Chapter 327 - Chapter 2

NAKATITIG si Keira sa langit. She missed the ranch. Walang polusyon, walang maingay na sasakyan, puro berde ang paligid at makakasama pa niya ang mga kabayo na tine-train niya. The horses were her life.

Thirteen siya nang naulila siya.Nmamatay ang mga magulang niya sa isang sunog. Inampon siya ng Uncle Felipe niya. Nagsilbing therapy sa kanya na makasama ang mga kabayo. Nalibang siya at mas madaling natanggap ang pagkawala ng mga magulang. At the age of sixteen, she became the youngest horse trainer in the ranch. Sa edad na eighteen ay nakuha niya ang lisensiya niya bilang horse trainer.

Mahal niya ang trabaho niya. Pangarap niya na umunlad pa ang rancho ng tiyo niya. Maganda ang horse training program nila. Pero sa sobrang luho ni Monica, nahihirapan silang mag-budget.

"Mind if I join you?"

She was startled by that male voice. Bigla siyang tumuwid ng upo nang makita si Eiji. "I don't mind," aniya. Natutuliro ang isip niya nang tabihan siya nito. Anong ginagawa nito doon?

Tumingala rin ito at ginaya ang ayos niya kanina. "Stargazing?"

"Mas tama sigurong sabihing skygazing. Walang bituin ngayon."

"The city lights outshine them."

Huminga siya nang malalim. "Buti pa sa rancho masarap mag-stargazing." Lalo lang niyang na-miss ang rancho.

"You are Monica's cousin, right?"

"Huh!" Gulat siyang tumingin dito. "Paano mo nalaman?" Monica definitely won't volunteer that piece of information. Over her dead body.

"Tinanong ko ang Uncle Felipe mo. Sabi niya may pinsan daw si Monica pero nagpahangin lang dito sa garden. So I assumed it was you. May pagkakahawig kasi kayo ni Monica. Your eyes are just darker."

"Ah!" Napansin agad nito iyon samantalang kanina lang siya nito nakita at di sila matagal nagkaharap. Light brown ang mata ni Monica dahil sa contact lens. "Ano nga palang ginagawa mo dito? Di ba dapat nasa party ka?"

"Baka magalit ka sa akin kapag sinabi ko. The party bored the hell out of me." Inilagay nito ang palad sa ilalim ng batok at humilig sa sandalan ng bench. "Same old faces and same old stories. Pare-pareho lang ang pinag-uusapan nila. And I love to see new faces. Kaya hinanap kita."

She felt heady for a while. Hinanap pa siya nito. Siguro dahil kakaiba siya sa mga bisita ni Monica. Siya lang ang nag-iisang baduy ang damit doon. "Magtatampo tiyak si Monica kapag nalaman niyang hindi ka nag-e-enjoy sa party niya."

"Kanina nabo-bore ako. Pero nag-e-enjoy na ako ngayon," anito habang nakatitig sa kanya. He was staring at her with those eyes. Di siya makatingin nang direkta dito. Noon pa lang siya tinitigan nang mabuti ng isang lalaki.

"Importanteng bisita ka niya, hindi ba? Celebrity ka daw."

He was astounded. "H-Hindi mo ako kilala?"

"Eiji Romero. Iyon ang sinabi mong pangalan mo kanina, di ba?"

Tumango ito pero nasa mga mata pa rin nito ang pagtataka. "Oo." Bumagsak ang balikat nito nang wala pa ring rumerehistrong recognition sa kanya. "I am Eiji Romero, a tennis player and a part-time commercial model."

Wala siyang alam sa mga tennis player. Pero nang sabihin nitong commercial model, biglang nag-flash sa isip niya ang nakahilerang doseng guwapong lalaki para sa commercial ng isang shampoo. "Ah! Stallion Shampoo!"

"Yes! That one! Pero last year pa ang commercial na iyon."

"Oo. Gustong-gusto ni Aling Pining ang commercial na iyon. Bumili pa nga siya ng Stallion Shampoo at iyon na rin ang ginagamit namin sa bahay. Baka daw sakaling may magkagusto pa sa kanya na kasing guwapo ninyo. Huwag kang magpapakita doon. Tiyak na pipikutin ka noon. Matandang dalaga iyon."

