Chapter 302 - Chapter 14

"Di ka sumama sa amin na mag-dinner," wika ni Kester at tuloy-tuloy na pumasok ng bahay kahit di pa niya inaanyayahan. "I am worried about you. So I decided to drop by to check if you are okay."

"Hindi ba sinabi ko sa iyo na di mo na kailangang mag-alala sa akin?" aniya sa mataas na tono. Nagpa-panic siya. She was treating him coldly. Ayaw na kasi niyang mapalapit ang loob dito. Pero heto na naman ito at ang pakunwari nitong pag-aalala sa kanya. "I am okay as you can see…"

Naputol ang paglilitanya niya nang salatin nito ang noo niya. "Hmmm… wala kang lagnat. Your temperature is okay. That is good."

"Lagnat? Bakit naman ako lalagnatin?"

"May mga tao kasi na sobrang takot sa isang bagay, nilalagnat kinagabihan. Looks like you are tougher than I thought. Hindi mo na kailangang uminom ng gamot na dala ko," anito at pumunta sa kusina.

"Anong palagay mo sa akin? Bata na lalagnatin na lang basta-basta dahil nakakita ako ng bubuli? Saka sino naman ang nagbigay sa iyo ng permiso na tumuloy-tuloy hanggang dito sa kusina ko?"

Nakangiti nitong inilabas ang isang maliit na kahon. "I brought you some chamomile tea. Para naman ma-relax ka. Naisip ko na baka di ka makatulog agad dahil sa pagod at sa takot mo sa reptile kanina. Takot ka pala sa bubuli. Akala ko naman sa dugo ka lang takot."

"Hindi naman talaga ako takot sa bubuli. I just thought it was a snake. Minsan, mas takot pa tayo sa bagay na inaakala natin kaysa sa bagay na totoo. But I am okay now," giit niya.

Kumuha ito ng isang teacup at inilapag sa platito. "They told me that you love tea. Sa palagay ko naman walang problema kung uminom ka nito. Sugar?"

"Ako na ang bahala diyan."

"Ako na sabi!" giit nito at kumuha ng kutsarita para takalin ang asukal.

"Kaya ko na sabi iyan, eh!"

Tangkang aagawin niya ang kutsarita dito nang mahawakan niya ang kamay nito. Nakaramdam siya na parang may kuryenteng dumaloy sa balat niya at mabilis niyang binawi ang kamay dito. She wondered why she has to feel that way. Even her heart was beating wildly. He was in her kitchen acting as if he belonged. Pero kung tutuusin ay wala naman itong karapatan sa kahit anong bahagi ng buhay niya. Sa huli ay hinayaan na lang niya itong magtimpla.

"I-Ikaw na ang bahala," aniya sa nanginginig na boses.

Napasinghap siya nang gagapin nito ang kamay niya. "Bakit nanlalamig ang kamay mo?"

"M-Malamig kasi ngayon." Binawi niya ang kamay dito. "Magtimpla ka na rin ng tsaa mo. Baka kasi lamigin ka rin. Sige."

Pagtalikod niya ay nagulat siya nang kabigin siya nito at yakapin. She felt like the world stopped revolving around her. It was something that she didn't expect him to do. Then he laced his fingers with hers. His big, warm body created a perfect cocoon for her. As if he made her feel safe.

"Nilalamig ka pa rin ba?" bulong nito sa kanya.

"H-Hindi naman ganoon kalamig." Nalilito kasi siya kung bakit siya nito niyakap. Di ba nito alam na nanlalambot na ang tuhod niya. Na kung di lang dahil sa lakas ng katawan nito ay baka nabuwal na siya? "K-Kester…"

"Don't ask anything, okay?"

"Pero bakit mo ba ginagawa ito?"

His lips touched the top of her head. "Hindi ko rin alam kung bakit ko ito ginagawa. I always do things for a reason. But this is something that I know I must do on impulse. I just don't know the reason why."

"You hate me," paalala niya dito.

