ulit si Eiji. Tapos ikaw lang ang ipapalit niya sa amin?" nakataas ang kilay na sabi ni Amy at ipinaypay ang palad sa mukha. "My, my, what's happening to this riding club? Kung sinu-sino na lang ang nakakapasok dito na wala namang karapatan."

"So back off, ambitious horse trainer," anang si Lizette at itinulak siya sa braso. "Eiji Romero is ours. Kahit sino sa amin basta wag lang ikaw."

Di siya makahuma sa dalawa. Pwede siyang makipagbangasan ng mukha sa mga lalaki pero di siya nakikipag-away sa mga babae. Ayaw din niya ng gulo. Oras na patulan niya ang dalawa, si Eiji ang mapapahiya.

"Girls, may problema ba kayo sa ka-date ko?" nakahalukipkip na tanong ni Eiji na nakatayo lang sa likuran. Hindi niya napansin ang pagdating nito. Marahil ay natagalan ito sa pagbabalik niya kaya sinusundo na siya.

"W-Well, we are just orienting her regarding some of the rules in the club," Amy uttered casually. Ito ang unang nakabawi sa pagkabigla.

"And what is that rule?" Eiji asked with slitted eyes.

"She has no right to mess up with our man." Lumapit si Liztine kay Eiji. "Anong ginawa niya sa iyo? Tinakot ka ba niya para I-date ka. Poor Eiji!"

Iniwas ni Eiji ang mukha nang tangkang hahaplusin ni Liztine. Nang ibaling nito ang mukha ay madilim na iyon. Noon lang niya nakitang sumama ang timplada nito. Parang di siya sanay na makita itong nagagalit. "Looks like you are the one who needs orientation, girls." Hinapit ni Eiji ang baywang niya. "You have no right to mess up with my date. You have no right to call Keira a smelly horse trainer. Kung walang tulad niya, baka dinambahan na kayo ng mga kabayo dito. The horse club runs because of hard working people like her. At kung may problema kayo dahil siya ang ka-date ko, sa akin kayo magreklamo."

Pagak na tumawa si Liztine. "B-Binibiro lang naman namin siya."

Nanatiling madilim ang mukha ni Eiji. Wala itong planong tumanggap ng biro. "Oras na guluhin pa ninyo si Keira o pagsalitaan ng di maganda, di na kayo makakatapak pa dito sa riding club. The warning goes to everyone."

Eiji pulled her away. He was walking with angry strides. Sa halip na bumalik sa mesa niya ay hinatak siya nito papunta sa wooden walkway na siyang nagdudugtong sa wooden porch ng Lakeside Café at wooden dock sa tabi ng lake.

Pinigilan niya ang kamay nito dahil siya ang hinihingal sa bilis ng lakad nito. "Eiji, tumigil ka muna. Hindi mo naman kailangang gawin iyon sa kanila."

"At wala rin silang karapatan na guluhin ka. They should know their place."

"Siguro gusto ka lang nila at nagseselos sila."

"Hindi ko naman sila gusto. They had their chance when I dated them before. What a pity that I dated them once. I swear! Oras na may gumulo pa sa iyo…"

"Gaano ba kadami ang naka-date mo? Para naman malaman ko kung ilan ang aasahan kong magko-confront sa akin at iiwasan ko sila para walang gulo."

Bumuntong-hininga ito. "Oo na. Marami na akong naka-date. May naging girlfriend din ako sa kanila. Pero wala na akong balak I-date sila ulit. They had their chance then. HIndi ko sila ginugulo kaya huwag din nila akong guluhin."

"Don't worry. Di kita guguluhin kapag may iba kang ka-date."

Ihinarang nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya at kumapit sa wooden rail. Animo'y nakakulong siya habang titig na titig ito sa kanya. "Sino naman ang may sabi sa iyo na plano kong makipag-date sa iba?"

"Tapos na tayong mag-date, di ba?"

"Are you trying to get rid of me?"

Umiling siya. "I am just realistic. Kung makakahanap ka ng ibang babaeng gustong I-date, walang problema sa akin. Hindi naman kasi ako ang katulad ng mga ibang babaeng naka-date mo na. They are beautiful and…"

Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. "And you are more beautiful than them. Hindi mo rin sila katulad kaya nga ikaw ang gusto kong kasama. Kung anuman ang sinabi nila sa iyo, huwag mong papansinin."

"Hindi naman ako naapektuhan sa sinabi nila." Ngumiti siya at tinapik ang pisngi nito. "Pero salamat sa pagtatanggol mo sa akin. Ngayon lang may nagtanggol na lalaki sa akin. Kaya nga gagalingan ko pa lalo ang pagtatrabaho para di ka mapahiya."

Bumagsak ang mga kamay nito. "Trabaho na naman? How about me?"

"You will have my eternal gratitude."

"Eternal gratitude lang?" dismayado nitong tanong.

"Ano ba ang gusto mo?"

Umurong ito at iniwas ang tingin. "Wala. Ihahatid na kita sa lodge dahil baka pagalitan ulit ako ni Doc Tamara kapag late ka nang umuwi."

What's wrong with eternal gratitude? What else does he want from her? Kaya rin ba niyang ibigay kung hihingin man nito sa kanya?