"Kung ikaw ang pipikot sa akin, I won't mind."

Natawa lang siya. "Wala naman akong planong mamikot ng lalaki."

"May boyfriend ka na ba?" tanong nito na tonong nag-aalala.

"Boyfriend? Paano ako nagkaka-boyfriend wala namang nanliligaw."

"Ha? Bakit naman walang nanliligaw sa iyo? You are pretty."

Tumaas ang kilay niya. "Ha? Sabi nga nila mas mukha pa akong siga sa kanila. Paano naman ako magiging maganda?"

Hinawakan nito ang baba niya. "Mga duwag lang sila. Well, a woman is beautiful for her fragility and strength. And you are beautiful."

She was speechless for a while. Noon lang may lalaking nagsabi ng ganoon sa kanya. Siguro ay di pa nalalaman ni Eiji kung ano ang kakayahan niya. Mukha kasing maamo ang mukha niya sa unang tingin. "Do you know that I am a horse trainer?"

His lips formed an O. "You? A horse trainer?"

"Yes. Since I was sixteen."

"I haven't met a lady horse breaker before. It is not an easy job. Dapat pasensiyosa ka. And you are susceptible sa injury. Member ako ng Stallion Riding Club. Nakita ko kung gaano kahirap ang trabaho ng mga trainer."

"I love my job. Lahat naman siguro ng trabaho mahirap."

"That's what I admire about a girl. Walang arte. Someone should treat you like a queen. How about a date with me at the Stallion Riding Club?"

"A date?"

"I am sure you will love the riding club. I have Thoroughbreds and Arabians. You will enjoy your visit there. Pwede rin kitang isama kapag may tournament."

She was torn between saying yes and no. Ano ba ang dapat niyang isagot? Ito pa lang kasi ang lalaking nagyaya ng date sa kanya. At narinig na niya ang Stallion Riding Club mula kay Monica. Pang-mayaman lang daw ang lugar na iyon. Ang mga inimbitahan lang ng member ang pwedeng makakapasok.

"Wala akong time na makipag-date. Mahirap basta-basta iwan ang rancho."

"Ipagpapaalam kita sa Uncle mo. Close na kami ni Uncle Felipe. I am sure papayagan ka niyang sumama sa riding club."

"Huwag!"

"Bakit? Istrikto ba siya sa iyo sa pakikipag-date?"

Tiyak na papayag agad ang uncle niya na sumama siya. Matagal na siya nitong ipinagtutulakan na magkanobyo. Oras na malaman ni Monica na lumabas siya kasama ni Eiji, magwawala iyon. Aawayin na naman siya nito.

"Nahihiya lang ako na basta-basta umalis sa rancho. We have so many activities at the moment. We are in dire need of manpower at the moment." And she was not lying. Di niya maiiwan ang rancho.

Bumagsak ang balikat nito. "You really do wonders for my ego. Ikaw lang ang babaeng kilala ko na ipagpapalit ako sa isang kabayo."

Tinapik niya ang balikat nito. "Sorry, ha?"

"Kung hindi kita pwedeng ilabas ng rancho, ako na lang ang dadalaw sa iyo."

"Ha?" Nakita niyang palapit si Monica sa direksiyon nila. Si Eiji ang pakay nito. "Nandiyan na si Monica. Sinusundo ka yata niya."

Hinakawan nito ang kamay niya. "Basta pumayag kang dumalaw ako. Hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi na pumapayag kang dumalaw ako."

"Ha?" Hawak nito ang kamay niya. She loved the touch of his hands. But she should relinquish the moment. Baka makita sila ni Monica. "Oo na."

Malapad ang ngiti nito ang bitiwan ang kamay niya. "I'll see you soon." Saka nito nilapitan si Monica at inakay na pabalik sa condo.

Nakahinga siya nang maluwag. Subalit dama pa niya ang mabilis na tibok ng puso niya. Dadalawin daw siya ni Eiji. Nagbibiro lang siguro ito.

Pero sabi niya maganda ako. Nahaplos niya ang pisngi at tumingala sa langit. Sa gabing iyon, maniniwala siya sa sinabi nitong maganda siya.