Chapter 336 - Chapter 11

Nakatitig lang si Keira kay Eiji habang palapit ito. He was wearing a casual jeans and T-shirt. Suot din nito ang tennis shoes nito. Bahagya pang basa ang buhok nito. He was a refreshing sight. She let out a sigh. Di na niya maalis ang tingin dito. Di na nga niya maalala ang warning ni Tamara na huwag ma-in love dito.

Halos di naman hiningal si Eiji nang makalapit sa kanila. Sanay na itong magtatakbo kahit ilang oras dahil na rin sa paglalaro niton ng tennis. "Keira, kumusta ang tour ninyo? Saan na kayo pupunta?"

"Wala pa kami sa kalahati ng riding club. Sa arena kami pupunta," sagot niya.

Namulsa ito. "Sasama ako sa inyo."

Akmang hahakbang si Eiji nang duruin ni Tamara ang noo nito. "Hey! Stop right there. Hanggang diyan ka lang. Di ka pwedeng sumama."

Nagulat si Eiji. "Ha? Bakit?"

"Baka makaabala ka lang kay Keira," katwiran ni Tamara.

"Tour lang naman ang gagawin ninyo, di ba? Bukas pa ang simula ng trabaho niya. Saka magaling akong tourist guide," pagmamalaki ni Eiji.

Namaywang si Tamara. Wala itong balak na pagbigyan si Eiji. "Baka naman gusto mong maawa kay Kiera. It is bad enough that you recommended her. Tongues are starting to wag now. Di pa nga nagsisimula ang trabaho niya, sira na ang reputasyon niya. Kaya dumistansiya ka muna sa kanya."

"Okay," sagot ni Eiji. Wala na itong balak na makipagtalo pa kay Tamara. Nakangiti itong bumaling sa kanya. "Sabay na tayong mag-lunch, Keira."

Pumagitna sa kanila si Tamara. "Keep your distance, Eiji."

"Pagkatapos ng tour mo, dinner tayo," anang si Eiji at pilit siyang sinilip kahit na nakapagitna pa sa kanila si Tamara.

"Aayusin pa niya ang gamit niya," matabang na sagot ni Tamara. "Maaga din siyang magpapahinga dahil may trabaho pa siya bukas. Sa day off na lang niya."

"Okay," nakangiting sang-ayon ni Eiji nang biglang matigilan. "Day off niya? HIndi ba next week pa iyon?"

"Para di mo siya maabala sa trabaho." Itinulak ni Tamara si Eiji sa dibdib. "So stay away from her for a while. Ibang babae muna ang pagkaabalahan mo."

"Anong ibang babae? Ano naman ang gagawin ko sa kanila?" tanong ni Eiji. Kinawayan siya ni Eiji. "Huwag mong pansinin si Doc Tamara. Wala naman talag akong pakialam sa ibang babae."

"Naku! Pati si Keira bobolahin mo pa," pang-iinis ni Tamara.

Namula si Eiji. "Doc, huwag ka namang ganyan. Naririnig ni Keira."

"Ano ngayon kung marinig niya na playboy ka? Totoo naman. Hangga't nandito siya sa riding club, titiyakin kong di mo siya mauuto," kontra ni Tamara.

"Keira, o!" anang si Eiji sa kanya na parang batang nagsusumbong at humihingi ng saklolo.

Di niya mapigilang matawa dito. Pagdating wala sa mataray na doktora ay wala itong panama. "Sige. Bukas tayo mag-dinner." Para lang tigilan na nito ang pangungulit at pakikipag-kontrahan kay Tamara.

Lumapad ang ngiti ni Eiji at sinunggaban ang kamay niya. "Basta magkita tayo bukas, ha? Susunduin kita."

Pilit na pinaghiwalay ni Tamara ang kamay nila. "Oo na. Pumayag na siya. Umalis ka na dahil marami pa kaming pupuntahan. May practice ka pa mamaya." May sariling tennis court si Eiji sa bahay nito sa Woodridge Mansion at doon din nito ginagawa ang training nito. For him, Stallion Riding Club was also a home.

Nag-flying kiss si Eiji sa kanya. "Don't forget our date tomorrow."

Napangiti siya habang kinakawayan ito nang papalayo na. Mukhang sa wakas ay di rin siya nakatanggi sa pakikipag-date dito. Matutuloy na ang date nila.

