Chapter 297 - Chapter 9

ALAS nuwebe na ng gabi nang dumating si Yoanna sa condo ni Alastair sa Makati. Day off niya kinabukasan kaya pagkatapos ng duty sa guesthouse ay lumuwas na siya sa Manila dahil na rin sa pakiusap ng kaibigan. Kapag kailangan siya nitong palabasin ng riding club para lang makausap, isa lang ang ibig sabihin. May malaki itong problema.

"Good evening, Ma'am," bati ng butler nito.

"Good evening. Nasaan si Alastair?" tanong niya.

"Nasa mini-bar, Ma'am." Then she was led to the mini-bar.

Hangos niyang nilapitan si Alastair nang makitang namumungay na ang mata nito dahil mukhang kanina pa nito nilulunod sarili sa alak. "Al, what are you doing? Di ba usapan natin hindi ka na maglalasing kahit pa may problema ka?"

"Natatakot na ako, Yoanna. Pine-pressure ako ni Papa na sumali sa riding club." Umiling ito. "I don't want to. Wala namang babaeng member ng riding club, di ba? Saka ayoko sa mga kabayo."

"Then tell him that you are too busy to join that riding club. O kaya magdahilan ka nang kung anu-ano."

Malaking problema nga naman kapag pumasok ito sa riding club. Minsan na niya itong nakasamang mag-horseback riding nang dalawin nila ang isang kaibigan noong college sa rancho nito sa Batangas. Nagtitili lang nang nagtitili si Alastair nang magwala ang kabayo. Kung mangyayari iyon sa riding club, tiyak na isang malaking gulo iyon. Malalaman ng lahat ang tunay nitong pagkatao.

"Pero sabi ni Papa, totoong lalaki daw ang ako kapag naging member ng club. And a real man should be great with riding a horse," anito at nagbuhos ulit ng brandy sa baso.

"Pretend that you are sick that day."

"Ang tunay na lalaki, kaya pa ring harapin ang kahit anong pagsubok kahit na may sakit. Iyon ang sasabihin sa akin ni Papa. What will be my excuse?"

Mukhang wala na itong takas pa. Gudofredo Mondragon was raised by his father who was a military man. At titiyakin nitong maipapasa nito ang sukatan ng pagiging tunay na lalaki sa mga anak. Malas lang ni Alastair dahil isa itong Darna.

Tinapik niya ang balikat nito. "Pagbigyan mo lang sila na susubukan mo ang riding club. Ipapakita muna natin sa kanila kung paano maging isang tunay na lalaki. Until you are ready to tell them the truth."

"Just a couple of months more. Kapag successful na ang malaking deal na maiko-close ko sa isang Japanese company, masasabi ko na sa kanila ang totoo. Masasabi ko na rin sa kanila ang tungkol sa amin ni Burke. Pero sa ngayon, kailangan ko munang gawin ito."

Niyakap niya ito nang mahigpit. Sa pinagdadaanan kasi nito, siya lang ang karamay nito. Kaya susuportahan niya ito kahit na anong mangyari.

***

"Ah, so this is the Stallion Riding Club. Tama nga ang kumpadre ko na nakapasok na dito. Nakakabata dahil puro bata rin ang mga members," komento ni Gudofredo. Nasa Rider's Verandah sila para at nagpapahinga muna bago umikot sa paligid ng riding club. Plano nito na mag-stay ng tatlong araw sa riding club para makumbinsi si Alastair na maging member doon.

"Tito, the riding club is designed that way. Lahat ng members dito stressed out sa trabaho nila. Ang iba naman po gusto ng privacy and that's what the riding club offers. Ang iba nga po ayaw nang lumabas ng riding club. They have their own villa and even work and live here," paliwanag niya.

"Perfect! Perfect! Bagay na bagay dito si Alastair." Tumango-tango si Gudofredo. "Before we leave the riding club, we have to consult what type of villa Alastair prefers. At kung saang estate din. May nagustuhan ka na ba, Kester?"

"Yes, Pa. I'd love to get a track of land somewhere near the Mountain Trail. Pero ayaw pong I-develop ni Reid na residential area ang lugar na iyon. He wants to keep it that way. So I have to choose between the Woodridge Estate and the Lakeside Mansions," kwento naman ni Kester. Mukhang desidido na itong mag-settle doon.

Humilig si Katalina sa kay Gudofredo. "And I think this place is romantic. Look at the couples out there." Itinuro nito ang ilan sa mga members na naka-horseback kasama ang nobya o asawa ng mga ito. "Aren't they sweet?"

"This place is romantic indeed, Tita. May mga romance novels pa nga po na na-publish na at di to sa riding club ang setting. And those stories are based on the member's love stories. Kaya po mas marami ang gustong pumunta dito." Pero mahigpit ang rules sa riding club. Di basta-basta makakapasok ang isang non-member nang walang permiso ng member. Salang-sala lang ang nakakapasok.

"Oh, I see! Sana dito matagpuan ng mga anak ko ang babaeng pakakasalan nila. Para naman maisulat din ang love story nila," kinikilig na sabi ni Katalina na parang teenager. Hopeless romantic kasi ito.

Siniko siya ni Alastair. "This is your fault!"

"Ha? Anong kasalanan ko?" mahina niyang tanong.

"Stop feeding her any romantic notion. Baka ipagtulakan ako ni Mama sa kahit sinong babaeng available dito sa riding club."

"Ma, I don't think looking for a wife here at the riding club is a nice idea," pormal na sabi ni Kester. "Most of the women I encounter are just looking for a prince here. They want rich and handsome men. They are not looking for real love."

Iniwas niya ang tingin dito. Pinariringgan ba siya nito? Hindi naman prince ang tingin niya dito kundi palaka. "Baka naman mali ka lang ng babaeng nakikilala."

"And you are a prince, Kester," wika ni Katalina. "Mai-inlove ang kahit sinong babae sa iyo. But of course you have to choose well."

"Alastair, hindi mo pa naiku-kwento sa akin ang business conference mo sa Batangas," wika ni Gudofredo. "Any potential clients?"

Tumikhim si Alastair. "Marami, Pa. Before I left for vacation, I already delegated the task to my staff. Sila na po ang bahala."

Related Books

Popular novel hashtag