"Yes. And you hate me, too. We always argue. I push you away whenever you come near me and you do the same thing. Pero sa ngayon, pakiramdam ko kailangan mo ako. At gusto ko nasa tabi mo lang ako. Kahapon ko pa ito gusto gawin nang makita kong muntik kang mapahamak. Kanina nang marinig kitang sumisigaw, gusto rin kitang yakapin at I-comfort. Pero lagi ka na lang tumatakbo kay Alastair. I also want you to need me."

"Are you okay with that? Baka mamaya magalit ka sa akin o sa sarili mo dahil naisip mo na mali ang ginagawa mo. You might think that I encouraged you because I am not pushing you away. And it would be my fault in the end."

Di naman siya natatakot na magalit ito sa kanya. She loved to feel his arms around her. Mas natatakot siya na maari rin niyang sisihin ang sarili sa kalokohang iyon. It was so stupid to allow herself such whim. Yes, it was a whim. Such craziness wasn't allowed because it was a weakness. And she might hate her self in the end.

"I don't care if this is right. I don't care if it is sane. I just want to stay this way even for just a while."

She closed her eyes. Iyon din ang nararamdaman niya. Ayaw niyang magsalita o makipagtalo pa dito. Ayaw na rin niyang magtanong kung bakit. She just wanted to feel. With just feeling alone, everything felt so right. Walang mali.

"Feeling better?" he asked. "Hindi ka na ba nilalamig?"

"Iyong tsaa!" bulalas niya nang maalala. Kumawala siya sa yakap nito at tiningnan ang tinitimpla nito kanina. "Malamig na yata."

Tinitigan siya nito habang tinutulungan siya nitong I-serve ang tsaa. "Mukhang ayaw ni Alastair maging member dito."

"Hindi naman natin siya mapipilit."

"Kung magpapakasal ka ba, gusto mo bang tumira dito?"

"I consider the riding club as my home. Dito ko natagpuan ang pamilya ko. Magpakasal man ako o hindi, gusto ko dito."

"Kahit na wala pa si Alastair?"

"Alastair isn't my world alone, Kester."

He smelled his tea. "May itinatago ba kayo ni Alastair sa akin?"

Maang siyang napatingin dito. "I-Itinatago?"

Tumango ito. His eyes were on the tea. Pero alam niyang tinitingnan siya nito sa gilid ng mga mata nito. "Yes. May sekreto ba kayong dalawa?"

Umiling siya at iniwas ang mata. "Ano naman ang sekreto namin?" Subalit kinakabahan siya. May hinala na ba si Kester sa totoong pagkatao ni Alastair?

"May mga tinginan kayo na parang kayo lang ang nakakaalam. I have a feeling that you are keeping something from me. From us."

Sa dami ng pwede nitong mapansin, bakit iyon pa? Bakit hindi na lang ang itinatago niyang damdamin para dito? She could handle that one. But she couldn't let him pry on Alastair's secret. She was willing to protect that secret with her life.

"Wala akong itinatago sa iyo. Ikaw lang ang nag-iisip no'n." Tumayo siya at iniligpit ang pinagtsaahan. Naghikab siya. "Tama ka. Nakaka-relax nga ang chamomile tea. Inaantok na ako. Hindi sa itinataboy kita, Kester. Pero gusto ko na talagang magpahinga."

He touched her cheek. "I won't press you for now. Hahayaan kitang itago ang sekreto mo sa ngayon. Pero mas magandang sabihin mo na sa akin habang maaga. Mas mabuti nang matulungan ko kayo. Before the whole thing blows over."

Nakadama siya ng matinding panlulumo nang umalis si Kester. Sana ay hanggang hinala lang ito. Konting panahon na lang ang hihintayin niya at kusa nang aaminin ni Alastair ang totoo. She would do everything to resist Kester's charm just in case he would force the information out of her. Importante ang pagkakaibigan nila ni Alastair. And Kester was the man she would be wary of.