"Compare to other girls who want Eiji's attention, I like you. Sabagay, di ka naman kasi naghahabol sa kanya. Si Eiji ang sumusunod sa iyo," Tamara commented. "Don't worry. Oras na pinaiyak ka ni Eiji, magugulpi siya sa akin."

Tumawa lang siya. "Sa palagay ko hindi ako paiiyakin ni Eiji."

"Takot lang niya sa iyo. Baka ikaw pa pala ang gumulpi sa kanya."

No. She believed that Eiji didn't have the heart to hurt her.

MAHIGPIT ang kapit ni Eiji sa kamay ni Keira nagdi-dinner sila sa Lakeside Café. Pinili nito ang table na malapit sa wooden rail. Ilang hakbang mula doon ay ang Taal Lake na. "Eiji, hindi ako mawawala," untag niya dito habang hinihintay nilang dumating ang in-order nila.

Luminga-linga ito. "Baka mamaya kumontra si Doc Tamara kapag nakitang magkasama tayo. Date natin ito. Di ako papayag na pigilan niya."

Pinigil niyang matawa. "Ganoon ba kaimportante sa iyo ang date na ito?"

"Nakaka-frustrate lang. Ilang beses na kitang niyayang makipag-date. Lagi mo na lang akong tinatanggihan. Kaya di ako papayag na di ito matuloy. Sobrang tagal na ng pinaghintay ko."

"Don't worry. Sabi ni Doc, hindi daw siya makikialam sa atin basta hindi oras ng trabaho. Nag-aalala lang siya dahil baka mapag-initan ako kapag nakaapekto ang pagkikita natin sa trabaho ko."

"Paanong makakaapekto sa iyo? Focus ka nga sa trabaho mo." Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito. "Maliban na lang kung iniisip mo kahit oras ng trabaho o kaya wala ka nang ibang bukambibig kundi ako. In love ka na sa akin, no'n."

Inambaan niya ito ng suntok. "Anong in love?"

Ibinuka nito ang mga palad. "O! Masyado ka namang high blood. Nagbibiro lang ako. Ano naman ang masama kung mai-in love ka sa akin?"

"Naku! Malayo pa sa isip ko iyan," aniya at tumingin sa malayo. Nagsisimula pa lang ang buhay niya sa Stallion Riding Club. Yes, Eiji was special. Di niya ikakailang gusto niya ito. Pero mabigat na kapag pinag-usapan ang pag-ibig. Hindi pa siya handa na tumanggap nang ganoon katinding emosyon.

"Oo na. Alam kong trabaho ang importante sa iyo." Mukhang nasasanay na mas pinipili niya ang trabaho kaysa sa kaguwapuhan nito. "So how's your first day?"

"I am handling a mare. She's Serenity. Wala pang may-ari sa kanya at isasalang pa lang siya sa dadating na auction." Para sa female rider ang naturang kabayo. Mabait naman si Serenity kaya di siya mahihirapan dito.

"Ang mga co-workers mo?"

Huminga siya nang malalim. "Civil sila sa akin. Kung di lang din naman kailangan, di nila ako papansinin. Parang di ako nag-e-exist. I can't really blame them. Ngayon lang may babaeng naligaw sa teritoryo nila."

"Hindi ka naman nila ini-intimidate?"

Umiling siya. "Ngayon ko lang susubukang makisama sa mga taong di ko kilala. Sa rancho ni Uncle, May respeto pa sila kahit paano dahil pamangkin ako ng may-ari. Kailangan lang sigurong galingan pa ang pakikisama at pagtatrabaho. Marami pa akong kailangang patunayan."

Habang sa riding club ay kakaiba ang tingin sa kanya ng mga kasamahan. Dahil si Eiji ang nagrekomenda sa kanya, may stigma nang nakakabit sa kanya. Wala siyang pakialam kung ano ang reputasyon ni Eiji. Kahit sabihin pang playboy ito, nararamdaman niyang nirerespeto siya nito. Di ito ganoon kasama.

"Tama. Ang importante hindi ikaw ang nagpapakita ng masama sa kanila."

"Thanks for the support and trust, Eiji. This is like a second life for me. Kung wala ka, di ko alam kung saan ako pupulutin ngayon."

Ginagap nito ang kamay niya. There was warmth in his eyes when he looked at her. "Keira, I don't only support and trust you. I…"